May mga salita na may kakambal. May mga salitang maiintidihang mabuti kung miintidihan ang kaugnayang salita. Halimbawa, "tatay", mas maiintidihan ang ibig sabihin nito kung uunawain ang salitang "anak". Dahil ang tatay ay hindi tatay kung walang anak, at ang anak ay hindi anak kung walang tatay.
Ganyan ang salitang "lingkod" o "servant." Mas mauunawaan ang ibig sabihin nito kung iintindihin ang kakambal na salita, kung iindindihin ang kaugnay na salita. Ano? "Panginoon" o "master." Ang isang lingkod ay lingkod dahil siya ay may kinikilala at sinusunod na panginoon, at ang panginoon ay may responsibilidad sa mga nasasakupang lingkod.
What defines a servant is his relationship with the master. And so what defines a Christian is our relationship with Jesus.
Sabi ng ebanghelyo, tayo ay mga lingkod ni Kristo? Si Kristo ang ating Panginoon. Kamusta na ang relasyon natin kay Kristo? Personal ba? May paglago ba? Totoo ba? Malalim ba? Mahigpit ba? Matibay ba? Buhay ba? Kamusta na?