Saturday, June 7, 2008

HANDA KA NA BA?

10th Sunday in Ordinary Time, Year A

Nang sinabi ni Jesus kay Mateo, “Sumunod ka sa akin.” Agad-agad, iniwan ni Mateo ang lahat at sumunod kay Jesus. Samantalang ang mga Pariseo ilang beses nang sinabihan ni Jesus, ilang beses nang pinangaralan ni Jesus, ilang beses nang sinagot ni Jesus ang kanilang mga tanong, hanggang sa kahulihan hindi pa rin naniwala kay Jesus; hindi pa rin sumunod sa kanya. Bakit? Anung meron si Mateo na wala ang mga Eskriba at Pariseo.

Isang bagay lang – kahandaang magbago. Si Mateo sumunod kaagad kay Jesus dahil handa siyang magbago; handa siyang iwan ang makasalanang trabaho ng isang publikano; handa siyang makinig; handa siyang maghandap ng bagong landas, ng bagong buhay. Samantalang ang mga Parieseo, marahil dahil sila ay nasa pusisyon ng kapangyarihan, dahil sila ay tinitingala at hinagangaan, dahil kumportable ang kanilang kalagayan, hindi sila handang magbago. Hindi sila handang tumaggap ng bagong pananaw, ng bagong pagtingin, ng bagong pamumuhay.

Saying “yes” to follow Jesus means conversion, means giving up something for the Lord. The Pharisees were not ready to give up their position and power and so they were not able to say “yes.” Matthew was ready and he gave up everything, but gained everything by following Jesus. We cannot say “yes” to follow Jesus if we are not ready to get out of our comfort zones.

Handa ka na bang magbago?

Handa ka na bang magsakripisyo?

Handa ka na bang sumunod kay Kristo?