Tuesday, November 13, 2007

THE GIVER AND THE GIFT

Sampung ketongin. Sampung humingi ng milagro. Sampung gumaling. Isa ang nagbalik. Isa ang nagpuri sa Diyos. Isa ang nagpasalamat. Sabi ng Panginoon, "HIndi ba sampu ang gumaling? Nasaan ang siyam?"

Nasaan ang siyam? Walang nabanggit sa ebanghelyo. Pero sigurado, dahil sila'y gumaling sila ay nagsaya at nagalak. Ipinagmalaki ang milagro sa pamilya, sa mga kaibigan, sa mga kakilala, taong naglimos sa kanila. sa mga taong nandiri sa kanila, sa mga taong umilag sa kanila, sa mga taong nangutya sa kanila, sa mga kapwa ketongin. Ipinagmalaki ang milagro. Ipinagmalaki ang handog, nakalimutan ang pinanggalingan ng milagro. Nakalimutan ang pinaggalingan ng handog.

The message of the gospel is simple: the a GIVER is more important than the GIFT. Mas mahalaga ang nag-aabot ng handog kaysa inaabot na handog. Mas mahalaga ang nagbibigay ng biyaya kaysa sa biyayang ibinibigay. Mas mahalaga ang naghahandog kaysa sa reagalong handog. Si Jesus ang nagpagaling, pero mas mahalaga si Jesus kesa sa pagpapagaling. Si Jesus ang nagbibigay ng kailangan natin, pero mas mahalaga si Jesus kesa sa ibinibigay. Anumang biyayang bigay sa atin ng Diyos ay kasangkapan upang mapalapit tayo sa kanya, upang maging matibay at mahigpit ang relasyon natin sa kanya.

Naransan mo na bang mahingan ng tulong ng isang kaibigan, na pagkatapos mong maibigay ang hinihingi ay hindi ka na papansanin na parang hindi kayo magkakilala? Dahil mas mahalaga ang ibinibigay kesa sa nagbigay. Naranasan mo na ba magkaroon ng kaibigan na naaalala ka lang i-text kapag may kailangan sa iyo, na kung wala naman kailangan ni anino hindi nagpapakita? Dahil mas importante ang sagot sa pangangailangan kesa sa nagbibigay ng sagot.

The GIFT should bring us closer to the GIVER.