Saturday, February 16, 2008

TRANSFIGURATION, TRANSFORMATION

Last month the bishops of the Philippines sent an open letter to all Filipinos, entitled, ‘CBCP Statement : “Reform Yourselves and Believe in the Gospel!” (Mark 1:15).’ I share with you some parts of the statement.

For we live today as a people almost without hope, it would seem. We look at our landscape and see darkness everywhere. […]

To journey to the light, we need first to realize that we have contributed not a little to the common malaise—because of decisions we have made, decisions that flowed from what we have become and because of our unconcern, inaction, apathy, often thinking only of our interests. And so with little sense of the future of our country, we vote for people we should not vote for.

Therefore, in the much needed regeneration of our politics and social life, this is where we have to start: with ourselves, as individuals, families, communities. We have always put the blame on people we have chosen to govern us. Today we have become more aware that despite efforts, successful or not, to remove the incompetent or corrupt, our problems have remained. We have looked at the enemy as only outside of us.

But now we ask: In the face of the many persistent and unresolved crises of today can we together make a determined start, by making a conscious effort at changing our mind-sets towards a greater and more efficacious concern for the good of the nation? (Emphasis mine.)

Thus, in the face of the many persistent and unresolved crises of today we are to make a determined start, by making conscious effort at changing our mind-sets towards a greater and more efficacious concern for the good of the nation.

In the light of the gospel for the Second Sunday of Lent, we are reminded that if we want transfiguration, if we want transformation, we begin with ourselves, as individuals, families and communities.

Ang pagbabago na nais ni Jesus hindi nagsimula sa pagbabago ng Emperador ng Roma, o sa pagpapatalsik kay Poncio Pilato o kay Herodes o sa pagapapalit ng mga saserdote, eskriba, o pariseo. Para kay Jesus ang pagbabago ay nagsimula sa kanya – ang pagbabago ng kanyang anyo, Transfiguration. Isang pagbabago na nasaksihan ni Pedro, Juan at Santiago. Isang pagbabago na babago sa kanilang tatlo, na ibabahagi nila sa iba pang mga apostol, hanggang maibahagi sa lahat ng naniniwala kay Kristo.

Ang tunay na pagbabago ay hindi magsisimula sa pagbabago ng iba. Ito ay magsisimula sa ating mga sarili, na dapat makita ng ating mga kasama sa bahay hanggang magbago ang buong pamilya, na dapat makita ng ating mga kapitbahay hanggang magbago ang buong komunidad. At kapag marami ng pamilya at komunidad ang nagbabago, wala ng makakapigil sa atin para baguhin ang ating lipunan, ang sistema ng ating pulitika, ang sistema ng gobyerno, ang mga taong namumuno sa atin. Ang tunay na pagbabago dito dapat magsimula, sa ating puso, sa ating pamilya, sa ating kapitbahayan, sa ating parokya.

May misa sa La Salle Gym kasama si Jun Lozada at ang kanyang pamilya. Gusto ko sanang pumunta at maki-misa para ipaalam sa kanila na gusto ko ring malaman ang katotohanan. Pero nagbago ang isip ko. Sabi ko sa sarili ko, “Hindi ko kailangan pumunta sa La Salle para hanapin ang pagbabago dahil ang tunay na pagbabago kailangan magsimula saan man tayo naroon. Ang pagbabago ay dapat hanapin unang una sa ating sarili, sa ating pamilya, sa ating mga kapitbahay, sa bawat kalye, eskinita at looban ng ating barangay, sa ating parokya.”

Kung gusto nyo sumama sa rally karapatan ninyo iyan. Kung ipaglalaban ninyong mag-resign si Gloria, opinyon ninyo iyan. Pero ito ang paalaala ng Panginoon:

à kung gusto natin ng tunay na pagbabago, dapat magsimula sa sarili.

à kung gusto natin ng katotohanan sa gobyerno, dapat magsimula sa ang katotohanan sa ating pamilya, sa ating mga kapitbahay, sa ating barangay.

à kung gusto nating mawala ang pandaraya sa pulitika, dapat mawala ng panlalamang natin sa kapwa.

Ang pagbabagong bigay ni Jesus ay nagsimula sa pagbabago ng kanyang anyo sa bundok, tapos pagbabago ng mga apostol na kasama niya, tapos pagbabago ng lahat ng sumusunod sa kanya, hanggang maging pagbabago ng lahat ng naniniwala sa Diyos.

Kung gusto natin ng tunay na pagbabago, dapat magsimula sa sarili, tapos sa pamilya, tapos sa mga kapitbahay, tapos sa ating parokya, tapos sa ating lipunan, tapos sa ating gobyerno, tapos sa buong bansa.

Genuine change begins in our hearts. Without a change of heart, we may change our leaders, or even our citizenship, but selfishness will continue to reign. Transfiguration happens in our hearts. Transformation begins with you and me.