Bago po ako ordinahang pari, sabi sa amin ng isa naming formator gawin daw naming espesyal at memorable aming unang misa. Kaya ako kinabukasan ng ordinsayon ko, umuwi ako agad sa Hagonoy at nagmisa ako sa bahay ng lolo ko. May sakit siya noon, bedridden. Hindi nakapunta sa ordinasyon ko. Kasama ng mga magulang ko, mga kapatid, mga tito at tita, kasama ang lola ko, ang unang misa ko ay ipinagdiwang ko sa tabi ng
Bakit kailangan gawing memorable?
Ganyan din ang papel ng kuwento sa ating ebanghelyo ngayon, ang paglalakad ni Pedro sa tubig dahil sa kapangyarihan ni Jesus. Sigurado ito ay memorable para kay Pedro.
Kayo ba kapag nakapaglakad kayo sa ibabaw ng tubig makakalimutan nyo ba iyon? Hindi. Yun ngang sagutin ng isang nililigawan hindi makalimutan ito pa kaya. Hindi lang anniversary ang inaalala, may monsary pa!
Sigurado ako sa mga panahon na pinanghihinaan ng pananampalataya si Pedro at natatakot, naalala niyang minsan siyang naglakad sa tubig at ng siya ay magduda at panghinaan ng pananampalataya sabi sa kanya ng Panginoon, “Huwag kang matakot. Ako ito.” Sapat na ang ala-alang iyon para mapawi ang pagdududa at pagkatakot.
Ganyan din ang papel ng Transfiguration. Isang karanasang hindi malilimot. Memorable para kay Pedro, Juan, at
Memories are important to us. We live and we die because of memories. So much more is the memory of God’s love and power. They sustain us to remain faithful. They sustain us to remain strong. Memories of God’s love and power make us live.
Ngayong kapistahan ng ating parokya sa karangalan ng pagbabagong anyo ni Jesus, huwag po nating kalimutang minsang ipinamalas ni Jesus ang kaluwalhatian ng kanyang kapangyarihan, upang sabihin sa atin, “Huwag kang matakot.” Huwag matakot sa paghihirap, sa pagdurusa, sa pagsubok, sa kahinaan, sa kasalanan, sa sugat ng pakikibaka, sa hamon ng pagiging tapat, dahil kay Jesus ang mananaig kapangyarihan, kaginhawahan, kaligtasan at kaliwanagan.
Huwag po tayong makalimot. Ang ala-ala ng Transfiguration ay nagbibigay ng lakas para ang liwanag ni Jesus sa ating puso ay hindi pawiin ng dilim.
Happy Fiesta sa lahat!