Tuesday, September 25, 2007

KALOOBAN

Sabi ni Jesus, "Ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at tumutupad nito ang siya kong ina at mga kapatid.

Kay Jesus hindi importante kung Kapamilya o Kapuso, kung kamag-anak o kaibigan. Ang importante KALOOBAN. Ang makinig at tumupad sa kalooban ng Ama.

Kung araw-araw inaalam natin ang nangyari kay Anghelita o kay Kokey, kay Jumong o sa Jewel Sisters. Hindi ba dapat inaalam araw-araw ng isang mabuting anak ng Diyos ang kalooban ng Ama?

Sa binyag tayo ay naging mga anak ng Diyos. Ito ay unti-unting natutupad kung isinasa-loob ang Kalooban ng Ama, kung inaalam, pinakikinggan at ginagawa ang Kanyang kalooban.