Siyam na taon na akong pari ngayon. Parang kailan lang nagmimisa ako sa tabi ng kama ng lolo kong maysakit sa kanilang lumang bahay sa Hagonoy. Iyon ang aking unang misa. Parang kailan lang umiiyak ako habang nakapadapa sa sanctuary ng Manila Cathedral habang inaawit ang Litany of the Saints noong ako ay ordinahan. Siyam na taon na pala ang nakalipas.
Kung ikukumpara sa iba, totoy na totoy pa ako sa pagkapari ko. Pero marami na ring nangyari. Marami na ring napagdaanan. Nakapagplano ng overnight vigil ng kabataan sa limited na budget. Nakapag pagawa ng simbahan [masakit sa ulo pero fulfilling]. Naging alalay ng obispo, tumira sa condo [yung building sa Lantana], nagsawa sa pag-MC. Nakapag defend ng thesis [dalawang beses]. Nag turo ng Latin. Naging parish priest, naging administrator tapos naging parish priest ulit. Nag bisikleta, nag bowling, nag badminton, ngayon litratista. Nag youth minister, nag liturgist at nag deaf ministry.
These are the things I did. They spell out what I do. Today, more than what I do, God has affirmed who I am. I am his son, his beloved Son. He has given me a brother in Jesus and a mother in Mary. I am his chosen servant, a trusted worker in his vineyard. Inspite of my faults, I am his trusted steward, a shepherd of his flock. Wherever I may be assigned, in whatever capacity, in whichever community, I will always be God's beloved. That I hold close in my heart.
Please, never forget to include me in your prayers!
Salamat po.
Hindi ko matandaan itong litrato na ito. Pero kuha ito ng isa sa mga parishioners ng Transfi, kung saan ako parish priest ngayon. Mukhang noong seminarista ko napunta na ako sa Transfi para mag-serve. Kailan at anong okasyon, hindi ko matandaan. I guess this is the first time I was in Transfi. Sinong mag-aakala na magiging parish priest ako ngayon ng Transfi? God works in mysterious ways. Happy Birthday, Mama Mary!