Buti na lang marunong makinig si San Jose, kung hindi mapaphamak ang kanyang mag-ina. Sabi ng anghel sa panaginip, "Bumangon ka at pumunta ka sa Ehipto. Dalhin ang iyong mag-ina." At nagpunta nga sila. Sa Ehipto, sabi ng anghel sa panaginip, "Bumalik ka na sa Israel." Bumalik nga siya kasama ang kanyang mag-ina, hindi sa Judea, kundi sa Nazareth.
Sa unang una pa lang kung hindi marunong makinig sa San Jose, nagkahiwalay na sana sila ni Maria. Bago pa sila ikasal, nakitang buntis si Maria, at hindi si Jose ang ama. Hihiwalayan na ni Jose, pero sabi ng anghel sa panaginip, ituloy ang kasal dahil ang dinadala ni Maria ay galing sa Diyos. Buti na lang marunog makinig si Jose.
Kung merong isang mahalagang bagay na maaring matutunan ang mga pamilya sa kasalukuyan sa magandang halimbawa ng Banal na Pamilya nila Jesus, Maria at Jose, ito ay ang PAKIKINIG.
Some say that the present generation is not a generation who listens because we are not a generation of words. Rather, this generation is a generation of visuals, because this generation is a generation who watches. It is quite a challenge to just sit down, keep quiet and listen, without seeing anything, without doing anything.
Tenga sa kanan. Tenga sa kaliwa. Kapag pinagdikit mo, nagiging korteng puso. Minsan nakikinig lang tayo ng kunwari, pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Pagnakikinig tayo, makinig tayo ng totoo, makinig tayo ng dalawang tenga natin. Makinig tayo sa pagmamahal. Makinig tayo sa pamamgitan ng ating mga puso.
Parents listen to your children. Hindi dahil mga anak ninyo sila ay puede nyo nang gawin ang gusto ninyo sa kanila. Hindi dahil mga bata sila ay wala na silang mabuting sasabihin. Hindi dahil nakakabata sila ay wala na kayong matutunan sa kanila. Hindi po. Mga magulang pagkinggan po ninyo ang inyong mga anak. Tanging sa pakikinig sa kanila saka ninyo sila maiintindihan.
Children listen to your parents. Hindi dahil nakakatanda sila ay hindi na nila kayang unawain ang kalagayan ninyo. Hindi dahil pinapagilalitan o pinagbabawalan nila kayo ay hindi na nila kayo mahal. Hindi dahil mas mataas ang pinag-aralan ninyo ay wala na kayong matututnan sa inyong mga magulang. Hindi. Mga anak makinig kayo sa inyong mga magulang. Ang pinagdadaanan nila ngayon ay pagdadaanan niyo rin sa hinaharap.
Okey lang sa akin kung hindi kayo nakikinig ngayon. Ang mahalaga sa akin, pagkatapos ng misang ito, pag-uwi ninyo sa inyong mga pamilya, makinig kayo sa kanila. Hindi kunwaring nakikinig, kundi totoong nakikinig. Nakikinig ng may pagmamahal. Nakikinig sa pamamagitan ng puso. At makikita mo, meron kang magandang matutunan ngayon araw na ito.