mabahong sabsaban
dito ba ang kapanganakan?
nakabibinging katahimikan
ito ba ang gabing banal?
batang paslit lamang
ito ba ang Tagapamagitan?
si Maria’t Jose ang sasalubong
kapayakan ay lubos
ito ba ang Anak ng Diyos?
walang masayang hiyawan
tanging saksi sa pagsilang
ito ba ang hari ng sanlibutan?
para sa kalayaan
pagkagapi ng kaaway
ito ba ang kaligtasan?
walang sasapat na sagot
kung di makita’t Maramdaman
kamay ng Diyos, kumikilos
sa sanlibo mang tanong
magtiwalang ang kawalan
pupunan ng Sanggol
Christmas today requires so much; christmas trees, christmas lights and christmas carols, exchange gifts, bonuses and parties, noche buena and aguinaldo. As if without any of these would make the season incomplete. There was nothing of this sort when the Son of the Most High was born in a manger, on a quiet night in Bethlehem. In our nothingness, Jesus came as a brother, loving humanity, redeeming our state. Jesus is enough for a meaningful Christmas. Have a blessed Christmas to all!