May kasabihan sa Latin Lex orandi, Lex credendi. Ang literal na ibig sabihin ay The Law of prayer is the Law of belief. Ibig sabihin kung paano tayo magdasal ganun din tayo sumampalataya sa Diyos. Puede ring dagdagan ng Lex vivendi. Kung paano tayo magdasal, ganun din tayo makipag-ugnayan sa Diyos at mamuhay.
Kung ang panalangin ay isang gawaing tinutupad lamang kapag may sobrang oras lang, ganun din ang halaga ng Diyos sa buhay natin, kapag may natira pang oras sa dami ng pinagkakaabalahan sa araw-araw. Kapag ang pagsisimba at pagrorosaryo ay basta magawa, ganun din ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon, basta makaraos.
Kaya mahalagang suriin anung klaseng pagdarasal meron tayo. Anong klaseng mga salita ang namumutawi sa atin mga bibig kapag tayo ay nanalangin? Mga salitang nauunawaan ba natin? Mga pagbigkas na galing sa puso? Mga salitang may katotohanan? May pagmamahal? May pagtitiwala? May pagtatalaga?
Paano nga ba tayo magdasal?