Saturday, July 7, 2007

MASAYA!

Sabi ng ebanghelyo isinugo ni Jesus na dala-dalawa ang pitungpu’t dalawang mga alagad. At nagbalik silang tuwang tuwa. Nagblik silang masayang masaya. Nagbalik silang galak na galak.

Sa iba’t ibang tao, iba’t ibang bagay ang nakapagbibigay ng saya at tuwa. May malalim na kasiyahan. Merong mababaw na kasiyahan. Ano po ba ang nagpapasaya sa atin? Ano ba ang nagpapaligaya sa iyo?

Sa ebanghelyo masayang masaya ang mga alagad ni Jesus dahil isinugo sila; dahil nakapagpalayas sila ng masasamang espiritu; dahil nakapagpagaling sila; dahil nakapagpahayag sila ng turo ni Kristo. Sa madaling salita, masayang masaya ang mga alagad dahil sumunod sila kay Kristo.

Minsan pagpinag-usapan ang pagsunod kay Kristo ang naiisip natin ay ang hirap ng pagsundo sa kanya; ang hirap ng pagsasakripisyo, ng pagsubok, ng pagtitiis at pagtiyaityaga, ang sakit ng matanggihan, maayawan, at pangungutya. Nakakaligtaan ng marami ang tuwa at saya ng pagsunod sa Panginoon; ang saya ng paglilingkod at pagbibigay.

Hindi po madali ang sumunod kay Jesus. Pero kung dahil sa inis kaya tayo tutulong, kung dahil sa inis kaya tayo magbibigay at maglilingkod, hindi pa po natin natatagpuan ang isang malalim na kagalakan na tanging si Jesus lamang ang kayang magbigay – ang ligayang dulot ng paggawa ng mabuti, ang tuwang dala ng paggawa ng tama, ang galak na bigay ng pagtulong sa kapwa.

Why does following Jesus bring joy to our hearts? Because in Jesus we become the best of who we are. The world can make us somebody. Our achievements and success can make us somebody. But that does not necessarily mean the best for us. But Jesus can make us the best that we can be. And being happy with Jesus is the best expression of our faith.

Minsan may isang batang lumapit sa akin (mga 10 years old) sabi niya, “Father, gusto ko pong maging pari.” Natuwa naman ako. Sabi ko, “Bakit naman?” Sagot ng bata, “Kasi po mukhang ang saya-saya niyo.” [Sa loob-loob ko, “Yun ang akala mo.” Hehehe.]

Kay Jesus makakatagpo tayo ng tunay na saya. At ang sayang ito ang makapag-aanyaya sa ating kapwa upang sumunod din kay Kristo at makatagpo din ng saya sa pagsunod sa kanya. Amen.