Me mga araw talaga na parang walang laman ang utak mo. Mabagal kumilos. Mabagal pumick up. Ngayon ay isa sa mga araw na yun. Kahit ilang beses mo basahin ang gospel, ang first reading, ang salmo, para ngayon, para bukas, para sa linggo, parang wala kang binasa. Parang walang na stimulate sa utak mo. Paginisip mo naman ang mga dapat mong gawin at ihanda marami kang maiisip; pagsinimulan mo nang gumawa hindi ka naman makaandar. Aantukin ka lang. Kaya matutulog ka na lang. Hanggang sumakit na lang ang ulo mo dahil tulog ka ng tulog. Pagnagising ka naman inaantok ka pa rin dahil sobra ka sa tulog. Tatamarin ka na. Kahit magbukas ng tv parang walang saysay. Uupo ka na lang sa isang tabi. Susubukan mo magbasa ng libro, Nakakaisang page ka na parang wala kang binabasa, Hindi mo naman maintindihan. Kaya magtetext ka na lang. Sa mga tinext mo wala namang agad mag-rereply kasi may ginagawa sila, busy sila, kaya maghahanap ka na lang ulit ng gagawin. Babasahin mo ulit ang mga readings; magdarasal; pero wala pa rin. Haaay! Ano ba tawag sa araw na ganito?