Tuesday, December 30, 2008

the joy of Simeon

We all konw the joy of the shepherds upon seeing the new born child, wrapped in swadling clothes in the manger. We all know the excitement of the wise men who travelled from the East following a bright star that led them to the King of kings. But seldom do we hear about the joy of Simeon.

Jesus was brought by Mary and Joseph to the temple to be presented to the Lord according to the law of Moses. Simeon, a righteous and devout man, filled with the Holy Spirit, received the child into his hands and burst into prayer, "Now, Master, you may let your servant go in peace, according to your word, for my eyes have seen your salvation." [Lk 2:29-30] There was so much joy in Simeon's heart, after all the waiting for the Messiah, that death becomes a welcome experience. Seeing the saviour is enough. He longs for nothing more, waiting for no one else. Fulfillment has come. Satisfaction has arrived. As if saying, "Okey na Lord. Puede mo na akong kunin!"

Every year we celebrate Christmas. We have used to the atmosphere of Christmas, to the lights, to the celebrations, to the practices and traditions, to a point that the joy of the season becomes ordinary and usual. The joy of Simeon brings back the original joy of the mystery of incarnation - a joy that fills the heart wil excitement, contentment and fulfillment to a point that one can say, "Okey na. Puede nang mamatay."

Ang lahat ay masaya kapag panahon ng Pasko. Pero anung klaseng saya? Kasing saya ba ng kagalakan ni Simeon?

Sunday, December 28, 2008

Malakas, Marunong at Kalugud-lugod sa Paningin ng Diyos...

Feast of the Holy Family, Year B

Tapos na ang December 25. Tapos na ba ang Pasko?

Hindi pa. Tapos na ang araw ng pagsilang ng Panginoon, pero ang misteryo ng Pasko ay hindi lamang tungkol sa pagsilang ng Anak ng Diyos, kundi ang pagkakatawang tao ni Jesus. At kasama sa pagiging tao ng Diyos ay ang mabuhay sa loob ng isang pamilya. Ito ang ipinagdiriwang natin ngayon, ang pamilya ni Jose, Maria at Jesus. Kung saan si Jesus ay lumaking “malakas, marunong at kalugud-lugod sa paningin ng Diyos” [Lk 2:40].

Marami sa mga “first time” natin sa buhay ay natutunan natin sa loob ng pamilya: first time tumayo, lumakad, magsalita, bumilang, mag-sign of the cross, kumanta ng alleluia, etc. Mas lalung higit kapag pinag-usapan ang pananampalataya, sa loob ng pamilya tayong unang natututong magdasal. Sabi ni Pope John Paul II, “The family is the first school of faith.”

May isang bata, 4 years old, tuwing matatapos ang misa magmamano sa akin at sinasabi niya kung ano ang ipinagdasal niya sa misa. Minsan sabi niya, “Father, I have a new dress. I thank God for my new dress.” Tapos minsan, “Father, I have a new toy. I thank God for my new toy.” Tapos minsan din, “Father, I prayed for you.” Saan natuto ang apat na taung gulang na bata na magapasalamat sa Diyos sa lahat ng bagay? Saan pa, sa pamilya!

Totoo din ang kabaligtaran. Naglalakad ako sa isang eskinita. May naglalarong mga maliliit na bata sa may kalsada. Siguro mga apat na taun din. Pagdaan namin doon, narinig kong sumigaw yung maliit na bata, “Putang ina mo! Akin yan!” Sabi ko sa kasama ko, “Siguro hindi pa marunong yan magbasa pero marunong nang magmura.” Saan natuto ang apat na taung gulang na bata na magmura? Saan pa, sa pamilya!

Malaki at mahalaga ang papel ng pamilya sa ating buhay. Kung gusto natin ng mga Kristiyanong malakas laban sa kasamaan, kailangan maging malakas ang mga pamilya. Kung gusto natin ng mga Kristiyano marunong sa pananampalataya, kailangan maging marunong ang mga pamilya. Kung gusto natin ng mga Kristiyanong namumuhay na kalugud-lugod sa Diyos, kailangan ang mga pamilya ay mamuhay ng kalugud-lugod sa Diyos. Ang lahat ng ito ay natutunan sa loob ng pamilya.

Nawa, sa tulong at halimbawa nina Jesus, Maria at Jose, ang lahat ng pamilyang naririto ngayon ay magsikap upang magturo sa lahat na maging malakas, marunong, at kalugud-lugod sa Diyos.

Tuesday, December 23, 2008

Walang makapaghihiwalay

Christmas Eve Mass, December 24

May isang taong naglakbay sa malalayong lugar para maglingkod sa Diyos. Dumaan siya sa iba’t ibang hirap sa kanyang paglalakbay: inusig, pinagmalupitan, kinasuhan ng iba’t ibang paratang, ilang beses nabilanggo, nahagupit ng latigo, ilang beses nalagay sa bingit ng kamatayan, ilang beses nalagay sa panganib, hindi lang isang beses nakaranas ng paglubog ng barko, nagutom, naghikahos – sa lahat ng paghihirap na ito, meron pa ba siyang dahilan para lumigaya at maging masaya?

Ang taong sinasabi ko sa inyo ay si San Pablo. At mababasa nyo po ang kanyang paglalakbay sa mga Gawa ng mga Apostol at sa kanyang mga sulat. Pagkatapos ng lahat ng hirap na ito, meron pa bang dahilan si San Pablo para maging masaya?

May sagot po si San Pablo sa tanong na ito: walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo [Rom 8:35-39]? Hindi paghihirap, hindi kapighatian, hindi pag-uusig, hindi gutom, hindi tabak. Wala! Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo.

Galing yan sa isang taong dumaan sa sangkatutak na paghihirap. Maliwanag kay San Pablo na mahal pa rin siya ng Diyos, at sapat na itong dahilan upang patuloy na maging masaya, patuloy na umasa.

Ito ang tunay na diwa ng Pasko: Ang Diyos nagkatawang tao. Ang Diyos nakipamuhay sa atin. Ang Diyos bumababa mula sa langit at sinamahan tayo. At kailanman ay hindi lilisan sa piling natin, dahil walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig at pananahan ng Diyos sa piling natin.

Jesus, the Son of God, became a child in a manger to be with us because God loves us unconditionally. And he will always be with us, no matter what. Not anguish. Not distress. Not famine. Not nakedness. Not peril. Not the sword. Nothing can separate us from the love of God.

Mahirap ang buhay? Maraming pagsubok? Iniwan ka ng boyfriend mo? Nilayasan ka ng mga anak mo? Walang trabaho? Gutom? May dahilan pa rin para maging masaya ngayong Pasko, dahil ngayong Pasko sasamahan ka ng Diyos at walang makapaghihiwalay sa iyo sa pag-ibig ng Diyos para sa iyo. Huwag na huwag po ninyong kalilimutan iyan. Maligayang Pasko po sa inyong lahat!

Monday, December 22, 2008

Tikman ang tunay na diwa ng Pasko

Simbang Gabi, December 22

Ako po ay nag-aral sa San Carlos Seminary, sa Guadalupe, Makati. Sa labas ng seminaryo, napakaraming namamalimos, maraming pulubi. Merong isang seminarista tuwing lalabas siya, bibili siya ng merienda laging pang dalawang tao. Sa kanya yung isa. Ung isa naman para sa isang batang pulubi na lagi niyang dinadaanan. Bago bumalik ng seminaryo, bibili siya ng dalawang merienda, hamburger, o kaya siopao, o kaya monay, o biscuit, o kahit anung meryenda. Isa para sa kanya. Isa para sa batang pulubi.

Minsan, pagkatapos ibigay ng seminarista ang tinapay sa bata, naisipan niyang panoorin kung talagang kinakain nung bata yung meryenda. Pinanood niya yung bata. Binuksan ng bata yung balot. Tapos kumagat ng isa. Tapos nilapag yung tinapay sa semento. Nakita yun ng seminarista at sumugod sa bata. Nagalit ang seminarista dahil hindi inuubos ang tinapay. Sayang. Kaya sabi nung seminarista, hindi na siya magbibigay ng tinapay. Nung tapos ng magsalita ang seminarista nagpaliwanag yung bata. Sabi niya,”Brother, pasensya na po kayo. Tuwing binibigyan nyo po ako ng tinapay, lagi ko pong inuubos. Ngayon ko lang po hindi inubos. Kasi po, nitong mga nakaraang linggo, tuwing uuwi ako, lagi kong kinukuwento sa mga kapatid ko na meron isang mabait na mama na lagi akong binibigyan tinapay. Paulit ulit ko po yang kinukuwneto sa kanila. Pero minsan sabi po nila sa akin, na huwag ko na raw ikukuwento sa kanila, kasi hindi naman daw nila natitikman yung kuwento ko. Naiinggit lang sila. Kaya, ngayon po, hindi ko uubusin ang ibinigay ninyo, para pag-uwi ko sa bahay, pag nagkuwento ako tungkol sa nagbibigay sa aking meryenda, matitikman nila ang kuwento ko.

Sabi nung seminarista, madaling isipin na nagpapalusot lang yung bata, pero sabi niya naniniwala siya sa kuwento ng bata. Kaya hindi siya huminto sa pagbili ng dalawang meryenda. Isa sa kanya. Isa sa batang pulubi.

Alam nating lahat ang kuwento ng ating pananampalataya – ang kuwento ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang kuwento ng dalisay na pagmamahal, ng walang sawang pagpapatawad, ng walang maliw na pagkalinga, ng walang kapagurang pagbibigay ng pagpapala. At ang kuwentong ito ay hindi narinig lang, o salita lang, hindi kuwentong barbero. Dahil sa pagsilang ni Jesus, natikman ng sangkatauhan ang kuwento ng wagas na pag-ibig ng Diyos. Sa pagparito ni Jesus sa mundo, natikman ng tao ang patawarin sa kanyang mga kasalanan, natikman ang pagalingin sa karamdaman, natikman ang makipagkasundo sa Diyos, natikman ang bigyan ng pag-asa, ng direksyon, ng karangalan bilang mga anak ng Diyos. Sa pagdating ni Jesus, natikman natin kung paano mahalin ng isang nag-alay ng buhay sa krus.

Kaya nga sa ebanghelyo ngayon, nasambit ni Maria ang mabubuting kaloob ng Diyos. Sa pagdating ni Jesus, natikman ng bayan ng Diyos, ang lingapin sa kanyang kaabahan, natikman ang busugin ng kabutihan, ang maging mapalad, ang kahabagan, ang katapatan ng Diyos sa kanyang pangako sa ating mga magulang.

Alam nating lahat ang kuwento ng tunay na diwa ng Pasko - ang kuwento ng pagbibigay, ng pakikipagkasundo, ng pagpapakumbaba. Sana hindi lang ito kuwentong barbero. Sana ang tunay na diwa ng pasko ay matikman ng mga taong nakapaligid sa atin. Ang ating pagbibigay ay matikman ng ating kapwa. Ang ating pakikpagkasundo ay matikman ng ating mga mahal sa buhay. Ang ating pagpapakumbaba ay matikman ng mga nakakasalamuha natin sa araw-araw.

Sana ang tunay na diwa ng Pasko hindi lamang marinig sa ating mga kuwento, kundi matikman sa ating pagtulad kay Kristo.

Sunday, December 21, 2008

A great photographer is a child...

This year I discovered photography. I bought my first DSLR in January this year. I joined filckr groups and got involved in some on-line contests. I won one. I was able to meet up with some photo enthusiasts both professional and amateur. I gained new friends. It was a whole new world altogether. Exciting!

One important thing that photography taught me about taking pictures and about life in general is sensitivity. Be sensitive to your surroundings. Be open to everyone and to everything, even to the simplest, most ordinary little things. Be sensitive and beauty will always present itself. The face of the Creator is always recognizable in his creation.

Because of this, I came to learn that the sun rises in different ways everyday: different colors, different shades, different shapes. Some mornings may seem the same, but they are different. Nothing, not even the most ordinary, can be a poor subject for a stimulating image: a drop of rain, a leaf, a toy, the ordinary hand, the eyes [what eloquent eyes children have!]. Photography opened my eyes to the infinite beauty of people. It broadened my horizon into the limitless wonder of the world. Photography made me a child again. I discovered photography? Photography discovered the child in me.

Friday, December 19, 2008

Pangako

Simbang Gabi, December 20

Narinig natin sa unang pagbasa, “Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng lalaki at ito’y tatawaging Emmanuel.” Ito ang sabi ni propeta Isaias kay Acaz. Isang pangako mula sa Diyos. At naniniwala tayo na ang pangakong ito ay natupad sa paglilihi ni Maria. Narinig natin sa ebanghelyo, “Paano mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” Alam ba ninyo kung ilang taon ang pagitan ni Propeta Isaias at ang Pagsilang ni Kristo? Walong daang taon. Eight hundred years.

Siguro sasabihin ninyo, “Father, ang tagal namang tuparin ng Diyos ang kanyang pangako? Bakit ganun?” Hindi ko po alam kung bakit ganun, pero ito po ang alam ko. Kahit inabot ng walong daang taon, hindi nakalimot ang Diyos sa kanyang pangako. Hindi tumalikod ang Diyos sa kanyang pangako. Hindi pinabayaan ng Diyos ang kanyang mahal na bayan. Hindi ko alam kung bakit ganun katagal, pero ang alam ko, tapat ang ating Diyos, hindi ayon sa ating panahon, kundi ayon sa kanyang panahon, dahil ang panahon ng Diyos ay laging tamang panahon.

800 years – hindi nakalimut ang Diyos sa kanyang pangako, isinugo ang anak upang maging tagapagligtas ng kanyang bayan. Sa walong daang taon may mga nainip. May mga nawalan ng pag-asa. May mga tumalikod sa Diyos. May mga hindi na umasang matutupad pa. May mga hindi na nagtiwala. Subalit isang gabi sa Bethlehem, sa isang sabsaban, tinupad ng Diyos ang kanyang pangako, patunay na siya ay tapat. Siya’y tapat magpahanggang ngayon.

Meron akong isang dasal na matagal ko nang hinihingi sa Diyos. Seminarista pa ako nung una kong hiningi iyon sa Diyos. At magpahanggang ngayon, siyam na taon na akong pari, hindi pa rin ibinibigay sa akin ang aking ipinagdarasal. Kung tatanungin nyo ako, “Bakit?” Hindi ko alam kung bakit. Siguro sasabihin nyo sa akin, “Hindi ka ba naiinip?” Paminsan-minsan naiinip din. Tinatanong ko rin sa Diyos, “Panginoon hanggang kailan po ako maghihintay?” Pero lagi namang babalik sa katotohanan na tapat ang Diyos. Hindi ayon sa ating panahon, kundi ayon sa kanyang panahon.

Pasko na naman. Naka-display na naman ang mga belen. Nakasabit na naman ang mga parol. Naka-sindi na naman ang mga pa-ilaw. Ang lahat ng ito ay paalala na ang gabi ng Pagsilang ng Panginoon ay gabi ng pagtupad ng Diyos sa kanyang pangako. Ang Diyos natin ay tapat sa kanyang pangako, mapagkakatiwalaan at maasahan. Manalig tayo sa kanya.

Thursday, December 18, 2008

liwanag

Simbang Gabi, Dec. 18

Kelan ka huling nakakita ng alitaptap?

Ako? Nung October. Limang araw akong tumira sa monasteryo ng Transfiguration of the Lord. 5 am ang Morning Prayer nila. Dahil medyo may kalayuan sa monasteryo ang tinutuluyan ko, 4:30 am pa lang naglalakad na ako papuntang monasteryo. Isang beses sa aking paglalakad ng madaling araw nakakita ako ng dalawang alitaptap. Kumukutikutitap sila sa kadiliman ng umaga. Dahil minsan lang makakita, ang unang reaksyon ko sundan sila. Kaya sinundan ang liwanag ng mga alitaptap. Hanggang makarating ako sa isang punong puno ng alitaptap, parang krismas tree na hitik sa krismas lights. Wala ako ng nagawa kundi tumunganga at panoorin ang mga alitaptap. Pagdating ko sa monasteryo, tapos na ang Morning Prayer.

Naniniwala ako na lahat tayo, ang unang reaksyon natin kapag nakakita ng liwanag, lalu na kung tayo ay nasa dilim, ay lapitan ang liwanag, sundan ang liwanag at manatili sa liwanag. Yan ang unang reaksyon natin sa liwanag. Marahil kahit na sino papiliin mo sa liwanag o sa dilim, kung pababayaan ang damadamin laging pipiliin ang liwanag.

Ang pagsilang ni Jesus bilang tao sa Bethlehem ay ang pagdating ng liwanag sa daigdig na ito. Si Hesus ang ilaw ng mundo at kung pababayaan natin ang natural na reaksyon natin sa liwanang, lalapit tayo kay Kristo, susundan natin siya, at mananatili tayo sa kanya.

Paano ba tayo mananatili sa liwanag ni Kristo sa kasalukuyang panahon? (1) sa liwanag ng Salita ng Diyos - tulad ni San Jose sa ebanghelyo ngayon, naunawaan niya kung ano ang plano ng Diyos dahil sa isang anghel sa kanyang panaginip; tayo rin magiging maliwanag sa atin ang plano ng Diyos sa pamamagitan ng liwanag ng kanyang banal na Salita. (2) sa liwanang ng banal na Eukaristiya - tulad ni San Jose, nakatagpo siya ng lakas ng loob na pakasalan si Maria kahit hindi kanya ang sanggol na kanyang dinadala; tayo rin makakatagpo ng lakas ng loob na maninidigan sa landas ng kabutihan at kabanalan sa pagtanggap natin ng tinapay ng buhay na lakas at buhay ng bawat Kristiyano; (3) sa liwananag ng kapwa-tao - tulad ni San Jose tinanggap niyang maging ama-amahan ni Jesus dahil sabi ng anghel na siya ang magiging tagapagligtas ng kanyang mga kapwa-hudyo; si Jesus ang magbibigay ginhawa sa kanyang mga kababayan; tayo rin makakatagpo ng dahilan para maglingkod at magmalasakit sa kapwa dahil anuman ang gawin natin sa "maliit na ito" ay ginawa natin kay Jesus.

Sumasa-atin si Jesus. Sumasa-atin ang ating liwanag. Ang pumipili lamang sa dilim ang iyong may tinatago, iyong may kinahihiya, iyong may sikretong ayaw mabunyag. Ang tunay na Krisitiyano, nabubuhay sa liwanag ni Kristo.

Tuesday, December 16, 2008

gate crushers

Anong saysay ng pagdiriwang ng birthday ni Kristo kung wala naman siya sa puso natin? kung hindi naman siya mahalaga sa buhay natin? kung hindi naman tayo nakikinig sa kanyang salita? kung hindi naman tayo sumusunod sa kanyang mga utos? kung hindi naman tayo nagsisikap gayahin siya?

Para lang tayong nag-gate crush sa isang birthday party; naki birthday para maki-kain, para maka-libre ng hapunan, para maka-libre ng beer at pulutan; naki-gulo; naki-usyoso.

December will not make Jesus the center of our life, if from January to November Jesus has always been at the margins. We cannot share meaningfuly in the incomparable joy of the birthday of Jesus, if Jesus remains outside of our everyday concerns. Christmas is the "birthday party" of Christ. If we celebrate Christmas without loving Christ, then we are gate crushers.

Monday, December 15, 2008

Sidekick

Simbang Gabi, 1st Day

Alam nating lahat na sa kahit anung kuwento, laging may bida. Lalu na sa pelikula laging may bida. At ang bida laging may kasama, laging may “sidekick.” Halimbawa, si Batman, merong Robin. Si Zorro, merong Tonto. Si Dolphy, may Panchito, o kaya si Babalu. At si FPJ, may Dennis Padilla, o kaya si Berting Labra. Madas ang bida may “sidekick.”

Sa kuwento ni Jesus, parang meron din siyang “sidekick.” Siya ang naghanda ng daraanan sa pagdating ni Jesus. Siya ang nagtuwid n glandas ni Jesus. Siya ang nagbabala sa kahalagahan ng pagbabalik-loob sa Diyos para salubungin si Jesus. Siya ang nagbinyag sa ilog Jordan para maging malinis sa pagsalubong kay Jesus. At ng dumating na si Jesus, unti-unti na siyang nawala sa eksena. Sabi niya, I must decrease ; he must increase. Sidekick nga eh. Sino siya ? Si Juan Bautista.

Kapag pinag-usapan ang kuwento ng pasko, walang makakaisip na kasama sa kuwento si Juan Bautista. Pero merong mahalang mensahe si Juan Bautista para sa pagdiriwang natin ng Pasko: Magbalik-loob sa Diyos.

May mga tao kuntento na sa saya ng mga Christmas party; sa saya ng exchange gifts at ng monito-monita; sa sayang dulot ng 13th month pay at bonus; sa saya ng noche buena. Pero sinasabi ko sa inyo, iba ang saya ng Pasko kapag tayo ay malayo sa kasalanan at malapit sa pagmamahal ng Diyos. Walang kapantay ang saya sa pusong walang sama ng loob, walang kaaway, walang inggit, walang yabang, walang galit, walang poot.

Si Juan Bautista ay tila liwanag na nagniningning na tumatangalaw sa atin upang magbalik loob sa Diyos, dahil sa piling ng Diyos, walang kapantay ang ligayang dulot ng Pasko. Sa pagdiriwang ng Pasko, malayo ka ba sa Diyos dahil sa kasalanan? Magbalik-loob sa Diyos dahil kung kapiling ka ng Diyos, kung nakikinig ka sa kanyang salita, kung ginagawa mo ang kanyang mga utos, walang kapantay ang ligaya sa pagdiriwang ng Pasko. Amen.

Sunday, December 14, 2008

May dahilan ba para magsaya?

3rd Sunday Advent B

Ang linggong ito ay tinatawag na Gudete Sunday, o Linggo ng Kagalakan.

May dahilan ba para magalak? Para maging masaya?

Meron na naman parating na agyo. Kapag dumating na yan sa Luzon at bumuhos ang malakas na ulan, problema na naman ang baha, pati landslide, pati sirang bahay. May dahilan ba para magalak?

Meron na namang Cha-cha. Gusto na naman baguhin ang saligang batas at patagalin ang kapangyarihan ng mga nakapuwesto. May dahilan ba para magsaya?

May bird flu na naman sa Asia. Maapektuhan na naman ang mga alagang hayop at maapektuhan ang supply ng ating pagkain. May dahilan ba para magsaya?

Sa ating barangay, ang tagal tagal nang pinag-uusapan ang palengke hanggang ngayon hindi pa rin tapos, hindi pa rin magkasundo. At tila dumadami ang mga inuman dito. Tila dumadami din ang mga tambay, maging bata man o matanda. May dahilan ba para magdiwang?

Malinaw po ang sagot ni Juan Bautista sa ebanghelyo ngayon: “nasa gitna ninyo ang isang hindi nakikilala.” Si Jesus ay nasa gitna natin. Si Jesus ay sumasaatin at sapat na itong dahilan para magalak, para magsaya.

Nagbigay ako ng recollection sa Ina ng Laging Saklolo sa Punta, Sta. Ana. At punung puno ang simbahan para sa recollection. Ibig sabihin marami ang nauuhaw sa kaalaman at pananampalataya ukol sa pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Kahapon may Christmas party ang mga bata, mga nagsisimba at nagseserve sa children’s mass. Ngayong umaga meron namang party sa mga elders, sa mga senior citizen. Sa hapon naman merong party ang mga scholars ng ating parokya. Ibig sabihin, kahit mahirap ang buhay ngayon, marami pa rin ay may mabubuting loob na tumutulong sa mga nangangailangan, maging bata man o matanda, o mga mag-aaral.

Ilan lamang ito sa mga palatandaan na sumasaatin at kumikilos sa pamamagitan natin ang presensya ng Diyos. Gaano man kahirap ang buhay, gaano man kabigat ang problema, kung bawat isa sa atin ay magiging instrumento ng presensiya ng Diyos sa buhay na ito, hindi mauubusan ng dahilan para magdiwang.

May dahilan ba para magsaya? Meron, dahil sabi nga ni Juan Bautista nasa ating gitna ang Panginoon.

Sunday, December 7, 2008

Removing all that hinders...

I love my books. They are my treasure. There was a time when I tried collecting CD’s. Then, DVD’s. But, eventually I lost interest. But not with books. I always loved spending time in bookstores, especially in specialty bookstores. I love browsing through shelves and shelves of books. I love books and I love reading. So, I continue to collect books. There are times that I do not know where to place them. Kung saan-saan tuloy nakalagay.

When this happens, I need to de-clutter my shelves. I need to examine my books, one by one, and decide which books should go. Which books I do not need at the moment? Which books should be kept? Which books should be sent at home to be kept in the bodega, in order to make room for new ones? This is always a difficult decision. But it has to be done. Kailangan alisin ang ibang libro, para magkaroon ng lugar sa mga bagong libro na kailangan ko.

Life is somewhat like this. We collect so many things and we fill our life with a lot of things until it becomes full to the brim. We need to de-clutter our life. If we want to welcome Jesus in our life, we have to make room for him. Hindi siya makakapasok sa buhay natin kung punung puno tayo ng galit, ng inggit, ng sama ng loob, ng kaaway, ng pagkaabala sa materyal na bagay, ng kasalanan.

Our Opening Prayer is perfect for today: Lord, remove all the things that hinder us to welcome Jesus with joy… To remove all things that fill up our hearts and our life that prevent the grace to God to fill us, that prevents the mercy of God to comfort us, that prevent the presence of God to work in and through us. Our God is a generous God, he provides for all our needs, but if we have no room for Him, how can we experience his generosity?

St. John the Baptist proclaims from the desert: Prepare the way of the Lord. Make straight his paths. Jesus is coming, but we cannot receive him if we have no room for him in our lives and in our hearts. Let us prepare the way of the Lord and remove all the things that hinder us to welcome Jesus with joy.

Removing all that hinders...

I love my books. They are my treasure. There was a time when I tried collecting CD’s. Then, DVD’s. But, eventually I lost interest. But not with books. I always loved spending time in bookstores, especially in specialty bookstores. I love browsing through shelves and shelves of books. I love books and I love reading. So, I continue to collect books. There are times that I do not know where to put them. Kung saan-saan na lang tuloy nakalagay.

When this happens, it means I need to de-clutter my shelves. I need to examine my books, one by one, and decide which books should go. Which books I do not need at the moment? Which books should be kept? Which books should be sent at home to be kept in the bodega, in order to make room for new ones? This is always a difficult decision. But it has to be done. Kailangan alisin ang ibang libro, para magkaroon ng lugar para sa mga bagong libro na kailangan ko.

Our life is somewhat like this. We collect so many things and we fill our life with a lot of things until it becomes full to the brim. We need to de-clutter our life. If we want to welcome Jesus in our life, we have to make room for him. Hindi siya makakapasok sa buhay natin kung punung puno tayo ng galit, ng inggit, ng sama ng loob, ng kaaway, ng pagkaabala sa materyal na bagay, ng kasalanan.

Our Opening Prayer is perfect for today: Lord, remove all the things that hinder us to welcome Jesus with joy… To remove all things that fill up our hearts and our life that prevent the grace to God to fill us, that prevents the mercy of God to comfort us, that prevent the presence of God to work in and through us. Our God is a generous God, he provides for all our needs, but if we have no room for Him, how can we experience his generosity?

St. John the Baptist proclaims from the desert: Prepare the way of the Lord. Make straight his paths. Jesus is coming, but we cannot receive him if we have no room for him in our lives and in our hearts. Let us prepare the way of the Lord and remove all the things that hinder us to welcome Jesus with joy.

Removing all the things that hinder...

I love my books. They are my treasure. There was a time when I tried collecting CD’s. Then, DVD’s. But, eventually I lost interest. But not with books. I always loved spending time in bookstores, especially in specialty bookstore. I love browsing through shelves and shelves of books. I love books and I love reading. So, I continue to collect lots and lots of books. There are times that I do not have any room for them anymore. Kung saan-saan tuloy nakalagay.

When this happens, I need to de-clutter my shelves. I need to examine my books, one by one, and decide which books should go. Which books I do not need at the moment? Which books should be kept? Which books should be sent at home to be kept in the bodega, in order to make room for new ones? This is always a difficult decision. But it has to be done. Kailangan alisin ang ibang libro, para magkaroon ng lugar sa mga bagong libro na kailangan ko.

Our life is somewhat like this. We collect so many things and we fill our life with a lot of things until it becomes full to the brim. We need to de-clutter our life. If we want to welcome Jesus in our life, we have to make room for him. Hindi siya makakapasok sa buhay natin kung punung puno tayo ng galit, ng inggit, ng sama ng loob, ng kaaway, ng pagkaabala sa materyal na bagay, ng kasalanan.

Our Opening Prayer is perfect for today: Lord, remove all the things that hinder us to welcome Jesus with joy… To remove all things that fill up our hearts and our life that prevent the grace of God to fill us, that prevents the mercy of God to comfort us, that prevent the presence of God to work in and through us. Our God is a generous God, he provides for all our needs, but if we have no room for Him, how can we experience his generosity?

St. John the Baptist proclaims from the desert: Prepare the way of the Lord. Make straight his paths. Jesus is coming, but we cannot receive him if we have no room for him in our lives and in our hearts. Let us prepare the way of the Lord and remove all the things that hinder us to welcome Jesus with joy.