Saturday, November 24, 2007

PANALANGIN NG TAGA-TRANSFI

Panalangin para sa katuparan ng bagong Vision-Mission Statement ng Transfi.

Ama naming mapagmahal,

tinawag mo kami bilang mga alagad;

tinipon mo kami bilang isang pamayanan.

Wagas na pag-ibig

ang paanyaya mo sa amin;

mamunga nawa ng paglilingkod

ang aming pagmamahal.

Matibay na pag-asa

ang kaloob mo sa amin;

maibahagi nawa namin ito sa lahat

ng pinanghihinaan ng loob.

Buhay na pananampalataya

ang hamon mo sa amin;

pagtibayin nawa ito ng paghuhubog

at maipangalat sa lahat.

Kasama ni Maria,

patuloy nawa kaming mabuklod at magkaisa,

sa pamamagitan ni Kristo, kasama ng Espiritu Santo,

magpasawalang hanggan.

Amen.