Tuesday, December 30, 2008

the joy of Simeon

We all konw the joy of the shepherds upon seeing the new born child, wrapped in swadling clothes in the manger. We all know the excitement of the wise men who travelled from the East following a bright star that led them to the King of kings. But seldom do we hear about the joy of Simeon.

Jesus was brought by Mary and Joseph to the temple to be presented to the Lord according to the law of Moses. Simeon, a righteous and devout man, filled with the Holy Spirit, received the child into his hands and burst into prayer, "Now, Master, you may let your servant go in peace, according to your word, for my eyes have seen your salvation." [Lk 2:29-30] There was so much joy in Simeon's heart, after all the waiting for the Messiah, that death becomes a welcome experience. Seeing the saviour is enough. He longs for nothing more, waiting for no one else. Fulfillment has come. Satisfaction has arrived. As if saying, "Okey na Lord. Puede mo na akong kunin!"

Every year we celebrate Christmas. We have used to the atmosphere of Christmas, to the lights, to the celebrations, to the practices and traditions, to a point that the joy of the season becomes ordinary and usual. The joy of Simeon brings back the original joy of the mystery of incarnation - a joy that fills the heart wil excitement, contentment and fulfillment to a point that one can say, "Okey na. Puede nang mamatay."

Ang lahat ay masaya kapag panahon ng Pasko. Pero anung klaseng saya? Kasing saya ba ng kagalakan ni Simeon?

Sunday, December 28, 2008

Malakas, Marunong at Kalugud-lugod sa Paningin ng Diyos...

Feast of the Holy Family, Year B

Tapos na ang December 25. Tapos na ba ang Pasko?

Hindi pa. Tapos na ang araw ng pagsilang ng Panginoon, pero ang misteryo ng Pasko ay hindi lamang tungkol sa pagsilang ng Anak ng Diyos, kundi ang pagkakatawang tao ni Jesus. At kasama sa pagiging tao ng Diyos ay ang mabuhay sa loob ng isang pamilya. Ito ang ipinagdiriwang natin ngayon, ang pamilya ni Jose, Maria at Jesus. Kung saan si Jesus ay lumaking “malakas, marunong at kalugud-lugod sa paningin ng Diyos” [Lk 2:40].

Marami sa mga “first time” natin sa buhay ay natutunan natin sa loob ng pamilya: first time tumayo, lumakad, magsalita, bumilang, mag-sign of the cross, kumanta ng alleluia, etc. Mas lalung higit kapag pinag-usapan ang pananampalataya, sa loob ng pamilya tayong unang natututong magdasal. Sabi ni Pope John Paul II, “The family is the first school of faith.”

May isang bata, 4 years old, tuwing matatapos ang misa magmamano sa akin at sinasabi niya kung ano ang ipinagdasal niya sa misa. Minsan sabi niya, “Father, I have a new dress. I thank God for my new dress.” Tapos minsan, “Father, I have a new toy. I thank God for my new toy.” Tapos minsan din, “Father, I prayed for you.” Saan natuto ang apat na taung gulang na bata na magapasalamat sa Diyos sa lahat ng bagay? Saan pa, sa pamilya!

Totoo din ang kabaligtaran. Naglalakad ako sa isang eskinita. May naglalarong mga maliliit na bata sa may kalsada. Siguro mga apat na taun din. Pagdaan namin doon, narinig kong sumigaw yung maliit na bata, “Putang ina mo! Akin yan!” Sabi ko sa kasama ko, “Siguro hindi pa marunong yan magbasa pero marunong nang magmura.” Saan natuto ang apat na taung gulang na bata na magmura? Saan pa, sa pamilya!

Malaki at mahalaga ang papel ng pamilya sa ating buhay. Kung gusto natin ng mga Kristiyanong malakas laban sa kasamaan, kailangan maging malakas ang mga pamilya. Kung gusto natin ng mga Kristiyano marunong sa pananampalataya, kailangan maging marunong ang mga pamilya. Kung gusto natin ng mga Kristiyanong namumuhay na kalugud-lugod sa Diyos, kailangan ang mga pamilya ay mamuhay ng kalugud-lugod sa Diyos. Ang lahat ng ito ay natutunan sa loob ng pamilya.

Nawa, sa tulong at halimbawa nina Jesus, Maria at Jose, ang lahat ng pamilyang naririto ngayon ay magsikap upang magturo sa lahat na maging malakas, marunong, at kalugud-lugod sa Diyos.

Tuesday, December 23, 2008

Walang makapaghihiwalay

Christmas Eve Mass, December 24

May isang taong naglakbay sa malalayong lugar para maglingkod sa Diyos. Dumaan siya sa iba’t ibang hirap sa kanyang paglalakbay: inusig, pinagmalupitan, kinasuhan ng iba’t ibang paratang, ilang beses nabilanggo, nahagupit ng latigo, ilang beses nalagay sa bingit ng kamatayan, ilang beses nalagay sa panganib, hindi lang isang beses nakaranas ng paglubog ng barko, nagutom, naghikahos – sa lahat ng paghihirap na ito, meron pa ba siyang dahilan para lumigaya at maging masaya?

Ang taong sinasabi ko sa inyo ay si San Pablo. At mababasa nyo po ang kanyang paglalakbay sa mga Gawa ng mga Apostol at sa kanyang mga sulat. Pagkatapos ng lahat ng hirap na ito, meron pa bang dahilan si San Pablo para maging masaya?

May sagot po si San Pablo sa tanong na ito: walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo [Rom 8:35-39]? Hindi paghihirap, hindi kapighatian, hindi pag-uusig, hindi gutom, hindi tabak. Wala! Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo.

Galing yan sa isang taong dumaan sa sangkatutak na paghihirap. Maliwanag kay San Pablo na mahal pa rin siya ng Diyos, at sapat na itong dahilan upang patuloy na maging masaya, patuloy na umasa.

Ito ang tunay na diwa ng Pasko: Ang Diyos nagkatawang tao. Ang Diyos nakipamuhay sa atin. Ang Diyos bumababa mula sa langit at sinamahan tayo. At kailanman ay hindi lilisan sa piling natin, dahil walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig at pananahan ng Diyos sa piling natin.

Jesus, the Son of God, became a child in a manger to be with us because God loves us unconditionally. And he will always be with us, no matter what. Not anguish. Not distress. Not famine. Not nakedness. Not peril. Not the sword. Nothing can separate us from the love of God.

Mahirap ang buhay? Maraming pagsubok? Iniwan ka ng boyfriend mo? Nilayasan ka ng mga anak mo? Walang trabaho? Gutom? May dahilan pa rin para maging masaya ngayong Pasko, dahil ngayong Pasko sasamahan ka ng Diyos at walang makapaghihiwalay sa iyo sa pag-ibig ng Diyos para sa iyo. Huwag na huwag po ninyong kalilimutan iyan. Maligayang Pasko po sa inyong lahat!

Monday, December 22, 2008

Tikman ang tunay na diwa ng Pasko

Simbang Gabi, December 22

Ako po ay nag-aral sa San Carlos Seminary, sa Guadalupe, Makati. Sa labas ng seminaryo, napakaraming namamalimos, maraming pulubi. Merong isang seminarista tuwing lalabas siya, bibili siya ng merienda laging pang dalawang tao. Sa kanya yung isa. Ung isa naman para sa isang batang pulubi na lagi niyang dinadaanan. Bago bumalik ng seminaryo, bibili siya ng dalawang merienda, hamburger, o kaya siopao, o kaya monay, o biscuit, o kahit anung meryenda. Isa para sa kanya. Isa para sa batang pulubi.

Minsan, pagkatapos ibigay ng seminarista ang tinapay sa bata, naisipan niyang panoorin kung talagang kinakain nung bata yung meryenda. Pinanood niya yung bata. Binuksan ng bata yung balot. Tapos kumagat ng isa. Tapos nilapag yung tinapay sa semento. Nakita yun ng seminarista at sumugod sa bata. Nagalit ang seminarista dahil hindi inuubos ang tinapay. Sayang. Kaya sabi nung seminarista, hindi na siya magbibigay ng tinapay. Nung tapos ng magsalita ang seminarista nagpaliwanag yung bata. Sabi niya,”Brother, pasensya na po kayo. Tuwing binibigyan nyo po ako ng tinapay, lagi ko pong inuubos. Ngayon ko lang po hindi inubos. Kasi po, nitong mga nakaraang linggo, tuwing uuwi ako, lagi kong kinukuwento sa mga kapatid ko na meron isang mabait na mama na lagi akong binibigyan tinapay. Paulit ulit ko po yang kinukuwneto sa kanila. Pero minsan sabi po nila sa akin, na huwag ko na raw ikukuwento sa kanila, kasi hindi naman daw nila natitikman yung kuwento ko. Naiinggit lang sila. Kaya, ngayon po, hindi ko uubusin ang ibinigay ninyo, para pag-uwi ko sa bahay, pag nagkuwento ako tungkol sa nagbibigay sa aking meryenda, matitikman nila ang kuwento ko.

Sabi nung seminarista, madaling isipin na nagpapalusot lang yung bata, pero sabi niya naniniwala siya sa kuwento ng bata. Kaya hindi siya huminto sa pagbili ng dalawang meryenda. Isa sa kanya. Isa sa batang pulubi.

Alam nating lahat ang kuwento ng ating pananampalataya – ang kuwento ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang kuwento ng dalisay na pagmamahal, ng walang sawang pagpapatawad, ng walang maliw na pagkalinga, ng walang kapagurang pagbibigay ng pagpapala. At ang kuwentong ito ay hindi narinig lang, o salita lang, hindi kuwentong barbero. Dahil sa pagsilang ni Jesus, natikman ng sangkatauhan ang kuwento ng wagas na pag-ibig ng Diyos. Sa pagparito ni Jesus sa mundo, natikman ng tao ang patawarin sa kanyang mga kasalanan, natikman ang pagalingin sa karamdaman, natikman ang makipagkasundo sa Diyos, natikman ang bigyan ng pag-asa, ng direksyon, ng karangalan bilang mga anak ng Diyos. Sa pagdating ni Jesus, natikman natin kung paano mahalin ng isang nag-alay ng buhay sa krus.

Kaya nga sa ebanghelyo ngayon, nasambit ni Maria ang mabubuting kaloob ng Diyos. Sa pagdating ni Jesus, natikman ng bayan ng Diyos, ang lingapin sa kanyang kaabahan, natikman ang busugin ng kabutihan, ang maging mapalad, ang kahabagan, ang katapatan ng Diyos sa kanyang pangako sa ating mga magulang.

Alam nating lahat ang kuwento ng tunay na diwa ng Pasko - ang kuwento ng pagbibigay, ng pakikipagkasundo, ng pagpapakumbaba. Sana hindi lang ito kuwentong barbero. Sana ang tunay na diwa ng pasko ay matikman ng mga taong nakapaligid sa atin. Ang ating pagbibigay ay matikman ng ating kapwa. Ang ating pakikpagkasundo ay matikman ng ating mga mahal sa buhay. Ang ating pagpapakumbaba ay matikman ng mga nakakasalamuha natin sa araw-araw.

Sana ang tunay na diwa ng Pasko hindi lamang marinig sa ating mga kuwento, kundi matikman sa ating pagtulad kay Kristo.

Sunday, December 21, 2008

A great photographer is a child...

This year I discovered photography. I bought my first DSLR in January this year. I joined filckr groups and got involved in some on-line contests. I won one. I was able to meet up with some photo enthusiasts both professional and amateur. I gained new friends. It was a whole new world altogether. Exciting!

One important thing that photography taught me about taking pictures and about life in general is sensitivity. Be sensitive to your surroundings. Be open to everyone and to everything, even to the simplest, most ordinary little things. Be sensitive and beauty will always present itself. The face of the Creator is always recognizable in his creation.

Because of this, I came to learn that the sun rises in different ways everyday: different colors, different shades, different shapes. Some mornings may seem the same, but they are different. Nothing, not even the most ordinary, can be a poor subject for a stimulating image: a drop of rain, a leaf, a toy, the ordinary hand, the eyes [what eloquent eyes children have!]. Photography opened my eyes to the infinite beauty of people. It broadened my horizon into the limitless wonder of the world. Photography made me a child again. I discovered photography? Photography discovered the child in me.

Friday, December 19, 2008

Pangako

Simbang Gabi, December 20

Narinig natin sa unang pagbasa, “Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng lalaki at ito’y tatawaging Emmanuel.” Ito ang sabi ni propeta Isaias kay Acaz. Isang pangako mula sa Diyos. At naniniwala tayo na ang pangakong ito ay natupad sa paglilihi ni Maria. Narinig natin sa ebanghelyo, “Paano mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” Alam ba ninyo kung ilang taon ang pagitan ni Propeta Isaias at ang Pagsilang ni Kristo? Walong daang taon. Eight hundred years.

Siguro sasabihin ninyo, “Father, ang tagal namang tuparin ng Diyos ang kanyang pangako? Bakit ganun?” Hindi ko po alam kung bakit ganun, pero ito po ang alam ko. Kahit inabot ng walong daang taon, hindi nakalimot ang Diyos sa kanyang pangako. Hindi tumalikod ang Diyos sa kanyang pangako. Hindi pinabayaan ng Diyos ang kanyang mahal na bayan. Hindi ko alam kung bakit ganun katagal, pero ang alam ko, tapat ang ating Diyos, hindi ayon sa ating panahon, kundi ayon sa kanyang panahon, dahil ang panahon ng Diyos ay laging tamang panahon.

800 years – hindi nakalimut ang Diyos sa kanyang pangako, isinugo ang anak upang maging tagapagligtas ng kanyang bayan. Sa walong daang taon may mga nainip. May mga nawalan ng pag-asa. May mga tumalikod sa Diyos. May mga hindi na umasang matutupad pa. May mga hindi na nagtiwala. Subalit isang gabi sa Bethlehem, sa isang sabsaban, tinupad ng Diyos ang kanyang pangako, patunay na siya ay tapat. Siya’y tapat magpahanggang ngayon.

Meron akong isang dasal na matagal ko nang hinihingi sa Diyos. Seminarista pa ako nung una kong hiningi iyon sa Diyos. At magpahanggang ngayon, siyam na taon na akong pari, hindi pa rin ibinibigay sa akin ang aking ipinagdarasal. Kung tatanungin nyo ako, “Bakit?” Hindi ko alam kung bakit. Siguro sasabihin nyo sa akin, “Hindi ka ba naiinip?” Paminsan-minsan naiinip din. Tinatanong ko rin sa Diyos, “Panginoon hanggang kailan po ako maghihintay?” Pero lagi namang babalik sa katotohanan na tapat ang Diyos. Hindi ayon sa ating panahon, kundi ayon sa kanyang panahon.

Pasko na naman. Naka-display na naman ang mga belen. Nakasabit na naman ang mga parol. Naka-sindi na naman ang mga pa-ilaw. Ang lahat ng ito ay paalala na ang gabi ng Pagsilang ng Panginoon ay gabi ng pagtupad ng Diyos sa kanyang pangako. Ang Diyos natin ay tapat sa kanyang pangako, mapagkakatiwalaan at maasahan. Manalig tayo sa kanya.

Thursday, December 18, 2008

liwanag

Simbang Gabi, Dec. 18

Kelan ka huling nakakita ng alitaptap?

Ako? Nung October. Limang araw akong tumira sa monasteryo ng Transfiguration of the Lord. 5 am ang Morning Prayer nila. Dahil medyo may kalayuan sa monasteryo ang tinutuluyan ko, 4:30 am pa lang naglalakad na ako papuntang monasteryo. Isang beses sa aking paglalakad ng madaling araw nakakita ako ng dalawang alitaptap. Kumukutikutitap sila sa kadiliman ng umaga. Dahil minsan lang makakita, ang unang reaksyon ko sundan sila. Kaya sinundan ang liwanag ng mga alitaptap. Hanggang makarating ako sa isang punong puno ng alitaptap, parang krismas tree na hitik sa krismas lights. Wala ako ng nagawa kundi tumunganga at panoorin ang mga alitaptap. Pagdating ko sa monasteryo, tapos na ang Morning Prayer.

Naniniwala ako na lahat tayo, ang unang reaksyon natin kapag nakakita ng liwanag, lalu na kung tayo ay nasa dilim, ay lapitan ang liwanag, sundan ang liwanag at manatili sa liwanag. Yan ang unang reaksyon natin sa liwanag. Marahil kahit na sino papiliin mo sa liwanag o sa dilim, kung pababayaan ang damadamin laging pipiliin ang liwanag.

Ang pagsilang ni Jesus bilang tao sa Bethlehem ay ang pagdating ng liwanag sa daigdig na ito. Si Hesus ang ilaw ng mundo at kung pababayaan natin ang natural na reaksyon natin sa liwanang, lalapit tayo kay Kristo, susundan natin siya, at mananatili tayo sa kanya.

Paano ba tayo mananatili sa liwanag ni Kristo sa kasalukuyang panahon? (1) sa liwanag ng Salita ng Diyos - tulad ni San Jose sa ebanghelyo ngayon, naunawaan niya kung ano ang plano ng Diyos dahil sa isang anghel sa kanyang panaginip; tayo rin magiging maliwanag sa atin ang plano ng Diyos sa pamamagitan ng liwanag ng kanyang banal na Salita. (2) sa liwanang ng banal na Eukaristiya - tulad ni San Jose, nakatagpo siya ng lakas ng loob na pakasalan si Maria kahit hindi kanya ang sanggol na kanyang dinadala; tayo rin makakatagpo ng lakas ng loob na maninidigan sa landas ng kabutihan at kabanalan sa pagtanggap natin ng tinapay ng buhay na lakas at buhay ng bawat Kristiyano; (3) sa liwananag ng kapwa-tao - tulad ni San Jose tinanggap niyang maging ama-amahan ni Jesus dahil sabi ng anghel na siya ang magiging tagapagligtas ng kanyang mga kapwa-hudyo; si Jesus ang magbibigay ginhawa sa kanyang mga kababayan; tayo rin makakatagpo ng dahilan para maglingkod at magmalasakit sa kapwa dahil anuman ang gawin natin sa "maliit na ito" ay ginawa natin kay Jesus.

Sumasa-atin si Jesus. Sumasa-atin ang ating liwanag. Ang pumipili lamang sa dilim ang iyong may tinatago, iyong may kinahihiya, iyong may sikretong ayaw mabunyag. Ang tunay na Krisitiyano, nabubuhay sa liwanag ni Kristo.

Tuesday, December 16, 2008

gate crushers

Anong saysay ng pagdiriwang ng birthday ni Kristo kung wala naman siya sa puso natin? kung hindi naman siya mahalaga sa buhay natin? kung hindi naman tayo nakikinig sa kanyang salita? kung hindi naman tayo sumusunod sa kanyang mga utos? kung hindi naman tayo nagsisikap gayahin siya?

Para lang tayong nag-gate crush sa isang birthday party; naki birthday para maki-kain, para maka-libre ng hapunan, para maka-libre ng beer at pulutan; naki-gulo; naki-usyoso.

December will not make Jesus the center of our life, if from January to November Jesus has always been at the margins. We cannot share meaningfuly in the incomparable joy of the birthday of Jesus, if Jesus remains outside of our everyday concerns. Christmas is the "birthday party" of Christ. If we celebrate Christmas without loving Christ, then we are gate crushers.

Monday, December 15, 2008

Sidekick

Simbang Gabi, 1st Day

Alam nating lahat na sa kahit anung kuwento, laging may bida. Lalu na sa pelikula laging may bida. At ang bida laging may kasama, laging may “sidekick.” Halimbawa, si Batman, merong Robin. Si Zorro, merong Tonto. Si Dolphy, may Panchito, o kaya si Babalu. At si FPJ, may Dennis Padilla, o kaya si Berting Labra. Madas ang bida may “sidekick.”

Sa kuwento ni Jesus, parang meron din siyang “sidekick.” Siya ang naghanda ng daraanan sa pagdating ni Jesus. Siya ang nagtuwid n glandas ni Jesus. Siya ang nagbabala sa kahalagahan ng pagbabalik-loob sa Diyos para salubungin si Jesus. Siya ang nagbinyag sa ilog Jordan para maging malinis sa pagsalubong kay Jesus. At ng dumating na si Jesus, unti-unti na siyang nawala sa eksena. Sabi niya, I must decrease ; he must increase. Sidekick nga eh. Sino siya ? Si Juan Bautista.

Kapag pinag-usapan ang kuwento ng pasko, walang makakaisip na kasama sa kuwento si Juan Bautista. Pero merong mahalang mensahe si Juan Bautista para sa pagdiriwang natin ng Pasko: Magbalik-loob sa Diyos.

May mga tao kuntento na sa saya ng mga Christmas party; sa saya ng exchange gifts at ng monito-monita; sa sayang dulot ng 13th month pay at bonus; sa saya ng noche buena. Pero sinasabi ko sa inyo, iba ang saya ng Pasko kapag tayo ay malayo sa kasalanan at malapit sa pagmamahal ng Diyos. Walang kapantay ang saya sa pusong walang sama ng loob, walang kaaway, walang inggit, walang yabang, walang galit, walang poot.

Si Juan Bautista ay tila liwanag na nagniningning na tumatangalaw sa atin upang magbalik loob sa Diyos, dahil sa piling ng Diyos, walang kapantay ang ligayang dulot ng Pasko. Sa pagdiriwang ng Pasko, malayo ka ba sa Diyos dahil sa kasalanan? Magbalik-loob sa Diyos dahil kung kapiling ka ng Diyos, kung nakikinig ka sa kanyang salita, kung ginagawa mo ang kanyang mga utos, walang kapantay ang ligaya sa pagdiriwang ng Pasko. Amen.

Sunday, December 14, 2008

May dahilan ba para magsaya?

3rd Sunday Advent B

Ang linggong ito ay tinatawag na Gudete Sunday, o Linggo ng Kagalakan.

May dahilan ba para magalak? Para maging masaya?

Meron na naman parating na agyo. Kapag dumating na yan sa Luzon at bumuhos ang malakas na ulan, problema na naman ang baha, pati landslide, pati sirang bahay. May dahilan ba para magalak?

Meron na namang Cha-cha. Gusto na naman baguhin ang saligang batas at patagalin ang kapangyarihan ng mga nakapuwesto. May dahilan ba para magsaya?

May bird flu na naman sa Asia. Maapektuhan na naman ang mga alagang hayop at maapektuhan ang supply ng ating pagkain. May dahilan ba para magsaya?

Sa ating barangay, ang tagal tagal nang pinag-uusapan ang palengke hanggang ngayon hindi pa rin tapos, hindi pa rin magkasundo. At tila dumadami ang mga inuman dito. Tila dumadami din ang mga tambay, maging bata man o matanda. May dahilan ba para magdiwang?

Malinaw po ang sagot ni Juan Bautista sa ebanghelyo ngayon: “nasa gitna ninyo ang isang hindi nakikilala.” Si Jesus ay nasa gitna natin. Si Jesus ay sumasaatin at sapat na itong dahilan para magalak, para magsaya.

Nagbigay ako ng recollection sa Ina ng Laging Saklolo sa Punta, Sta. Ana. At punung puno ang simbahan para sa recollection. Ibig sabihin marami ang nauuhaw sa kaalaman at pananampalataya ukol sa pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Kahapon may Christmas party ang mga bata, mga nagsisimba at nagseserve sa children’s mass. Ngayong umaga meron namang party sa mga elders, sa mga senior citizen. Sa hapon naman merong party ang mga scholars ng ating parokya. Ibig sabihin, kahit mahirap ang buhay ngayon, marami pa rin ay may mabubuting loob na tumutulong sa mga nangangailangan, maging bata man o matanda, o mga mag-aaral.

Ilan lamang ito sa mga palatandaan na sumasaatin at kumikilos sa pamamagitan natin ang presensya ng Diyos. Gaano man kahirap ang buhay, gaano man kabigat ang problema, kung bawat isa sa atin ay magiging instrumento ng presensiya ng Diyos sa buhay na ito, hindi mauubusan ng dahilan para magdiwang.

May dahilan ba para magsaya? Meron, dahil sabi nga ni Juan Bautista nasa ating gitna ang Panginoon.

Sunday, December 7, 2008

Removing all that hinders...

I love my books. They are my treasure. There was a time when I tried collecting CD’s. Then, DVD’s. But, eventually I lost interest. But not with books. I always loved spending time in bookstores, especially in specialty bookstores. I love browsing through shelves and shelves of books. I love books and I love reading. So, I continue to collect books. There are times that I do not know where to place them. Kung saan-saan tuloy nakalagay.

When this happens, I need to de-clutter my shelves. I need to examine my books, one by one, and decide which books should go. Which books I do not need at the moment? Which books should be kept? Which books should be sent at home to be kept in the bodega, in order to make room for new ones? This is always a difficult decision. But it has to be done. Kailangan alisin ang ibang libro, para magkaroon ng lugar sa mga bagong libro na kailangan ko.

Life is somewhat like this. We collect so many things and we fill our life with a lot of things until it becomes full to the brim. We need to de-clutter our life. If we want to welcome Jesus in our life, we have to make room for him. Hindi siya makakapasok sa buhay natin kung punung puno tayo ng galit, ng inggit, ng sama ng loob, ng kaaway, ng pagkaabala sa materyal na bagay, ng kasalanan.

Our Opening Prayer is perfect for today: Lord, remove all the things that hinder us to welcome Jesus with joy… To remove all things that fill up our hearts and our life that prevent the grace to God to fill us, that prevents the mercy of God to comfort us, that prevent the presence of God to work in and through us. Our God is a generous God, he provides for all our needs, but if we have no room for Him, how can we experience his generosity?

St. John the Baptist proclaims from the desert: Prepare the way of the Lord. Make straight his paths. Jesus is coming, but we cannot receive him if we have no room for him in our lives and in our hearts. Let us prepare the way of the Lord and remove all the things that hinder us to welcome Jesus with joy.

Removing all that hinders...

I love my books. They are my treasure. There was a time when I tried collecting CD’s. Then, DVD’s. But, eventually I lost interest. But not with books. I always loved spending time in bookstores, especially in specialty bookstores. I love browsing through shelves and shelves of books. I love books and I love reading. So, I continue to collect books. There are times that I do not know where to put them. Kung saan-saan na lang tuloy nakalagay.

When this happens, it means I need to de-clutter my shelves. I need to examine my books, one by one, and decide which books should go. Which books I do not need at the moment? Which books should be kept? Which books should be sent at home to be kept in the bodega, in order to make room for new ones? This is always a difficult decision. But it has to be done. Kailangan alisin ang ibang libro, para magkaroon ng lugar para sa mga bagong libro na kailangan ko.

Our life is somewhat like this. We collect so many things and we fill our life with a lot of things until it becomes full to the brim. We need to de-clutter our life. If we want to welcome Jesus in our life, we have to make room for him. Hindi siya makakapasok sa buhay natin kung punung puno tayo ng galit, ng inggit, ng sama ng loob, ng kaaway, ng pagkaabala sa materyal na bagay, ng kasalanan.

Our Opening Prayer is perfect for today: Lord, remove all the things that hinder us to welcome Jesus with joy… To remove all things that fill up our hearts and our life that prevent the grace to God to fill us, that prevents the mercy of God to comfort us, that prevent the presence of God to work in and through us. Our God is a generous God, he provides for all our needs, but if we have no room for Him, how can we experience his generosity?

St. John the Baptist proclaims from the desert: Prepare the way of the Lord. Make straight his paths. Jesus is coming, but we cannot receive him if we have no room for him in our lives and in our hearts. Let us prepare the way of the Lord and remove all the things that hinder us to welcome Jesus with joy.

Removing all the things that hinder...

I love my books. They are my treasure. There was a time when I tried collecting CD’s. Then, DVD’s. But, eventually I lost interest. But not with books. I always loved spending time in bookstores, especially in specialty bookstore. I love browsing through shelves and shelves of books. I love books and I love reading. So, I continue to collect lots and lots of books. There are times that I do not have any room for them anymore. Kung saan-saan tuloy nakalagay.

When this happens, I need to de-clutter my shelves. I need to examine my books, one by one, and decide which books should go. Which books I do not need at the moment? Which books should be kept? Which books should be sent at home to be kept in the bodega, in order to make room for new ones? This is always a difficult decision. But it has to be done. Kailangan alisin ang ibang libro, para magkaroon ng lugar sa mga bagong libro na kailangan ko.

Our life is somewhat like this. We collect so many things and we fill our life with a lot of things until it becomes full to the brim. We need to de-clutter our life. If we want to welcome Jesus in our life, we have to make room for him. Hindi siya makakapasok sa buhay natin kung punung puno tayo ng galit, ng inggit, ng sama ng loob, ng kaaway, ng pagkaabala sa materyal na bagay, ng kasalanan.

Our Opening Prayer is perfect for today: Lord, remove all the things that hinder us to welcome Jesus with joy… To remove all things that fill up our hearts and our life that prevent the grace of God to fill us, that prevents the mercy of God to comfort us, that prevent the presence of God to work in and through us. Our God is a generous God, he provides for all our needs, but if we have no room for Him, how can we experience his generosity?

St. John the Baptist proclaims from the desert: Prepare the way of the Lord. Make straight his paths. Jesus is coming, but we cannot receive him if we have no room for him in our lives and in our hearts. Let us prepare the way of the Lord and remove all the things that hinder us to welcome Jesus with joy.

Sunday, November 30, 2008

Makasalubong nawa kaming may mabubuting gawa...

First Sunday of Advent, B

Ngayon ang unang araw ng bagong taon ng simbahan, bagong taon ng liturhiya. Ngayon ay unang linggo ng Adbiyento. Ang Adbiyento ay galing sa salitang ingles na Advent, na galing naman sa salitang Latin na Adventus, na ang ibig sabihin ay pagdating, arrival, or coming.

Sa panahaon ng Adbiyento hindi lamang tayo naghihintay sa pagdating ng Pasko, kundi naghihintay din tayo sa pagbabalik ng Panginoon. Paano ba tayo dapat maghintay?

Napakaganda ng sinasabi ng Pambunga na Panalangin sa misang ito: “Ama naming makapangyarihan, bigyan mo kaming paninindigang tumahak sa landas ng kabutihan. Sa pagdating ni Kristo makasalubong nawa kaming may mabubuting gawa upang kapiling niya sag awing kanan kami ay makapisan sa iyong pinaghaharian […]”

May naghihintay ng walang ginagawa. Ang paghinhintay sa panahon ng Adbiyento ay gumagawa ng kabutihan habang naghihintay. Ang pagsalubong sa pagdating ni Jesus ay ang pagsalubong sa pamamagitan ng mabubuting gawa at pagtahak sa landas ng kabutihan. Ang tawag ni Fr. Nouwen dito ay active waiting.

Si Cardinal Joseph Bernardin, ang dating arsobispo ng Chicago sa America. Bago siya namatay, siya ay tinaningan ng kanyang doctor dahil siya ay may cancer. Alam nyo kung ano ang ginawa sa kanyang mga huling araw bago dumating ang kanyang taning? Hindi siya nagmukmok sa isang tabi at umiwas sa kanyang mga tungkulin bilang arsobispo. Hindi siya nag-resign at nagbitiw sa kanyang mga gawain. Sa kanyang mga huling araw, habang naghihintay sa kanyang kamatayna, si Cardinal Bernardin ay dumalaw sa mga maysakit na kanser. At pinalakas ang kanilang loob sa pamamagitan ng panalangin at pagmamalasakit ng isang taong tulad nila ay lumalaban din sa sakit. The Cardinal did not stayed at home and relinquished his duties while waiting for his death. No. The Cardinal visited the sick, the cancer patients, and comforted them. Naghintay sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at pagtahak sa landas ng kabutihan.

Isang paalala mula sa ebanghelyo ngayon: Magbantay! Magbantay sa mga pagkakataong makagawa ng mabuti. Magbantay sa mga pangangailangan ng kapwa upang makatulong sa kanila. Magbantay sa mga pagkakataong tupdin ang kalooban at atas ng Diyos.

Darating ang Panginoon. Makasalubong nawa tayo ng may mabubuting gawa. Makasalubong nawa tayo habang tumatahak sa landas ng kabutihan. Amen

Saturday, November 29, 2008

First day... first time...

Today is my first day as professor of San Beda Graduate School of Liturgy.

Kahit isang unit lang yun, at apat na Sabado lang na three hours per class, at anim lang ang estudyante, me ID pa rin yun na professor ang nakalagay hahaha... Kinakabahan. Excited. Natatakot. Masaya. Maraming doubts. Frightening. Proud. Nahihiya. Hindi Mapakali. Nagbabasa pero wala ng pumapasok sa utak. Baka pumalpak. Privileged. Will give my best.

Prayers please (not only for me, but especially for my students sana matiis nila ako hehehe...). Thanks.

Thursday, November 20, 2008

Ang Tagumpay ng Paghahari ni Kristo

Ngayon ay dakilang kapistahan ng Kristong Hari. Sa huling linggo ng kalendaryo ng simbahan, at sa pagsisimula ng bagong kalendaryo sa pagpasok ng panahon ng Adbiyento, nararapat lamang na ipagdiwang ang paghahari ni Hesus sa ating buhay. Sa lingo-linggong pagdiriwang natin ng misa, pagpupuri at pasasalamat sa kanya, sa araw-araw na pagsisikap sumunod sa kanyang mga halimbawa nararapat lamang na ipagdiwang natin ang kanyang tagumpay, kapangyarihan at kaluwalhatian.

Ano nga ba ang palatandaan ng tagumpay ng paghahari ni Kristo sa buhay na ito? Ano ang platandaan na si Kristo ay ating Hari?

Batay sa ating ebanghelyo ngayon, si Kristo ay tunay na naghahari sa atin kung ang mga nagugutom ay may pagkain; kung ang nauuhaw ay may tubig; kung ang dayuhan ay tinatanggap; kung ang walang maisuot ay may damit; kung ang maysakit ay kinakalinga; at kung sa napipiit ay may nagmamalasakit. Samakatuwid, ang tagumpay ng paghahari ni Kristo ay nasusukat sa pagmamalasakit ng tao sa kapwa tao; sa pag-aalala hindi lamang para sa sarili kundi para sa mga nangangailangan; sa pagtalikod sa kasalanan at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ito ang tanda na tunay ngang naghahari sa atin si Kristo – kapag ang puso natin ay naging tulad ng puso ni Kristo, sumusunod sa kalooban ng Ama at may malasakit sa nangangailangan.

Noong nakaraang linggo, isang binatilyo ang lumapit sa akin pagkatapos ng misa. Sabi niya, “Father, puede po bang magkumpisal?” Ikinuwento niya sa akin ang lahat ng kanyang kasalanan. Sabi niya, “Kahit bata pa po ako. Ginawa ko na yata lahat ng kasalanang kayang gawin ng kabataan.” Siya na rin ang nagsabi na dati-rati hindi siya makikita sa loob ng simbahan. Kung magsisimba man, nakatayo lang sa labas ng simbahan. Siguro nakita nyo siyang nakatambay sa kalsada. Pero ngayon, nakikita ko siyang nagsisimba, tumutulong sa gawain ng simbahan, naglalaan ng kanyang talento at kakayahan, nanghihikayat ng ibang kabataan upang mapalapit kay Kristo. Hindi ko po sinasabi na banal na ang batang ito. Ang sinasabi ko lang po, sa kanyang pagkukumpisal pagkatapos ng ilang taon, sa kanyang hangaring magbago, sa kanyang pagsisikap maglingkod at manghikayat ng kapwa kabataan na mapalapit kay Kristo, makikita natin na gaano man kasama ang mundo, gaano man kadilim ang buhay, nagtatagumpay pa rin ang paghahari ni Kristo.

Madaling isipin na ang tagumpay ng paghahari ni Kristo ay ang pagbagsak ng mga makasalanan. Subalit ang totoo, ang tagumpay ng paghahari ni Kristo ay makikita hindi sa pagbagsak ng mga kasalanan, kundi sa pagbabago ng mga makasalanan upang magbalik-loob sa Diyos at magsikap magmalasakit sa kapwa.

The victory of Christ the King is not the downfall of sinners. The victory of Christ the King is the transformation of sinners to become servants of the Lord. Pagtalikod natin sa kasalanan at pagmamalasakit natin sa nangangailangan – ito ang sukatan kung si Kristo nga ay Hari natin. Amen.

Saturday, November 15, 2008

Ayon sa ating kakayahan...

On an ordinary day, what do you usually do around 7 in the evening? Riding a bus perhaps, or a jeep, or an FX, waiting impatiently to arrive home; preparing dinner for the whole family; relaxing on chair and watching the evening news (“24 Oras” if your are Kapuso and “TV Patrol World” if you are Ka-pamilya), doing your homework; getting ready for work the next day, or extending the hours in order to finish the work for that day.

I just came from a community of monks in Malaybalay, Bukidnon, the Benedictine Monastery of Transfiguration. And you know what they usually do around 7 in the evening? They gather to pray and then, retire for the day. In other words, they get ready to sleep. YES! At 7 in the evening, after prayers the monks go to their rooms and call it a day.

You understand why, when you come to know that the first prayer the monks have everyday is at 3:00 am (called “Matins”), followed by silent prayer until 5:00 am for the Lauds, then, the Holy Mass at 5:30. In fact, the monks gather together for prayer 5 times a day: Matins at 3:00 am, Lauds or Morning Prayer at 5:00 am, Midday Prayer at 11:30 am, Vespers or Evening Prayer at 5:00 pm and Compline at 7:00 pm. Not to mention the several hours spent for personal silent prayer. [Read the whole blog.]

Habang nasa monasteryo kami sabi ko sa kasama kong pari, “Tol, kaya kaya natin mabuhay dito? Gumising ng alas tres ng umaga at matulog ng alas siyete ng gabi – kaya kaya natin?” Walang sagot. Tahimik lang. Ngumiti. At sabay kaming tumawa ng malakas. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Hindi! Pero bago kami matulog nung gabing iyon, sabi nung paring tinanong ko, “Siguro kung dito tayo tinawag ng Panginoon, bibigyan niya tayo ng lakas para makaya natin ang buhay na ito.” Napakagandang sagot. Kapag tinawag tayo ng Diyos sa isang bagay, ibibigay niya ang kailangan upang kayanin ito.

Tamang tama ang mensahe ng ebanghelyo natin ngayon: “Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kanyang kakayahan.” Lagi nating naririnig na sinasabi, hindi naman tayo bibigyan ng problema ng Diyos kung hindi natin kaya. Tama po iyon. Pero yung kakayahan kailangan din nating tanggapin mula sa Diyos. Kailangan din nating hingin sa panalangin. Kailangan din natin pagtibayin sa ating pamumuhay sa araw-araw.

Sa araw po ng paghuhukom, tayo ay huhusgahan ng Panginoon kung tayo ay naging tapat sa kanyang kalooban ayon sa ating kakayahan. Ang mahirap ay kung hindi natin sinubukan; kung hindi natin inalam ang kalooban ng Diyos; kung hindi natin inalam ang ating kakayahan.

May mag tinawag na maging monks. May tinawag na maging mga madre. May tinawag na maging mga pari. May tinawag na mag-asawa at magbuo ng isang Kristiyanong pamilya. Pinagkatiwalaan tayo ng Diyos ayon sa ating kakayahan. Ibigay sana natin ang lahat ng ating makakaya. Amen.

living life

On an ordinary day, what do you usually do around 7 in the evening? Riding a bus perhaps, or a jeep, or an FX, waiting impatiently to arrive home; preparing dinner for the whole family; relaxing on chair and watching the evening news (“24 Oras” if your are Kapuso and “TV Patrol World” if you are Ka-pamilya), doing your homework; getting ready for work the next day, or extending the hours in order to finish the work for that day.

I just came from a community of monks in Malaybalay, Bukidnon, the Benedictine Monastery of Transfiguration. And you know what they usually do around 7 in the evening? They gather to pray and then, retire for the day. In other words, they get ready to sleep. YES! At 7 in the evening, after prayers the monks go to their rooms and call it a day.

The Monastery of Transfiguration, the bell tower and the tent-like chapel,

taken around 5:30 am, sunrise...

I share your surprise and questions. Can anyone really go to bed at 7 in the evening? Can anyone really finish his day at 7 pm? I can’t imagine how one can go to bed that early. There are still 5 hours before midnight; still a lot can be done. How can one call it a day at 7 pm?

You understand why, when you come to know that the first prayer the monks have everyday is at 3:00 am (called “Matins”), followed by silent prayer until 5:00 am for the Lauds, then, the Holy Mass at 5:30. In fact, the monks gather together for prayer 5 times a day: Matins at 3:00 am, Lauds or Morning Prayer at 5:00 am, Midday Prayer at 11:30 am, Vespers or Evening Prayer at 5:00 pm and Compline at 7:00 pm. Not to mention the several hours spent for personal silent prayer.

Hymnal from the chaple of the Monastery

This kind of life, what we call monastic life, questions the way we live our lives. For many of us, we have accepted our kind of life as the norm, as the only way to live life, as the only way to manage the limited hours of the day. We have accepted that being busy with work, being concern with so many things, filling all our time with appointments, with things to do, with people to meet, with places to see, with concerns to dwell on, as the only way to get by each day.

We have taken for granted that there are people who have dedicated their whole life not in busyness and hurried appointments but in prayer and work; not in things to buy, to do, or to be concerned about but in simplicity and single-heartedness; not in the noises and indiscernible sounds of the world but in silence and contemplation.

The life of the monks makes us aware that what we consider the norm in living our life at present is not without alternative. The monks witness this to us, and the Monastery of the Transfiguration had been around for 25 years now (they celebrated their Silver Jubilee last August 6, 2008). To fill every waking time we have with work and concern is not the only way to journey through a day. Dedication to prayer, silence and work is a possible alternative to what most consider as the only way to pass through a day.

I do not think that we all should form monasteries and live as monks. No. But the awareness that such a monastic life fruitfully exists at present makes us aware that we have a choice in the way we live our life. We are not in a “no choice” situation. We have a choice not to make our lives only about being busy, earning a living, accumulating possessions, blindly accepting the noise, and praying only on a need basis (nagdarasal lang kapag may kailangan). There are other ways to live our life. And we have a choice.

Friday, November 7, 2008

Bakit ka pumupunta sa palengke?

Juan 2: 16 “Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!”

Ngayon ay ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Pagtatalaga ng Basilica ni San Juan Bautista na itinayo sa lupang pag-aari ng pamilya Laterani [kaya Lateran] noong taong 324. Ang basilikang ito ang katedral ng Santo Papa bilang obispo ng Roma. Ito ang Ina ng lahat ng simbahan.

Kaya’t sa ebanghelyo natin ngayon, ipinapahayag ang nararapat na pagbibigay ng halaga sa “bahay” ng Diyos, sa simbahan. Hindi dapat ito gawing palengke, sabi ni Jesus sa ebanghelyo. Madaling maintindihan na ang pagtitinda at pamimili na ginagawa sa palengke ay hindi dapat ginagawa sa simbahan. Subalit mas magandang pagtuunan ng pansin ang disposisyon ng mga nagpupunta sa palengke at pumapasok ng simbahan.

Bakit ka ba pumupunta sa palengke? Para mamili. Ng ano? Para mamili ng kailangan mo at ng gusto mo. Yan ang dahilan kung bakit ka pumupunta ng palengke – para mamili ng gusto mo at ng kailangan mo. Pagkaminsan, ito rin ang dahilan kung bakit ka pumupunta ng simbahan – para ipagdasal ang gusto mo at hingin ang kailangan mo. Kapag, ito lang ang dahilan ng pagpunta natin sa simbahan, hindi ba ginagawa na rin nating tila palengke ang simbahan?

Hindi ko sinasabing masama ang ipagdasal ang gusto mo at hingin ang kailangan mo sa loob ng simbahan. Ang sinasabi ko ay ito: sa loob ng simbahan, mas mahalaga sa kung ano ang gusto mo at kung ano ang kailangan ay kung ano ang gusto ng Ama at kung ano ang kailangan ng kapwa! Ang pagdarasal sa loob ng simbahan ay hindi natatapos sa kung ano ang gusto ko, bagkus sa kung ano ang gusto ng Ama. Ang pagtitipon sa loob ng simbahan para sa pagdiriwang ng banal na Misa ay hindi natatapos sa kung ano ang kailangan ko, bagkus sa kung ano ang kailangan ng aking kapwa. Sa loob ng simbahan, pagkatapos nating lumuhod at magdasal, maupo at makinig sa pagbasa at pangaral, kumanta at sumagot, pumila at tumanggap ng komunyon, pagkatapos nating sabihin sa Diyos ang gusto natin at ang mga kailangan natin, inaasahang maging malinaw sa atin kung ano ang gusto ng Ama at kung ano ang mga kailangan ng ating kapwa.

Ang simbahan ay parang palengke kapag gusto ko lang at kailangan ko lang ang dala natin. Ang simbahan ay tunay na simbahan kung pagkatapos ng gusto ko at kailangan ko, mas nangingibabaw ang gusto ng Ama at ang kailangan ng kapwa.

Pagkatapos ninyong sabihin sa Diyos kung ano ang gusto ninyo at kung ano ang kailangan ninyo, huwag po sana kayong lalabas ng simbahan ito ng hindi nauunawaan kung ano ang gusto ng Ama at kung ano ang kailangan ng ating kapwa. Amen.

A great privilege...

For the first time after earning my MA in Liturgy last May, I will be teaching Liturgy. I will be in Paul VI Insitute of Liturgy [PIL] in Bukidnon from the 10th to the 15th of November. I was assigned to facilitate the workshop on Planning and Celebrating the Rite of Marriage.

Pressure. Pressure. Pressure. Hay!

Friday, October 31, 2008

Commemoration of All the Faithful Departed

Ngayon ay Araw ng mga Kaluluwa. Naniniwala tayo na ang buhay ng tao ay hindi natatapos sa daigdig na ito. Naniniwala tayo sa kabilang buhay.

At kung paano ang mga santo sa kabilang buhay ay may epekto sa buhay natin dito sa lupa – kaya nga tayo tumatawag sa kanila at nagpapatulong – ang buhay natin dito sa lupa ay may epekto sa buhay ng mga kapatid nating yumao na – kaya nga ipinagdarasal natin sila, nagtitirik tayo ng kandila para sa kanila, nagpapamisa para sa mga yumao.

Anung klaseng tulong ang naibibigay natin sa mga yumao na? Tulong para sa kalinisan ng kanilang kaluluwa. Mababasa natin sa Revelation 21:27hindi makapapasok [sa lunsod ng Diyos] ang anumang bagay na marumi sa paningin ng Diyos, ang sinumang gumagawa ng kahihiyan, at ang mga sinungaling. Yaon lamang may mga pangalang nakasulat sa aklat ng buhay na iniingatan ng Kordero ang makapapasok sa lunsod. Kaya naniniwala tayo, na kapag ang isang namatay, ‘di man tumalikod sa Diyos at walang malaking nagawang kasalanan, ay pumanaw ng may dala-dalang bahid dungis ng maliliit na kasalanan ay kailangna sumailalim muna sa paglilinis bago makapasok sa kaharian ng Diyos. Ang tawag po natin dito PURGATORYO. Ang purgatoryo ay hindi isang lugar, na iniisip nating nasa gitna ng langit at lupa. Ang purgatoryo ay isang proseso ng pagpupurga, o paglilinis, upang makiisa ng lubusan sa lunsod ng Panginoon. Mababasa natin sa Catechism of the Catholic Church [1030-31] na ang bunga ng proseso ng purgatoryo ay kabanalan para tanggapin ang kaligayahan ng langit, at ang paglilinis na ito ay iba sa parusang bigay sa mga tumalikod sa Diyos.

Kapag may nagtanong sa inyo kung bakit inaalala ang mga yumao na, bakit sila ipinagdarasal, tandaan ninyo: Revelation chapter 21 verse 27 at Catechism of Catholic Church number 1030 hanggang 1031. Hindi makakaisa ng Diyos ay may bahid dungis ng kasalanan, at sa ating pagdarasal at panalangin, tinutulungan natin ang mga yumao na maging ganap ang kanilang kabanalan upang tanggapin ang kaligayahan mula sa Diyos.

Tamang tama ang paalaala ng ating ebanghelyo ngayon: Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y pagpapahingahin ko. Lumapit tayo sa Panginoon at makakatagpo tayo ng kapahingahan, sa buhay na ito at sa buhay sa kabila. Lumapit tayo sa Panginoon at makatatagpo tayo ng kapahingahan para sa atin lahat at para sa mga mahal nating yumao. Samakatuwid, ang pag-ibig ng Diyos ay hindi lamang para sa buhay na ito. Ang pag-ibig ng Diyos ay tumatagos hanggang sa buhay sa kabila. Kaya’t sa araw na ito lumapit tayo sa Panginoon. Amen.

SOLEMNITY OF ALL SAINTS

Originating in the 4th century Eastern feast of all Martyrs, and attested to by St. Ephrem [+373], Pope Gregory IV established this commemoration fo all the saints of the Roman Church in 835. Originally celebrated on Easter Friday, it came to held in Rome on May 13; later, in the 9th century, it was tranferred to Nov. 1, the date of its celebration in Ireland where it countered the Celtic pagan feast of the Druids.

Towards the last leg of our Profession of Faith, we profess something about our relationship with all the saints: I believe in the Holy Spirit, the holy Catholic Church, the communion of saints, the resurrection of the body and life everlasting. Amen.

What does it mean when we say that we believe in the communion of saints? The first Preface for holy men and women, although this is not the one used for the celebration of the Solemnity of All Saints, elucidates for us the content of our communion with the saints. The original Latin text states: Qui in sanctorum concilio celebraris, et eorum coronado merita tua dona coronas. Qui nobis eorum conversatione largiris exemplum, et communione consortum, et intercessione subsidium; ut, tantis testibus confrmati, ad propsitum certamen curramus invicti et immarcescibilem cum eis coronam gloriae consequamur, per Christum Dominum nostrum.

In English, this is translated thus: You are glorified in your saints, for their glory is the crowning of your gifts. In their lives on earth you give us an example. In our communion with them, you give us their friendship. In their prayer for the Church you give us strength and protection. This great company of witnesses spurs us on to victory, to share their prize in everlasting glory through Jesus Christ our Lord.

From this prayer, we realize that our communion with all saints is manifested in three important levels of relationships: a relationship of imitation, a relationship of union, and a relationship of intercession.

The saints are examples in Christian life. Their conversion, their struggles, their challenges, their fidelity and their joy are models for all of us to follow and imitate.

The saints are our friends. The mysterious power of God transcends the chasm that separate the living and the saints. They may not be with us physically, but the saints are united with us as they accompany us in our journey of life and faith, uplifting us when we are down, encouraging us when we are weak, and celebrating with us when we achieve.

The saints pray for us. We all know the power of prayer and the saints intercedes for us. Living in the presence of God, the saints gather for us the rich blessings of God for the good of God's people and for the salvation of all humanity.

As we remember all the saints, we thank God for in them we have an example to follow. Hindi ka na mangangapa sa dilim; hindi ka na mawawalan ng direksyon sa buhay; hindi ka na mawawala sa landas ng Panginoon. In them, we enjoy a friendship in communion. HIndi ka na mag-iisa; hindi ka na bubuhat ng krus mag-isa; hindi ka na haharap sa pagsubok mag-isa. Because of our communion with the saints, we have an arsenal of intercessors praying for us. Hindi na magkukulang ang biyaya ng Panginoon; hindi na mauubos ang pagpapala.

Every Sunday, every time we pray the rosary, we profess that we believe in the communion of saints! Do we truly understand? Do we truly believe?

Saturday, October 18, 2008

We all belong to God

29th Sunday in Ordinary Time, Year A

Sa unang tingin, tila hinahati ni Jesus ang buhay at mundo ng tao, “ibigay sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos,” may mga bagay na para sa tao at may mga bagay na para sa Diyos. Ito ba ang katotohanang ipinapahayag ng ebanghelyo tungkol sa buhay ng tao? Ano nga ba “ang sa Diyos?”

Tingnan natin ang iba pang sinabi ni Jesus. Habang hawak ang baryang pambayad ng buwis, tinanong ni Jesus ang mga Pariseo, “Kaninong mukha ang nakaukit sa dito?” Sabi ng mga eksperto sa biblia, ang tanung na ito ay nagpapaalala sa atin ng nasusulat sa Genesis chapter 1 verse 27: Ang tao ay nilalang ng Diyos na “kalarawan” niya.

Kaya kung tatanungin natin, “Kaninong larawan [o mukha] ang nakaukit sa pagkatao [o puso] ng tao?” Ang sagot? Larawan ng Diyos. Kung ang perang pambayad ng buwis ay para sa Cesar dahil nakaukit dito ang kanyang mukha, ang tao ay para sa Diyos dahil sa kanyang pagkatao nakaukit ang larawan ng Diyos.

Kaya sa madaling salita, sa ebanghelyo natin ngayon, hindi hinahati ni Jesus ang buhay ng tao, bagkus ang buong pagkatao ng tao, ang kanyang salita, ang kanyang gawa, ang kanyang isip, ang kanyang mundo, ang kanyang puso, ang kanyang buhay ay sa Diyos, dahil sa kanyang pagkatao nakaukit ang larawan ng Diyos.

Madaling sabihin at paniwalaan na tayo ay sa Diyos dahil sa ating puso nakaukit ang larawan ng Diyos. Subalit magandang suriin natin ang ating mga sarili: sa maghapon, ilan sa mga sinasabi natin ang tunay na sa Diyos? Ilan sa mga iniisip natin ang totoong sa Diyos? Ilan sa mga ginagawa natin ang nagmumula sa Diyos? Ilan sa mga desisyon at pagpapasya natin ang sa Diyos? Ilang? Buo? Kalahati? O baka wala sa one-fourth?

We all belong to God. All that we are and all that we have; we belong to Him. How much of ourselves truly belong to God?

Friday, October 10, 2008

Malinis na Kalooban at Maayos na Kasuotan

28th Sunday, Ordinary Time, Year A

I am a fan of Lea Salonga. Bata pa lang si Lea, I-am-but-a-small-voice pa lang siya nun, I-am-but-a-small-voice pa lang din ako noon, taga-hanga na ako ni Lea Salonga. Kaya nung ipinalabas ang Miss Saigon sa CCP, talagang pinag-handaan kong mabuti para makapanood. Ang una kong problema, mahal ang ticket. Pero nung makabili na ako ng ticket, ang sumunod kong pinoblema: ano ang isusuot ko? Pinropblema ko kung ano ang isusuot ko. Hindi ako makapag-desisyon ng mabuti, kaya bumili ako ng bagong pantalon at bagong polo [sapatos? hindi na, nilinis ko na lang ng tatlong beses yung katad ko hehe] para isuot sa Miss Saigon. Kapag iniisip ko ngayon, natatawa na lang ako sa sarili ko, biro nyo problemahin ko kung ano ang isusuot ko.

Dapat bang pinroproblema kung ano ang isusuot? Sigurado ako yung mga mag-asawa rito, nung umaakyat kayo ng ligaw sa asawa nyo, pinag-isipan nyo rin kung anong isusuot. Nung una nyong makilala yung mamanugangin nyo, pinoblema nyo rin kung ano ang isusuot. Saka nung nag-apply kayo ng trabaho at humarap kayo sa boss, pinoblema nyo rin kung ano ang isusuot. At saka kapag pupunta kayo sa Kasal, sa binyag, o sa patay, inisip nyo rin kung ano ang dapat isuot. Bakit? Kasi may tamang kasuotan sa tamang okasyon.

Pero bakit kapag nagsisimba, yung iba, basta-basta na lang ang suot. Merong nakasando na akala mo init na init, na parang magalalaro lang ng basketbol. Merong mga naka-short na akala mo me excursion at sa beach ang punta. Meron namang sobra-sobra ang porma na akala mo sa party ang punta. Meron namang parang naka pantulog lang, kakabangon lang sa kama. Kung sa kasal, o sa binyag, o sa patay, iniisip natin kung ano ang isusuot; kung ang pagharap sa liligawan, o sa boss, iniisip kung ano ang dapat isuot, bakit sa pagsisimba hindi natin iniisip kung ano ang dapat isuot, samantalang kapag nagsisimba tayo humaharap tayo sa Diyos. Hindi ko sinasabing dapat nakapustura, dapat mamahalin, dapat laging bago. Hindi po. Ang sinasabi ko lang, dahil kapag nagsisimba tayo ay humaharap tayo sa Diyos siguro naman dapat disente at maayos ang ating suot. Kung ano ang disente at maayos, palagay ko alam na po natin iyon.

Siguro tatanungin nyo: Father, mahalaga ba kung ano ang suot kapag humaharap sa Diyos? Hindi ba mas mahalaga kung ano ang nasa kalooban? Sabi ng ilan, hindi mahalaga kung ano ang nasa labas, basta’t malinis ang iyong kalooban. Sabi naman ng iba, kung yung pagdadamit nga lang pagnagsisimba, napakasimpleng bagay, hindi maayos, yung kalooban pa kaya. Ang sabi ko naman ay ganito: dahil sa pagsisimba ay humaharap tayo sa Diyos, nararapat lamang na maayos tayo sa panlabas at sa panloob – malinis na kalooban at maayos na kasuotan - yan ang karapat-dapat sa harap ng ating Diyos.

Tignan natin ang kuwento ng ating ebanghelyo ngayon. Nang unang mag-anyaya ang mga alipin para sa kasalan ng hari, hindi sila pinansin. Sabi ng ebanghelyo, “Humayo sila sa kani-kanilang lakad; ang isa ay sa kanyang bukid at sa kanyang pangangalakal naman ang isa.” Hindi sila pumunta sa kasalan at hindi humarap sa hari dahil hindi handa ang kanilang kalooban, mas mahalaga ang bukid at pangngalakal kaysa sa hari. Nung nag-imbita ulit ang mga alipin para sa kasalan, marami na ang nagpuntahan. Subalit merong isa na hindi nakadamit pangkasal. Sabi ng hari, “Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangakasalan?” Kahit pumunta sa kasalan, hindi naman maayos ang kasuotan. Kaya, sino ang nakasama ng hari sa pagdiriwang sa kasalanan? Iyong mga bisitang handa ang loob at maayos ang labas – iyong handa ang kalooban at maayos ang kasuotan.

Mga kapatid, kung tatanungin nyo ko kung ano ang mas mahalaga kapag humaharap sa Diyos sa pagsisimba, maayos na suot o malinis na kalooban? Ang sagot ko po: parehas. Ang tunay na nagmamahal sa Diyos, ang tunay na gumagalang sa presensya ng Diyos sa banal na misa, hinahanda ang kalooban at may maayos na kasuotan. Amen.

Monday, September 29, 2008

Ano gusto nyong maging paglaki nyo?

Nagmisa ako sa children's mass kahapon. Naghomily ako about San Lorenzo Ruiz. Sabi kung tunay kayong mga Kristiyano dapat kapag tinanong kayo ano ang gusto nyong maging paglaki dapat ang sagot natin, "Gusto ko pong maging Santo!"

Kaya bilang pasimula sa homily ko tinanong ko sila, "Ano ang gusto nyong maging paglaki nyo?" Sabi ko, sino gustong maging titser taas ang kamay. Kakaunti lang ang nagtaas ng kamay. Sino gustong maging doctor? Kakaunti lang din. Sino gustong maging nurse? Medyo marami-rami. Sino gustong maging piloto? astronaut? abogado? Lahat kakaunti ang nagtataas ng kamay? Kaya tinanong ko sila: ano gusto nyong maging paglaki nyo? At sabay-sabay nilang isinigaw, "ARTISTA!!!"

Wala namang masama sa pag-aartista, pero iniisip ko iba na talaga ang panahon ngayon kasi nung bata ako, ni hindi ko naisip kahit ng mga kaibigan ko at kaklase ko na mag-artista. Pinapakita lang sa atin ang kapangyarihan ng media, lalu na ng TV. Kung noon mag-aartista ka kasi may talent ka. Ngayon mag-aartista ka kasi kikita ka, kaya pipilitin mong magkatalent.

My gut tells me that this is not good. How so? Im not sure yet. I don't have the confidence and the vocabulary yet to articulate the meaning and consequences of such a mindset. Basta, I don't feel comfortable with the response of the children in my mass yesterday. I hope I am wrong...

This is the firs time I took a picture of a celebrity; Jomari Yllana during the Pahiyas Festival 2008 in Lucban, Quezon Province.

Saturday, September 27, 2008

Ayaw natin sa mga taong walang isang salita

26th Sunday in Ordinary Time, Year A

Sa ebanghelyo ngayon, dalawang anak ang inutusang magtrabaho sa ubasan ng kanilang Ama. Yung isa umayaw pero pumunta rin at nagtrabaho. Sabi ng Panginoon, siya ang sumunod sa kalooban ng Ama. Yung isa naman pumayag pero hindi pumunta at hindi nagtrabaho. Itong isang ito walang isang salita; hindi tinupad ang pagtratrabaho sa ubasan.

Ayaw natin sa mga taong walang isang salita. Oo sa harap natin pero hindi naman gagawin. Ayaw natin sa mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako. Dada lang ng dada wala namang ginagawa. Ayaw natin sa mga taong hindi kayang pangatawanan ang sinasabi. Matapang sa salita pero duwag naman sa gawa.

Sa madaling sabi, walang saysay ang salita kung walang kasamang gawa.

Ayaw din ng Diyos sa mga Kristiyanong “I believe in God…” ng “I believe in God…” pero hindi naman namumuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Ayaw din ng Diyos sa mga taong tanggap ng tanggap ng Katawan ni Kristo pero hindi naman nagsisikap tumulad kay Kristo. Ayaw din ng Diyos sa mga taong luhod ng luhod at dasal ng dasal, pero hindi marunong tumulong sa mga nangangailangan. Ayaw din ng Diyos sa mga taong hingi ng hingi ng patawad pero hindi naman marunong magpatawad sa mga nagkakasala sa kanila. Ayaw din ng Diyos sa mga taong hingi lang ng hingi pero hindi naman marunong magbigay at magbahagi.

Huwag ninyo itong kalilimutan, walang saysay ang ating pagsisimba kahit gaano kataimtim, kahit gaano pa kalaki ang hinuhulog mo sa kolekta, kahit gaano ka pa katagal nakaluhod, kung pagkatapos mong simba, paglabas mo sa simbahan ay namumuhay kang makasarili, maka-mundo at hindi sumusunod sa mga utos ng Diyos. Kung hindi namumunga ng kabutihan at kabanalan sa pangaraw-araw mong buhay ang iyong pagsisimba at pagdarasal hindi pa tunay ang iyong pagsisimba at pagdarasal. Kung baga, salita ka lang ng salita wala namang gawa.

Ayaw natin sa mga taong walang isang salita. Ayaw din ng Diyos sa mga Krisityanong hindi tunay ang pananampalataya. Tunay ba ang iyong pananampalataya?

Wednesday, September 24, 2008

RP among most corrupt nations, says watchdog

LONDON -- The Philippines is perceived to be among the most corrupt countries in the world, according to a watchdog.

Based on the annual Corruption Perceptions Index by Transparency International released Wednesday, the Philippines ranks 131st out of the 180 nations studied, with a 2.5 rating, along with Burundi, Honduras, Iran, Libya, Nepal, and Yemen.

Read More...

Friday, September 19, 2008

God is generous!

Hindi madamot ang Diyos!

Ito marahil ang aral na ipinapahayag ng kuwento sa ating ebanghelyo ngayon. Biro mo katumbas ng isang araw na suweldo ang ibinigay ng amo sa mga nagtrabaho ng ilang oras lang. Ganun din ang ibinigay sa mga nagtrabaho ng kalahating araw lang.

Hindi yata makatarungan yun sa mga nagtrabaho ng buong araw? Sabi sa kuwento, iyon naman ang napag-usapan nila bago sila nagtrabaho: buong araw na suweldo sa buong araw na pagtratrabaho. Kaya, walang binabale walang kasunduan ang amo. Mapagbigay lang talaga siya.

Minsan pakiramdam natin tinitiis tayo ng Diyos dahil hindi ipinagkakaloob ang ating hinihingi, pero kapag nagbigay naman sobra-sobra sa hinihingi natin: siksik, liglig at umaapaw!

Naikuwento ko na sa inyo ang tungkol sa tatay ko. Seminarista na ako, ang tatay ko hindi pa rin namin nakakasama sa pagsisimba kapag araw ng Linggo. Ito ang pinoproblema ng nanay ko. Anumang pilit ang gawin niya, talagang hindi nagsisimba. Kaya ang payo ko sa nanay ko, ipagdasal na lang natin. Sabi ko sa kanya darating din ang panahon na magsisimba yan. Ang tanging hiling ng nanay ko, magsimba ang tatay ko kapag araw ng Linggo.

Isang araw, dalawang taon bago ako maging pari, tumawag ang nanay ko sa seminaryo, tuwang-tuwa. Meron daw kumpisalang bayan sa parokya namin nung nakaraang gabi, at nag-aya daw magkumpisal ang tatay ko. Kinalingguhan, sumama siyang magsimba at tumanggap ng komunyon. Sobra-sobra ang saya ng nanay ko. Pero hindi doon nagtatapos ang kuwento, dahil makalipas lang ng ilang araw, sumali ang tatay ko sa Lay Minister at nag-serve sa pagsusubo ng komunyon. Tapos, pumasok silang mag-asawa sa Marriage Encounter. Tapos, sumali sa weekly Bible sharing. At ang balita ko naging officer pa yata ng grupo nila sa Marriage Encounter.

Ano ang hiningi sa Diyos? Makapagsimba kung araw ng Linggo. Ano ang ibinigay ng Diyos? Hindi lang pagsisimba lingo-lingo: nagkumpisal, nag-lay minister, nag-Marriage Encounter, nag-Bible sharing, naging officer pa!
Talagang siksik, liglig at umaapaw.

Our God is a generous God! He gives more than we ask for. He gives more than what we expect. He gives more than what we need. He gives more than what we can imagine. Sometimes, to a point that we do not understand. But He gives.

Kung ang Diyos ay hindi madamot sa atin, sana po huwag din tayong maging madamot sa Diyos!

Wednesday, September 17, 2008

Introduction to the celebration of Cubao's 5th Anniversary

August 30, 2008

Five years ago, the Diocese of Cubao was born from the mysterious plan of the Father. Five years ago, the late Cardinal Sin gave rise to a new Church in Cubao. From the busy streets of Balintawak to the serene greeneries of U.P., from the history of Retiro to the modernity of Gateway, the Block and Trinoma, we are called to become a Church, a community gathered around Jesus. We are called to proclaim to the world that we are God’s beloved and His love embraces all.

My dear faithful of Cubao, let us rejoice in gratitude for what God has accomplished through us in these past five years. At the same time, let us be ready to move further for much still is to be done. Let us be ready to fight the greed that has caused our brothers and sisters to continue to wallow in poverty and squirm in hunger. Let us be ready to dismantle the often confusing web of lies and dishonesty that little by little seem to become common place and acceptable. Let us be ready to battle the forces of evil that continue to attack the very foundation of the family and of life. Let us be ready to defend the flame of faith against the deceptive charm of the world.

My dear lay people, my dear sisters and brothers, my very dear priests, today we stand before the Lord rejoicing in the wonders of His love, but we celebrate with a chink in our hearts for God has not fully reigned among us. And so, before God’s graciousness and boundless mercy, we humbly acknowledge our unworthiness.

Saturday, September 13, 2008

Ang Tanda ng Krus

Ngayon ay kapistahan ng Pagtataas ng Krus. Noong taong 320 natagpuan ang krus na pinagpakuan ni Kristo, na iniutos hanapin ni Sta. Elena, na nanay ni Constantino. Ito ang ugat ng ating ginagawang Sta. Krusan - si Reyna Elena na may hawak na krus kasama si Constantino na kanyang anak. Simula noon ipinangalat ang pagbibigay ng parangal sa krus ni Kristo.

Kung meron isang simbulo ng ating pananampalataya na alam ng karamihan kung hindi man lahat ito na marahil ang simbulo ng krus, o ang tanda ng krus. Lahat tayo marunong magantanda ng krus. At ginagawa natin ito sa iba't ibang dahilan, sa iba't ibang pagkakataon.

Yung mga bumibiyahe kapag napadaan sa simbahan nag-aantanda ng krus. Yung mga estudyante bago kumuha ng exam nag-aantanda ng krus. Yung mga basketball players bago mag-free throw nag-aantanda ng krus. Si Manny Pacquiao bago makipagsuntukan nag-aantanda ng krus. Yung mga bata bago tumalon ng swimming pool nag-aantanda ng krus. Yung mga matatakutin bago pumasok sa isang madilim na kuwarto nag-aantanda ng krus. Naniniwala tayo na may kapangyarihan ang pag-aantanda ng krus.

Pero hindi laging ganyan. Merong pagkakataon sa kasaysayan ng mga Hudyo at mga Romano na ang krus ay kinatatakot, kinahihiya at iniiwasan. Dahil ang krus ay tanda ng isang mabigat na parusa na ibinigay sa mga traydor, sa mga rebelde, sa mga matitinding kriminal.

Ano ang nangyari at ang krus na dating tanda ng kahihiyan ay naging tanda ng pagpapala at biyaya ng Diyos? Dahil may isang sugo ng Diyos, isang anak ng Diyos ang namatay sa krus at nabuhay muli. Dahil sa pag-aalay ng buhay ni Jesus sa krus, ang dating tanda ng kahihiyan na kinatatakutan ay naging tanda ngayon ng pagpapala at biyaya ng Panginoon. The son of God who died on the cross and rose again transformed the cross from being a sign of shameful death to a sign of grace and blessings.

Sa tuwing tayo ay nag-aantanda ng krus, naniniwala tayo sa kapangyarihn ng krus dahil ito ay binago ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Kung merong isang paalala ang pagdiriwang natin ngayon ito ay ang pagbabago na kayang gawin sa atin ng kapangyarihan ng Diyos.

If God can transform the cross from being a sign of severe punishment to become an instrument of grace and new life, so also the power of God can transform us. Anumang bigat ng kasalanana natin, anumang laki ng kahinaan natin, anumang itim ng kasamaaan natin, kaya tayong baguhin ng biyaya ng Diyos at maging intrumento ng biyaya at pagmamahal sa kapwa.

Itinaas ang krus dahil ito ay makapangyarihan - may kapangyarihan baguhin ang sinuman mula sa pagiging kampon ng kasamaan upang maging kasangkapan ng kabutihan at pagpapala para sa ating sarili at para sa ating kapwa.

Kung kaya ng Diyos na baguhin ang kahulugan ng krus, kaya ding baguhin ng Diyos ang tao. Kung paano ang krus na instrumento ng kamatayan ay naging kasangkapan ng pagpapala, ang tao, anumang kasalanan o kahinaan meron siya ay kaya ding maging tagapaghatid ng biyaya at pagpapala.

Ano ba ang kailangang baguhin ng Diyos sa atin? Anu-ano ba ang kakulangan natin upang maging tanda tayo ng pagpapalang matapat ng Diyos?

Sa pag-aantanda ng krus, sa jeep man o sa eskuwelahan, sa dilim man o liwanag, kinikilala natin ang kapangyarihan ng krus ni Kristo, hilingin natin ang biyaya ng pagbabago.