Saan daw nakikita ang tunay na pag-ibig? sa isip? sa puso? Hindi daw sa isip. Hindi daw sa puso. Kundi sa kamay. Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa ginagawa ng kamay: sa pagyakap sa asawa, sa pag-aalaga sa mga anak, sa pagbibigay sa nangangailanga, sa pagtulong sa mga dukha, sa pagkapit ng mahigpit sa Diyos.
Sa kahuli-hulihan ang sukatan ng tunay na pag-ibig, hindi ang pagpapaliwanag ng isip, o masidhing silakbo ng puso, bagkus ang bawat haplos, yakap at tulong na ginagawa ng ating mga kamay. Nasa ating mga kamay makikita ang tunay na pag-ibig.