"All I Need to Learn I Learned in Kindergarten" I read this book when I was still a seminarian. The basic theme of the book is the realization that everything we need in order to live well in this world we have been taught already in pre-school.
Lahat ng dapat nating matutunan natutunan na natin nung kinder. Ano ba ang tinuturo sa kinder? 1. Sa paglalaro, huwag mandaraya. (Marami ng nakalimut nito. Lalu na ung mga gustong maupo sa puwesto.) 2. Huwag kukunin ang hindi sa iyo. Magpaalam muna bago kunin. (Pangungupit, pagnanakaw, pangungurakot, panghohold-up, pang-iisnats, etc. yan ang patunay na nakalimutan na natin ito.) 3. Ang basura itapon sa basurahan. (Aha, kinder pa lang itinuturo na sa atin ito. Marami yata ang absent nung itinuro ito.) 4. Huwag mananakit. (Ilan sa mga taong nakapaligid sa atin ang walang pakialam kahit nakakasakit na sila?) 5. Sa pagtawid, tumingin sa kanan at sa kaliwa, maghawak-hawak ng kamay at saka tumawid. (Paglumaki na hindi na tumitingin sa kanan at sa kaliwa sa sarili na lang at hindi na nakikipaghawak ng kamay, kanya-kanya na.) 6. Huwag kalimutang magsabi ng "thank you" o salamat. (Marami pang iba.)
Kinder pa lang (4-6 yrs old) itinuturo na sa atin na dapat magpasalamat. Natutunan na natin kung gaano kahalaga ang magpasalamat. Nagkaroon daw po ng survey ang Reader's Digest kung nasaan ang pinakamagagalang na tao, ang metor manila daw po ay isa sa pinaka-kulelat. Isang mahalagang indikasyon ng paggalang ay ang pagpapasalamat. Hindi na ba tayo marunong magpasalamat? Siguro dahil sobrang bilis ng buhay natin wala na tayong oras magpasalamat, o nahihiya, o sadyang walang pakialam.
Hindi puede yan sa misa, dahil ang misa ay Eukaristiya, at ang ibig sa sabihin ng Eukaristiya ay pasasalamat, "thanksgiving." Kung ang ipinunta natin sa misa ay para humingi, hindi kumpleto ang Eukaristiya. Kung ang ipinunta niny sa misa ay para pumorma, para magawa ang obligasyon, yun lang, hindi yan Eukaristiya, dahil ang Eukaristiya ay pasasalamat. Kung nagsimba ka ng walang makitang dahilan para magpasalamat sa Diyos, hindi pa handa ang puso mo para sa Eukaristiya, dahil hindi mo pa kayang magpasalamat sa kanya. Kung walang pasasalamat hindi kumpleto ang Eukaristiya. Hindi kumpleto ang pagsisimba (kahit tumanggap ka pa ng komunyon.)