Ang isang simbahan ay banal sapagkat ito ay tahanan ng Diyos. Subalit hindi lamang presensya ng Diyos ang matatagpuan sa isang simbahan. Matatagpuan din ang mukha ng pamayanang gumagamit nito.
Sa Prayer of Dedication ng isang simbahan sinasabi doon na "In this place is reflected the mystery of the Church." Ibig sabihin sa simbahang bato nasasalamin ang misteryo ng simbahang tao. Sa simbahang bato makikita ang mukha ng simbahang tao. Dahil ang simbahang bato ay saksi sa kuwento ng buhay ng simbahang tao.
Kung makakapagsalita lang ang mga dingding at luhuran ng simbahan sigurado ikukuwento nito ang mga kuwento ng mga nauna sa atin, mga kuwento ng pagpapala, ng pagpapatawad, ng pagbabati, ng pagbabalik-loob. Kung makakapagsalita lang ang mga haligi at upuan ng simbahan sigurado ikukuwnto nito ang mga kuwento ng himala, malaki man o maliit. ito ang misteryong nasasalamin sa simbahan ng Transfi at ang kuwentong ito ang ang ating itinutuloy ngayon. Sa pagsisikap nating maging isang pamayanan ng pag-ibig na naglilingkod, ng pag-asang ibinabahagi at ng pananampalatayang buhay at nagbibigay buhay, itinutuloy natin ang kuwento ng mga nauna sa atin. Upang sa pagdating ng araw na tayo ay wala na ang mga susunod sa atin ang magtutuloy ng kuwento - ang kuwento ng walang kapantay na pag-ibig ng Diyos at ng walang katapusang pagtugon ng tao.
The faith of those who have been before us and our faith today - this is the story of our life, a story that begun in creation, in the story of Adam and Eve, in the story of Noah and Abraham, in the story of David and the prophets. Most especially in the story of Jesus, a story that continued in the apostles, in the story of Paul and the first community of Christians, a story that came to us in the various lives of the saints through the ages. The church of Transfi tells the story of the people of Transfi, a story of love, of conversion, of salvation.
Tuloy ang kuwento ng buhay. Tuloy ang kuwento ng pananampalataya. Hinid pa tapos. Wala pang ending. Tuloy ang kuwento ng Transfi. Ituloy natin ang kuwento.