Sunday, December 16, 2007

THE POWER OF LOVE

Homily delivered by Rev. Fr. Dennis S. Soriano during the Wedding of Marvin Cruz and Resie Barron, held in Caleruega, Batangas, on December 15, 2007.

Two weeks ago, meron akong kinausap na mag-asawa. Walong taon na silang nagsasama, ilang beses ko na rin silang nakausap dati. At nung huling pag-uusap namin, nagdesisyon silang maghiwalay. Nakakalungkot. Parehas ko silang kaibigan. Pero sa bandang huli desisyon nila kung makikinig sila sa payo ko o hindi. Nagdesisyon silang maghiwalay.

Marami mag-asawa na kilala natin ang naghihiwalay, pero nandito tayo ngayon, nagdiriwang ng pagkakaisa sa pagmamahal. Bakit marami pa rin ang umaasa sa kapangyarihan ng pagmamahal? What is it about LOVE that we continue to believe in its power?

First, because without love there is no joy. Ang nagpapaligaya sa tao ay pagmamahal. Hindi materyal na bagay; hindi pera. Bakit may mayayaman na nalululon sa drugs, sa sugal, sa masasamang bisyo? Dahil hindi sila kayang paligayahin ng pera lang. Kung wala kang minamahal at nagmamahal sa iyo hindi ka kayang paligayahin ng pera. Oo, mababayaran mo ang gusto mo. Pero hanggang kailan.

Resie at Marvin, kailangan nyo ng pera; para makabili ng bahay, para makapagbigay sa mga magulang, para makapag-aral ang mga anak. Kailangan ng pera at malaking bagay kung stable kayo financially para hindi na pag-awayan ang pera. Pero hindi lang pera ang mahalaga. Hindi lang trabaho ang mahalaga. Ang mahalaga siguraduhin habang tumatagal ang panahon ay lumalim naman ang pagmamahal ninyo sa isa’t isa. Your love for each other should grow with you. And if your love grows with you then joy will follow you wherever you go because you have love.

Second, because God is love. Ang pamagat ng sulat ni Pope Benedict the XVI: Deus Caristas Est. God is love. Galing sa ebanghelyo ni San Juan. At ang pagmamahal na yan ay naging tao, nagkatawang tao, isinilang sa sabsaban, at nakipamuhay kasama natin. Si Jesus ang pag-ibig ng Diyos. Yan ang tunay na diwa ng Pasko. Pinangatawanan ng Diyos ang kanyang pag-ibig kay Jesus na nagkatawang tao. Dapat nating tularan. Paano? Una, pangatawanan ang pagmamahalan. Ang tunay na pag-ibig kailangan may katawan, kailangan narinig at nararamdaman. Sinasabi dapat ang pagmamahal. Pinapakita dapat ang pagmamahal. Hindi tayo manghuhula. Hindi natin kayang hulaan ang mga bagay na hindi nakikita at nararamdaman. Ang isang pagmamahal na pinangangatawanan ay sinasabi at ipinapakita. Hindi puedeng sinasabi lang. Kailangan sinasabi at ipinapakita. Pangalawa, panatawanan hanggang katapusan. Katapatan hanggang huli. Si Jesus nagmahal hanggang sa huli, hanggang ipako sa krus. Hindi umayaw. Hindi umatras. Hindi tumalikod. Nagmahal hanggang kamatayan. Nagmahal sa hirap at ginhawa. Madaling magmahal sa ginhawa, pero nasusubok ang tibay ng pagmamahal sa panahon ng hirap. Huwag bibitiw. Huwag aayaw. Huwag tatalikod. Humingi ng tulong lagi sa Diyos.

We continue to believe in the power of love because God is love and only in this love can we find genuine happiness.

Resie at Marvin, dahil ang Diyos ay pag-ibig, sikapin na ang pag-ibig ninyo sa isa’t isa ay maging pag-ibig na galing sa Diyos. At dahil galing sa Diyos, ito ay biyaya ng Diyos. At dahil biyaya ng Diyos, ang pag-ibig ninyo sa isa’t isa dapat magdala sa inyo sa kabanalan.

If we look at the heart of God, this love that you promise to each other today is good for you because this will make you became better persons, better Christians, a family according to the heart of God.

Resie and Marvin, never stop believing in the power of Love.