Today is the solemnity of the All the Saints. The celebration today reminds us of the profession of faith. Towards the end, we proclaim our faith in the communion of saints, kasamahan ng mga santo. Ano ba ang ibig sabihin nito?
Pinapaalala ng ating pagdiriwang ngayon na tayo ay iisang simbahan na may iba't ibang katayuan: the suffering church - mga kapatid nating yumao na dumadaan sa paglilinis sa purgatoryo; the militant or pilgim church - ang simbahan dito sa lupa na patuloy sa paglalakbay at pagbabantay tungo sa katuparan ng Kaharian ng Diyos; at triumphant church - ang lahat ng mga banal at santo sa piling ng Diyos sa kalangitan, ang ilan sa kanila kilala natin [kung di man sa kanilang pamumuhay, kahit sa pangalan]. Ang tatlong ito iba-iba man ng katayuan at hindi man magkakasama ay bumubuoo ng iisang simbahan. Kung paano ang ating mga panalangin at sakripisyo ay kaugnay ng mga kaluluwa sa purgatoryo, ang panalangin at kabanalan ng mga santo ay kaugnay ng ating buhay dito sa lupa.
Kaya nga tayo humihingi ng tulong sa kanila. Kaya tayo tumatawag sa kanilang pangalan, hindi bilang karibal ng Diyos, kundi mga ate at kuya natin sa paglalakbay ng pananampalataya. Kung baga sa eskuwela sila ang mga higher years, mga seniors. Kung baga sa kasaysayan sila ang ating mga ninuno, mga nauna sa atin, mga naunang nararapat lamang sundan.
Let us maximize our relationship with the saints. Let us be friends with them for in them we can truly find an inspiration and a loyal friend that points to what is truly essential, Jesus, and reveals the secrets of the winding road of genuine holiness.
Sana po meron tayong debosyon sa mga santo. Sana meron tayong kinikilalang santo. Kilala hindi lamang sa pangalan o sa himalang kaya niyang ipagkaloob, o sa pangangailangan kaya niyang punan, bagkus kilala sa mga desisyon, pagkilos, at paglilingkod nila na naging daan sa kanilang pagtupad sa kalooban ng Diyos; naging daan sa pamumunga ng kabanalan.
I have my favorite saints: my namesake St. Denis, in terms of pastoral zeal St. Cyprian, in terms of priestly life St. John Marie Vianney, in terms of simplicity St. Therese of the Child Jesus, in terms of service Blessed Mother Teresa. I consider them my circle of spiritual friends.
Let us deepen our relationship with the saints. Let us come to know their lives. And let their lives penetrate our lives. So that the next time we pray to them we do not ask, but we imitate.