Wednesday, December 19, 2007

PUSONG BUKAS KAHIT HINDI PERPEKTO

Kung titingnan nyo ang belen sa larawan. Medyo modern. Hindi conventional. Ito ang belen sa aming parokya ngayon. Ginamit namin ang sira-sirang marmol na tinanggal sa sanctuary ng simbahan [dahil pinalitan na ng granite, naks]. Nung inaayos namin ito, may isang parishioner na lumapit at nagsabi, “Bakit ganyan ang Belen? Bakit semento? Bakit sira-sira? Hindi dapat ganyan ang Belen.” Or something like that. Kulang na lang sabihin, bakit hindi perfect?

Bakit nga ba hindi perfect? Sabi ko sa sarili ko, "Kahit naman nung unang Pasko hindi perfect?" The first Christmas may be a holy night. It may be a peaceful night. But it was far from perfect.

Si Maria, buntis, pero walang asawa. Aba sa maraming pamilya ngayon ito ay pinagmumulan ng kahihiyan. It was not a perfect situation for Mary.

Si Jose, magpapakasal sa isang babaeng buntis pero ang dinadala ay hindi sa kanya. Ngayon, sasabihin natin nakaka-insulto yata yan sa paglalake. It was not a perfect situation for Joseph.

Ang sabasaban, kainan ng mga hayop, mabaho, madumi. Kung ikaw ang nanay hindi mo gugustuhins isilang ang iyong anak sa isang sabsaban. It was not a perfect place for giving birth, much more for giving birth to the Son of God.

The first Christmas was not a perfect night, but in that not so perfect night,

the Perfect One, the Lord Jesus, came down from heaven. Jesus, the love and the presence of the living God, came into our history, into our lives.

Kay Maria, kay Jose at sa sabsaban – dumating ang pagmamahal ng Diyos. Dumating ang presensya ng Diyos.

Lahat tayo hindi perpekto. Lahat tayo may pagkukulang, may kahinaan, nagkakasala. Pero sa gitna ng kakulangang ito puede pa rin dumating sa atin ang pagmamahal at presensya ng Diyos. Puede pa rin tayong maging instrumento ng kanyang presensya at pagmamahal. Para tayong sira-sirang marmol na kapag pinagsama-sama ay puedeng maging Belen kung saan puedeng isilang ang Diyos, kung saan puedeng dumating ang presensya ng Diyos, kung saan puedeng maging instrumento ng pagmamahal ng Diyos.

God is not looking for a perfect heart. What God is looking for is an open heart where he can be born and become an instrument of his presence and love.

Ang kailangan ng Diyos hindi isang pusong perpekto. Ang kailangan ng Diyos ay isang pusong bukas kung saan puede siyang isilang, kung saan puedeng maging instrumento ng kanyang pagmamahal at presensya.

Sa paskong ito, hilingin natin sa Diyos na sa gitna ng ating kakulangan nawa'y maging bukas ang ating puso upang dito siya ay isilang, upang tayo ay maging tagapghatid ng kanyang presensya at pagmamahal.