Fill in the blank: Ang simbahan ay tahanan ng _____________.
Ang madalas na sagot? Tahanan ng Diyos. Yan ang ibig sabihin ng templo - bahay ng Diyos. Tama po ito. Ang simbahan ay tahanan ng Diyos, kaya sa simbahan makakatagpo ang presensya ng Diyos. Sa wikang Latin ang tawag dito DOMUS DEI.
Pero hindi ito ang orihinal na pagkaunawa sa simbahang bato. Bagong tinawag na Domus Dei ang simbahan ito ay tinawag munang DOMUS ECCLESIAE, na ang ibig sabihin ay tahanan ng simbahan [simbahang tao o ang tinipong mga anak ng Diyos].
Ang simbahang bato ay tahanan hindi lamang ng Diyos, kundi ng simbahang tao. Dahil sa simbahan nagkakatipon ang sambayanan. Sa simbahan nagpupuri ang sambayanan, nagpapasalamat, nakikinig ng salita ng Diyos, nagdiriwang ng binyag, kumpil, kasal, ordinasyon, sa simbahang bato nakakatagpo ng simbahang tao ang kanyang Diyos. Kaya nga ang presensya ng Diyos ay nakakatagpo hindi lamang sa dinasalang tinapay at alak, o sa pari, o sa tabernakulo, o sa banal na salita. Ang presensya ng Diyos ay makaktagpo rin sa gitna ng sambayanang nagkakatipon sa loob ng simbahan.
The church is the home of the gathered community. And so, unity, mutual respect, compassion for the needy, mutual help, concern for the other, friendship, service for others, all these should be at home in the church. But oftentimes, sadly, the opposite is true: what rests in the church is divisions, intrigues, competition, lies, fabricated stories, politics, insecurity, and everything else that hinders genuine community.
Ang simbahang bato tanda ng presensya ng Diyos dahil ito ay tahanan ng Diyos. Mana pa, ang simbahang bato ay tanda rin ng tunay na pagkakaisa dahil ito ay tahanan ng sambayanan. Ang presensya ng Diyos na makakatagpo sa simbahang bato ay mamunga nawa ng presensya ng Diyos sa ugnayan at pagkakaisa ng simbahang tao. Amen.