Limang taon na ang Diocese ng Cubao sa August 28, 2008. Heto ang panalangin na inilabasa kahapon para sa isang linggong pagdiriwang ng anibersaryo mula August 24-30, 2008.
Amang mapagmahal,
sa misteryo ng iyong kalooban
ang Diyosesis ng Cubao
ay tinipon bilang isang sambayanan.
Pasasalamat namin ay lubos
sa biyaya mong hindi nagkulang.
Pasasalamat namin ay
sa Espiritu mong dulot ay kaliwanagan.
Sa limang taong paglalakbay
liwanag mo ang aming gabay.
Maikli man kung maituturing
samo naming ito ay iyong dingin.
Pasiglahin ang pananampalataya ng bawat parokya
upang maging mga pamayanang nagmamalasakit sa mga dukha.
Palakasin ang pakikiisa ng lahat ng mga layko
upang maging tagapaghatid ng kabutihang loob mo.
Patatagin ang kalooban ng lahat ng relihiyoso
upang maging matatapat na saksi ng kabanalang totoo.
Pagtibayin ang bokasyon ng lahat ng mga pari
upang maging tanda ng matapat mong paghahari.
Pagalabin ang paglilingkod ng mahal na Obispo
upang maging pastol na naayon sa puso ni Kristo.
Subok na, O Ama, ang katapatan mo sa iyong bayan
sa mga propeta, kay Moises at kay Abraham
at sa takdang panahon ay dumating
ang katangi-tangi mong Anak, nakipamuhay sa amin.
Kasama ng Mahal na Birheng Maria
isang sambayanan kaming dumudulog sa iyo.
Nawa’y sa bawat hakbang at pasya
tahakin ang landas ni Kristo
na siyang nabubuhay at naghahari,
kasama mo at ng
magpasawalang hanggan. Amen.