Showing posts with label following Jesus. Show all posts
Showing posts with label following Jesus. Show all posts

Friday, September 28, 2007

GUSTO MO, GUSTO KO RIN

Nung bata ako natatandaan ko pag ang ulam namin sa bahay ay may mainit na sabaw, halimbawa sinigang o nilaga, laging may tutong na kanin sa lamesa. Nung pumasok ako sa seminaryo, ni minsan hindi sila naghanda ng tutong na kanin, kahit gaano kainit ang sabaw ng sinigang o ng nilaga [madalang naman maghain ng sinigang at nilaga sa seminaryo, laging adobo, o kaya prito hehe]. Minsan tinanong ko ang nanay ko kung bakit may nakahaing tutong pag may mainit na sabaw ang ulam. Sabi niya, "Anak yan kasi ang gusto ng tatay mo."

"Anak yan kasi ang gusto ng tatay mo." Ito ang katunayan na mahal ng nanay ko ang tatay ko. Hindi ba pagmahal mo ang isang tao, aalamin mo ang gusto niya, para subukan mo ring gustuhin? Aalamin mo ang ayaw niya, para susubukang ayawin din? Aalamin mo ang mahal niya, para subukang mahalin din? Ito ang isang hamon ng pagmamahal natin sa isa't isa. Ito rin ang hamon ng pagmamahal natin sa Diyos. Kung talagang mahal natin ang Diyos, hindi ba't tama lamang na alamin natin ang gusto niya at sikaping gustuhin din natin? Alamain ang ayaw niya at sikaping ayawan din natin? Alamin ang mahal niya at sikaping mahalin din natin? Kung tunay ang pagmamahal natin sa Diyos aalamin natin ang kanyang kalooban, at sisikaping ang kalooban niya ay maging kalooban din natin.

Ngayon katulad ako ng aking tatay, dahil pagmainit na sabaw ang ulam, nilaga o sinigang, naghahanap ako ng tutong [kaya lang lagi wala kasi hindi nagtututong sa rice cooker, automatic na eh hehe]. Ang masarap sa tatay ko masarap din sa akin. Yung gusto niya gusto ko rin. Sana maging katulad din tayo ni Jesus, yung gusto niya gusto rin natin; yung kalooban niya ay kalooban din natin.

Monday, July 9, 2007

KAILANGAN MABUNTIS AT MANGANAK

[A homily delivered on July 10, 2007, during the Novena Mass for the Feast of Our Lady of Mt. Carmel, Carmel of the Immaculate Heart of Mary, Tambacan, Burgos, Pangasinan, with the theme Mary: the Perfect Model of Christian Life and the scriptural passage, “And she gave birth to her first-born son and wrapped him in swaddling cloths, and laid him in a manger, because there was no place for them in the inn.”]

The scripture passage talks about Christmas, the birth of our Lord Jesus Christ by his mother Mary. If Mary is the perfect model of Christian life, how can we imitate Mary in the Lord’s Nativity?

Fr. Ronald Rolheiser, OMI, in his book “Against an Infinite Horizon” asserts that “God still enters the world in the same way as Christ did.” The Incarnation of the Son of God through the blessed Virgin Mary is the same pattern that God continues to come to the word today. Mary’s birth of our Lord provides a model for us to follow in order to ensure the incarnation of God in our lives today. Like Mary, we have to give birth to Jesus Christ. How?

1. Impregnation by the Holy Spirit.
The message of the angel to Mary: “The Holy Spirit will come upon you and the power of the Most High will overshadow you.”

Sa binyag tinaggap natin ang Espiritu Santo na siyang nagdulot sa atin ng biyayang maging mga anak ng Diyos. Sa Kumpil tinanggap natin ang Espiritu Santo na siyang nagdulot sa atin ng lakas upang maging saksi ni Kristo. Pero kailangang maging totoo ito sa pang-araw araw nating buhay. Kailangang mapuno tayo ng Espiritu ni Kristo upang maipanganak natin sa Kristo. We have to be filled with Jesus in order to give birth to Jesus.

Ang mata natin kailangang maging mata ni Kristo nakikita hindi lamang ang kahinaan kundi ang mga katangiang kayang ibigay ng Diyos. Ang bibig natin kailangang maging bibig ni Kristo na pinagmumulan ng mga salitang nagpapagaan ng loob at hindi nananakit. Ang mga kamay natin ay kailangang maging mga kamay ni Kristo na umaakay sa kabutihan at hindi tumutulak sa mali. Ang mga paa natin ay kailangang maging mga paa ni Kristo na naghahanap sa nawawala at hindi lumalayo sa Diyos.

Meron daw isang nagdarasal na galit na galit sa Diyos, sabi niya, “Panginoon akala ko mabait ka. Bakit mo hinahayaan magpatayan ang mga tao sa giyera? Bakit mo hinahayaang mamatay ang mga batang walang kamuwangmuwang? Bakit mo hinahayaang mabuhay sa hirap at pagdurusa ang mga dukha? Bakit wala kang ginagawa?” Bigla daw sumagot ang Diyos, “Kaya nga ginawa kita.” We have to be overshadowed by the Spirit of Jesus so that with St. Paul we can sincerely say “It is not I who live, but it is Jesus who lives in me.”

2. Accepting the pangs of birth.
A matter of fact rendering of Christ’s birth: “And she gave birth to her first-born son and wrapped him in swaddling cloths, and laid him in a manger, because there was no place for them in the inn.”

Wala tayong karansan ng panganganak. Pero sa kuwento ng mga nanay na kakilala natin hindi madali ang manganak. Meron pang nagsasabi na sa sobrang hirap sinusumpa nila ang kanilang mga asawa. Pero limot ang lahat ng hirap paglumabas na ang bata, kapagnakita na ang sanggol, kapag kinarga na ang munting anghel na biyaya ng Diyos.

Hindi madali ang maging saksi ni Kristo. Kailangan ng pagtiyatiyaga, pagsasakripisyo, disiplina sa sarili, pagmamahal ng hindi naghihintay ng kapalit, pagbabahagi ng mabuting balita. Pero sa kabila ng pagbubuhat ng ating krus may naghihintay na kaligayahang walang kapantay na tanging si Kristo lamang ang makapagbibigay.

Merong kuwento ng dalawang magkaibigan na binigyan ng tigisang krus para buhatin papunta sa langit. Parehas mabigat ang krus. Iyung isa tiniis ang bigat ng krus at nagtiyaga sa pagbubuhat nito hanggang makaakyat ng bundok. Iyung isa naman unti unti pinuputol ang paanan ng krus, upang unti unting gumaan ang kanyang pagbubuhat hanggang makaakyat ng bundok. Pagdating sa bundok kailangan nilang tumawid sa isang bangin para makarating sa pintuan ng langit. Kailangan nilang gawing tulay ang kanilang mga krus. Madaling nakatawid ang unang nagbuhat. Paglapat niya ng krus sakto sa laki ng bangin. Nakatawid siya agad. Ung Ikalawa, paglapat niya ng krus kapos ang kanyang krus, hindi umabot sa kabilang ibayo ng bangin dahil pinutulan niya ito.

If we want to imitate Mary in giving birth to Jesus today, we have to be ready to accept the pangs of giving birth. We must be ready to carry our crosses everyday. For it is in sharing in the pain of the cross of Jesus that we also share in the glory of his resurrection.

Mary is the perfect model of Christian life. To imitate her is to follow her in giving birth to Jesus today. But in order to that we have to be filled with the Holy Spirit, the spirit of Jesus and we have to be ready to face the pangs of giving birth, to carry our crosses everyday. Tulad ni Maria kailangan nating mabuntis at manganak. Kailangan nating mapuno ng Espiritu Santo at maging Kristo sa isa’t isa.

Saturday, July 7, 2007

MASAYA!

Sabi ng ebanghelyo isinugo ni Jesus na dala-dalawa ang pitungpu’t dalawang mga alagad. At nagbalik silang tuwang tuwa. Nagblik silang masayang masaya. Nagbalik silang galak na galak.

Sa iba’t ibang tao, iba’t ibang bagay ang nakapagbibigay ng saya at tuwa. May malalim na kasiyahan. Merong mababaw na kasiyahan. Ano po ba ang nagpapasaya sa atin? Ano ba ang nagpapaligaya sa iyo?

Sa ebanghelyo masayang masaya ang mga alagad ni Jesus dahil isinugo sila; dahil nakapagpalayas sila ng masasamang espiritu; dahil nakapagpagaling sila; dahil nakapagpahayag sila ng turo ni Kristo. Sa madaling salita, masayang masaya ang mga alagad dahil sumunod sila kay Kristo.

Minsan pagpinag-usapan ang pagsunod kay Kristo ang naiisip natin ay ang hirap ng pagsundo sa kanya; ang hirap ng pagsasakripisyo, ng pagsubok, ng pagtitiis at pagtiyaityaga, ang sakit ng matanggihan, maayawan, at pangungutya. Nakakaligtaan ng marami ang tuwa at saya ng pagsunod sa Panginoon; ang saya ng paglilingkod at pagbibigay.

Hindi po madali ang sumunod kay Jesus. Pero kung dahil sa inis kaya tayo tutulong, kung dahil sa inis kaya tayo magbibigay at maglilingkod, hindi pa po natin natatagpuan ang isang malalim na kagalakan na tanging si Jesus lamang ang kayang magbigay – ang ligayang dulot ng paggawa ng mabuti, ang tuwang dala ng paggawa ng tama, ang galak na bigay ng pagtulong sa kapwa.

Why does following Jesus bring joy to our hearts? Because in Jesus we become the best of who we are. The world can make us somebody. Our achievements and success can make us somebody. But that does not necessarily mean the best for us. But Jesus can make us the best that we can be. And being happy with Jesus is the best expression of our faith.

Minsan may isang batang lumapit sa akin (mga 10 years old) sabi niya, “Father, gusto ko pong maging pari.” Natuwa naman ako. Sabi ko, “Bakit naman?” Sagot ng bata, “Kasi po mukhang ang saya-saya niyo.” [Sa loob-loob ko, “Yun ang akala mo.” Hehehe.]

Kay Jesus makakatagpo tayo ng tunay na saya. At ang sayang ito ang makapag-aanyaya sa ating kapwa upang sumunod din kay Kristo at makatagpo din ng saya sa pagsunod sa kanya. Amen.