Jesus tells us to forgive not seven times but seventy-seven times. Ang pagpapatawad ay hindi binibilang, hindi dapat natatapos, hindi dapat nauubos. Ito na marahil ang isa sa pinakamahirap na utos ng ating Panginoon. Ano ba ang kailangan para makapagpatawad?
Tunay na pagtititwala. Ang taong makakapagpatawad ay iyong may matibay at malalim na pagtitiwala sa Diyos. Nagtitiwala na kahit mahirap magpatawad ay ipagkakaloob sa atin ng Diyos ang lakas para makapagpatawad. Nagtitiwala na kahit mahirap magpatawad, kahit masakit sa kalooban magpatawad, dahil ito ang kalooban ng Diyos, ang pagpapatawad ay mabuti sa ating kalooban.
For many forgiveness means sacrifice, giving of self, surrendering. For many it may be something good, but very difficult, or even impossible, to do. What Jesus tells us is that forgiveness is good for us, forgiveness means survival for our faith. It may mean sacrifice and surrender at first, but in the end, eventually, forgiveness would mean peace in our minds, in our hearts and in our relationships.