Saturday, January 31, 2009

Word Have Power

Words have power. Yan ang naranasan ng mga nakikinig kay Kristo sa kuwento ng ebanghelyo natin ngayon. Makapangyarihan ang salita.

Hindi ko alam kung napanood ninyo ang inauguration ni Barack Obama sa Washington DC noong January 20. Ilang tao ang nagpunta para sa kanyang panunumpa? Halos dalawang milyong katao. Bakit? Dahil sa dalawang salita: Change at Hope. Yan ang paulit-ulit na sinasabi ni Obama. At yan ang nagbigay ng lakas sa tao para umasa sa gitna ng krisis. Dahil makapangyarihan ang salita.

Siguro nabalitaan nyo din ang nangyari sa isang pamilya sa Los Angeles. Nawalan ng trabaho ang tatay at ang nanay. Ang ginawa ng tatay, binaril ang asawa. Binaril ang limang anak. Atsaka binaril ang sarili. Bakit? Dahil sa mga salitang “You are fired.”

Makapangyarihan ang salita. Nasa sa atin kung paano natin gagamitin ang kapangyarihan ng ating mga salita: sa mabuti o sa masama, sa pagtulong o sa panlalamang, sa pagpapagaan ng loob o sa sama ng loob, sa pagpapatawad, sa pagmamahal, sa pagkalinga.

Ano ang kapangyarihan ng iyong mga salita?

The Power of Words

Jesus was in Capernaum. He entered the synagogue and preached. The gospel tells us, “All were amazed and asked one another, ‘What is this? A new teaching with authority?’”

The words of Jesus had authority. It had power. Several times in the gospels, we hear Jesus say, “Amen, amen, I say to you…” or at other times, “Your fathers have told you… but this is what I tell you…” And Jesus was comfortable in using the power of his words. Where does the authority of Jesus come from? Where does Jesus derive the power of his words?

Minsan hindi natin nagagamit ang kapangyarihan ng ating salita dahil natatakot tayo na baka bumalik sa atin ang mga sinasabi natin. Kapag sinabi nating, “Magsimba ka.” Ang balik sa atin, “Bakit ikaw nagsisimba ka ba?” Kapag sinabi nating, “Mangumunyon ka.” Ang balik sa atin, “Bakit ikaw nangungumunyon ka ba?” Kapag sinabi nating “Magpakabait ka.” Ang balik sa atin, “Bakit ikaw mabait ka ba?” Kaya, madalas hindi na lang tayo nagsasalita.

Pero iba ang salita ng Diyos. Nung likhain ng Diyos ang mundo at sinabi niya “Magkaroon ng liwanag,” nagkaroon nga ng liwanag. Kapag sinabi ng Diyos na “Pinapatawad kita,” pinapatawad nga tayo. Kapag sinabi ng Diyos na “Kasama nyo ako,” kasama nga natin siya. Makapangyarihan ang salita ng Diyos dahil tapat ang Diyos sa kanyang salita.

Faithfulness is the power of our words. Fidelity is the power of our words. With faithfulness, without fidelity, our words will remain powerless.

Friday, January 23, 2009

Finding a home...

Rootlessness is the loneliness that comes with leaving home, with forever losing loved ones, loved places, and loved things. To cure out rootlessness, we need to find a home.

Finding a home is not, in the end, so much a question of finding a building, a city, a country or a place where we feel we belong. That's part of it. More deeply, finding a home is a question of moral affinity, of finding another heart or a community of hearts wherein we feel at one, safe, warm, comfortable, able to be ourselves, secure enough to express both faith and affection.

Ronald Rolheiser, The Restless Heart

Saturday, January 17, 2009

Paanyaya ng Kapistahan ng Santo Nino

Feast of the Santo Nino

Fiesta ng Quiapo noong January 9. First time kong mag-misa sa Quiapo noong January 9, 10 ng umaga. Pagkatapos ng misa, lumabas kami ng simbahan at sumama sa napakaraming deboto ng Nazareno. Nakakakilabot po ang dami ng mga nagsisimba at nag-pruprusisyon sa piyesta ng Nazareno. Pero napansin marami din ang mga bata. Maraming pamilya ang nagpunta sa Quiapo bitbit ang kanilang mga anak. At mga naka-t-shirt pa ng Nazareno. Meron pa ngang isa naka-damit Nazareno din (yung kulay purple na parang sutana na may sinturon na lubid). Sabi ko sa sarili ko, hindi kaya sila natatakot na mawala ang mga bata sa dami ng mga taong nasa Quiapo? Hindi kaya nila naisip na mahihirapan ang mga bata sa paghihintay sa gitna ng init ng araw? Kung sabagay, mahalaga na bata pa lang namumulat na sila sa pananampalataya. Kaya sabi ko sa sarili ko, magpapatuloy ang debosyon sa Poong Nazareno dahil yung mga batang dinadala ngayon sa Quiapo sa kanilang paglaki, sila ang magtutuloy ng mga panata ng kanilang mga magulang. It is good to start them young.

Palagay ko iyan ang paala-ala ng pagdiriwang natin ngayon ng kapistahan ng Santo Nino. Ang pananampalataya ay nagsisimula sa pagkabata. Kung ano ang nakagisnan natin sa tahanan – pagrorosaryo, pagdarasal ng angelus, pagnonobena sa Perpetual Help, sa Sacred Heart, pangungumpisal, pagsisimba kung linggo, pagsama sa prusisyon, pagtulong sa mahihirap – madalas iyan ang ipagpapatuloy natin sa ating pagtanda.

Sa pagdiriwang natin ng kapistahan ng Santo Nino, ang batang si Jesus, pinapaalala sa ating lahat ang tungkulin nating magturo ng tamang pananampalataya, ng tamang pamumuhay ng isang anak ng Diyos, ng tamang paglilingkod ng isang Katoliko sa mga bata. Huwag na tayo lumayo, umpisahan natin sa mga anak ninyo, sa mga pamangkin ninyo, sa mga batang kasama ninyo sa loob ng tahanan, sa mga bata sa inyong looban, sa inyong eskinita, sa inyong kalye, sa inyong kapitbahayan. Hindi kumpleto ang pagiging Kristiyano natin kung hindi natin aakayin ang mga bata upang lumaking mabubuting Katoliko. Tandaan po natin sa pagtuturo sa kanila hindi kailangan magaling magsalita, dahil ang kaunaunahang paraan ng pagtuturo sa kanila ay sa pamamagitan ng mabuting halimbawa.

Jesus was a boy in Nazareth and there he grew in age, wisdom and was pleasing to the Lord. Responsibilidad nating lahat na ang mga bata ay lumaking kalugud-lugod sa Diyos. Amen.

Wednesday, January 14, 2009

We are built for the infinite...

From R. Rolheiser, The Restless Heart

"We are built for the infinite, to be in perfect intercommunity with God and others. We hunger for this, long for it and constantly and thirstily reach out for it. But, when we do reach out, we can meet and touch only particular persons and objects. These can fulfill us to a point, but never completely. Our nature is built for more and it demands more. Accordingly, we go through life always somewhat lonely and dissatisfied, restless and unfulfilled, as we perpetually reach out and seek that radicl unity with God and others for which we were made."