Saturday, June 28, 2008

Bumangon, Bumawi at Magsikap maging Tapat

Ngayon ay dakilang kapistahan ni San Pedro at San Pablo, dalawang matitibay na haligi ng ating pananampalataya. Si San Pedro ang hinirang na maging pinuno ng mga Apostol. Sa ebanghelyo ngayon, sinabi ng Panginoon kay Pedro, "sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan." Si San Pablo naman ang naging tagapagpahayag ng Mabuting Balita sa mga Hentil o mga Pagano.

Anong aral ang maari natin matutunan mula kina San Pedro at San Pablo?

St. Peter was called “the great denier” because he denied that he knew Jesus three times. But the great denier became the great leader of the Church.

St. Paul was called “the great persecutor” because he persecuted the followers of Jesus. But the great persecutor became the great evangelizer of the gentiles.

Si San Pedro at si San Pablo, oo nagkamali, subalit parehas silang bumangon, bumawi at nagsikap maging tapat hanggang sa huli.

Noon pong April 18, 2008, umattend po ako ng anibersaryo ng isang matandang pari. Ang tawag namin sa kanya, Father Lolo. Siya ay 60 year nang pari. Malakas pa. Nagmimisa pa. Nagpapakumpisal. Nagmomotor pa. Habang nagmimisa, isa lang po ang pinagdarasal ko: sana maging tapat ako sa pagkapari tulad ni Father Lolo.

At sana yan din po ang dasal nating lahat sa misang ito. Sa mga mag-asawa, may mga kahinaan ang bawat isa, minsan nagkakamali, pero ang mahalaga marunong bumangon, bumawi at magsikap maging tapat hanggang huli.

Sa mga kabataan, malaki ang inaasahan sa inyo ng inyong mga magulang, kayo ang pag-asa ng bayan, marami ang hindi nakakatapos ng pag-aaral, marami ang naliligaw ng landas, marami ang masasamang impluwensya sa paligid, pero ang mahalaga marunong bumangon, bumawi at magsikap maging tapat hanggang sa huli.

Sa mga naglilingkod sa simbahan o sa bayan, maraming ang iniisip lang ang sarili, marami ang sakim, may mga pagkukulang, maraming tukso, maraming dapat gawin ang napapabayaan, pero ang mahalaga marunong bumangon, bumawi at magsikap maging tapat hanggang sa huli.

Sabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa: “Puspusan akong lumaban sa paligsahan. Natapos ko na ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya.” Lagi nawa tayong bumangon sa pagkadapa, bumawi sa pagkakamali, at laging magsikap maging tapat hanggang sa huli.

Wednesday, June 25, 2008

LITURGICAL FORMATION SCHEDULE 2008 - DIOCESE OF CUBAO

Basic Formation
Basic Formation Seminars are for new members.
Venue: Immaculate Conception Multi-purpose Building, Lantana St., Cubao, QC

1. Lectors and Commentators
16 August 2008 (Saturday)
8 am to 4 pm

2. Extraordinary Ministers of Holy Communion
17 August 2008 (Sunday)
8 am to 4 pm

3. Greeters and Collectors
30 August 2008 (Saturday)
8 am to 4 pm

On-Going/Renewal Formation
On-Going/Renewal Formation Seminars are for current members.
Venue: Immaculate Conception Multi-purpose Building, Lantana St., Cubao, QC

1. Lectors and Commentators
Vicariate of Saint Joseph: 13 September 2008 (Saturday) 8 am to 12 noon
Vicariate of the Holy Family: 13 September 2008 (Saturday) 1 pm to 5 pm
Vicariate of Santo Nino: 20 September 2008 (Saturday) 8 am to 12 noon
Vicariate of Santa Rita: 13 September 2008 (Saturday) 1 pm to 5 pm
Vicariate of San Pedro Bautista: 27 September 2008 (Saturday) 8 am to 12 noon
Vicariate of Our Lady of Perpetual Help: 27 September 2008 (Saturday) 1 pm to 5 pm

2. Extraordinary Ministers of Holy Communion
Vicariate of Saint Joseph: 4 October 2008 (Saturday) 8 am to 12 noon
Vicariate of the Holy Family: 4 October 2008 (Saturday) 1 pm to 5 pm
Vicariate of Santo Nino: 11 October 2008 (Saturday) 8 am to 12 noon
Vicariate of Santa Rita: 11 October 2008 (Saturday) 1 pm to 5 pm
Vicariate of San Pedro Bautista: 18 October 2008 (Saturday) 8 am to 12 noon
Vicariate of Our Lady of Perpetual Help: 18 October 2008 (Saturday) 1 pm to 5 pm

3. Greeters and Collectors
Vicariate of Saint Joseph: 8 November 2008 (Saturday) 8 am to 12 noon
Vicariate of the Holy Family: 8 November 2008 (Saturday) 8 am to 12 noon
Vicariate of Santo Nino: 8 November 2008 (Saturday) 1 pm to 5 pm
Vicariate of Santa Rita: 8 November 2008 (Saturday) 1 pm to 5 pm
Vicariate of San Pedro Bautista: 22 November 2008 (Saturday) 8 am to 12 noon
Vicariate of Our Lady of Perpetual Help: 22 November 2008 (Saturday) 8 am to 12 noon


Please be reminded of our policy that the lay faithful can exercise these ministries only after they have gone through formation programs conducted by the Diocesan Ministry for Liturgical Affairs. It is necessary that a committee should screen the candidates on their skills and moral standing in the community.

Recommendation letters signed by the parish priest should be submitted by fax at least two weeks before the scheduled formation. The original should be submitted on the day itself. This will be for the preparation of the handouts.

Registration is at Php 100.00. Meals not included.

Tuesday, June 24, 2008

May Bunga ba?

Do you consider yourself a good Christian? Do you consider your faith a good faith? What fruits can you show for your faith?

The gospel tells us, "By their fruits you shall know them. [...] A good tree cannot bear bad fruit, nor a rotten tree bear good fruit."

Anu-anong mabubuting gawa ang bunga ng ating pagiging Kristiyano? ng pagsunod natin kay Kristo? ng ating pananampalataya? Meron ba?

Saturday, June 21, 2008

Bilang ng Lahat

"Maging buhok ninyo'y bilang na lahat" - Mt 10:30

Sinong matino ang gustong malaman ang bilang ng kanyang buhok? O ipabilang sa iba ang kanyang buhok? Meron ba? Wala siguro. Bakit? Kasi, hindi naman yun mahalaga. Magsasayang lang ng oras. Pero, sabi ng ebanghelyo ang buhok natin ay biang ng Diyos. Ibig sabihin Alam ng Diyos ang lahat sa atin. Kung hindi mahalaga - ang bilang ng ating buhok - ay alam niya paano pa kaya ang mahalaga sa atin, tulad ng mga pangarap, mga hangarin, mga tagumpay, mga plano, mga minamahal.

Bilang ng buhok - maliit na bagay na hindi mahalaga. Pero para sa Diyos walang maliit, walang di mahalaga, na aalamin tungkol sa atin. Kilala niya tayo higit sa pagkakilala natin sa sarili natin. Samakatuwid, ikaw at ako ay nasa isip ng Diyos, nasa kanyang puso.

May Mas Makapangyarihna kesa sa Takot

12th Sunday, Ordinary Time, Year A

Noon pong ako ay bagong ordain na pari, may nagtanong sa akin, “Father, ano ba ang pakiramdam ng inoordenahang pari? Siguro excited na excited ka!” Sabi ko sa kanya, “Oo, sobrang excited ako.” Pero sa totoo takot na takot po ako nung panahon na iyon. Marami akong tanong sa sarili ko.

Kaya ko ba talagang maging mabuting pari? Kaya ko bang magbigay ng aking sarili ng hindi naghihintay ng kapalit? Kaya ko bang sumunod sa lahat ng ipapagawa sa akin ng aking Obispo? Baka magrebelde lang ako? Kaya ko bang mangaral araw-araw sa tuwing ako ay magmimisa? Baka maubusan ako ng sasabihin? Kaya ko bang hindi mag-asawa at hindi magkaanak hanggang sa huli? Baka bumigay lang ako sa tukso? Baka maging iskandalo lang ako sa simbahan? Kaya ko bang mamuhay ng isang simpleng buhay? Baka masilaw lang ako sa pera?

Marami akong tanong. Marami akong takot. Hanggang ngayon nandito pa rin sa akin ang mga tanong. Nandito pa rin ang mga takot pero mas matapang na ako ngayon dahil nalaman kong kung mahalaga sa Diyos ang isang maya, ako pa kayang mas mahalaga sa libu-libong maya. Sabi ng ebanghelyo ngayon “Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.” Kikilalanin tayo ng Diyos kung kikilalanin natin ang kapangyarihan ng Diyos. Hindi tayo pababayaan ng Diyos kung hindi natin pababayaan ang pagmamahal natin sa kanya. At kung kinikilala tayo ng Diyos; kung hindi tayo pababayaan ng Diyos, walang dahilan para matakot.

Sabi ni propeta Jeremias sa unang pagbasa, “Awitan ninyo ang Poon, inyong purihin ang Poon sapagkat inililigtas niya ang mga api mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.” Hindi pababayaan ng Diyos ang inaapi dahil sa katuwiran, dahil ililigtas niya ang matuwid, ang mabuti, mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.

Sabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, “ang kagandahang loob ng Diyos ay higit na di hamak kaysa pagsuway ni Adan.” Ang kagandahang loob ng Diyos ay higit na makapangyahrihan kaysa sa kasalanan, kaysa sa kasamaan, kaysa sa pagsubok, kaysa sa krus.

Meron pong nagsabi, “Courage is not the absence of fear; rather, courage is the realization that there is something greater than our fear.” In our case, courage is the realization that there is SOMEONE greater than our fear. God is greater than our fear. We are not afraid to tell the world that we are Christians, that we are followers of Jesus Christ. We are not afraid to face suffering, trial, pain and difficulties. We are not afraid to carry our own crosses because God is greater than any trial; his power is stronger than any suffering; his love is more refreshing than any cross.

Kung uusisain natin ang mga kaganapan sa paligid, nakakatakot isipin kung saan papunta ang mga nangyayari sa ating bayan. Marami ang nagugutom sa taas ng presyo ng bigas [Nahihirapan na po ang parokya natin na mag-order ng NFA rice]. Dumadami ang naghihirap sa taas ng kuryente, sa taas ng mga bilihin. Marami ngayon ang sinasalanta ng bagyo at ng baha. Nakakatakot isipin na isang araw baka pulutin na lang tayong lahat sa kangkungan. Pero pasasaan ba at makakaraos din tayo. Ang mga Pilipino tatayo pa ring nakangiti. Hindi dahil manhid at walang pakialam, kundi dahil hindi tayo marunong bumitaw sa Diyos.

Ang takot hindi mawawala, pero ang kumikilala sa Diyos ay kikilalanin ng Diyos, hindi pababayaan, hindi magpapatalo sa takot.

Friday, June 20, 2008

TULAD NG DATI

Teddy: Anong ginagawa kapag may nawala?

Jett: Hinahanap.

Teddy: Kapag hindi nahanap?

Jett: :Pinapalitan.

Teddy: Kapag hindi mapalitan?

Jett: Kinakalimutan.

Teddy: Anong ginagawa kapag yung nawala, hindi mahanap, hindi mapalitan, hindi makalimutan?

Jett: TINATANGGAP.

An unforgettable dialogue from the award winning movie "Tulad ng Dati" - Best Picture, Best Sound and Best Editing sa Cinemalaya 2006. Great film whether you're a The Dawn fan or not.

Wednesday, June 18, 2008

Paano ba tayo magdasal?

May kasabihan sa Latin Lex orandi, Lex credendi. Ang literal na ibig sabihin ay The Law of prayer is the Law of belief. Ibig sabihin kung paano tayo magdasal ganun din tayo sumampalataya sa Diyos. Puede ring dagdagan ng Lex vivendi. Kung paano tayo magdasal, ganun din tayo makipag-ugnayan sa Diyos at mamuhay.

Kung ang panalangin ay isang gawaing tinutupad lamang kapag may sobrang oras lang, ganun din ang halaga ng Diyos sa buhay natin, kapag may natira pang oras sa dami ng pinagkakaabalahan sa araw-araw. Kapag ang pagsisimba at pagrorosaryo ay basta magawa, ganun din ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon, basta makaraos.

Kaya mahalagang suriin anung klaseng pagdarasal meron tayo. Anong klaseng mga salita ang namumutawi sa atin mga bibig kapag tayo ay nanalangin? Mga salitang nauunawaan ba natin? Mga pagbigkas na galing sa puso? Mga salitang may katotohanan? May pagmamahal? May pagtitiwala? May pagtatalaga?

Paano nga ba tayo magdasal?

Saturday, June 14, 2008

WWJD - What Would Jesus Do?

Pinangalanan ni Jesus ang labing dalawang alagad, at sinabi sa kanila, "Humayo kayo ang ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo."

Kung susuriin nating mabuti ang mga pinapagawa ni Jesus, ito ang mga ginagawa niya. Pinangaral ni Jesus na malapit nang maghari ang Diyos. Pinagaling ni Jesus ang mga maysakit, ang mga ketongin, Binuhay ni Jesus ang mga patay, at pinalayas niya ang mga demonyo. Sa madaling salita, ang sinasabi ni Jesus sa kanyang mga alagad ay "Gawin ninyo ang mga ginagawa ko."

Ito ay paanyaya hindi lamang sa mga apostol kundi para sa ating lahat. Gawin natin ang ginawa ni Jesus. Tumulad tayo sa kanya. Gayahin natin siya.

Dati merong nausong bracelet na may nakalagay na WWJD. Ano ang ibig sabin ng WWJD? What Would Jesus Do? Ano ang gagawin ni Jesus? Kung si Jesus ang humaharap sa hinaharap natin ano ang gagawin niya? Mahalagang tanong ito para sa mga Kristiyano, dahil sa pamamagitan nito matutularan natin si Jesus, magagawa natin ang ginawa ng Panginoon.

Ngayon ay araw ng mga tatay. Maganda paalala ito sa mga tatay ng tahanan - gawin kung anong ginawa ni Jesus. Ang pamilya ay tinatawag nating simbahang tahanan o "domestic church." Ang pamilya ay isang munting simbahan. Ang paanyaya sa mga tatay ay gawin kung anong ginawa ni Jesus. Maging "Jesus" sa kanyang pamilya. Magpagaling ng mga nasaktang damdamin. Buhayin ang namamatay na pag-asa. Palayasin ang kasalanan at kasamaan.

Ito ay paanyaya hindi lamang sa mga tatay kundi para sa lahat ng Krisityano. Tularan si Jesus. Gayahin ang kanyang halimbawa. Gawin kung ano ang ginawa ng Panginoon.

Kung si Jesus ang nasa katayuan natin ano kaya ang gagawin niya? Ganun din ba ang gagawin natin?

Ang Pangarap na Paghahari ng Diyos

11th Sunday, Ordinary Time, Fathers' Day

Accontant po ang tatay ko. Pero kapag tinatanong siya kung ano ang trabaho niya lagi niyang sinasabi driver siya. Totoo naman yun, kasi nung maliit ako lagi kaming may pampasaherong jeep na pinapapasada sa ibang driver. At kapag wala siyang masyadong trabaho sa pag-audit, tatay ko mismo ang nagdra-drive ng jeep. At palagay ko mas mahal niya ang pagmamaneho kaysa sa trabaho niya sa opisina, kasi lagi niyang kinukuwento sa amin na bata pa siya pangarap na niyang magkaroon ng sasakyan. Hindi sila mayaman, kaya ang laging tanong sa kanya ng mga nakakarinig nito ay kung paano siya makakabili ng sasakyan. At ang laging sagot daw ng tatay ko, “Basta ang alam ko ang pangarap napag-iipunan.”

1972 kinasal ang nanay at tatay ko. 1973 ako ipinanganak. 1977 ng naka-ipon na sila, apat na taon ako, tatlong taon ang sumunod sa akin, hindi pa pinapanganak ang bunso namin, natupad ang pangarap ng tatay ko, nakabili siya ng jeep. At simula nun hindi na kami nawalan ng sasakyan.

Dahil sa tatay ko natuto po akong mangarap, at lagi kong sinasabi sa sarili ko, “Ang pangarap napag-iipunan.”

Sa ebanghelyo ngayon pinangalanan ni Jesus ang kanyang mga Apostol, at sa kanila sinabi ang kanyang pangarap. Pangarap ni Jesus na lahat tayo ay makapasok sa kaharian ng Diyos. “Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos.” Kung ang pangarap ay napag-iipunan, ano ang puede nating ipunin para matupad ang pangarap na paghahari ng Diyos?

Mag-ipon ng katapatan sa Diyos.

Sa unang pagbasa sabi ng Panginoon kay Moises – “Kung susundin ninyo ako at hindi at hindi kayo sisira sa pakikipagtipan ko sa inyo, kayo ang magiging bayan kong hinirang.” Alamin ang mga atas ng Panginoon at mamuhay ayon dito.

Mag-ipon ng pasasalamat sa Diyos.

Sabi sa ikalawang pagbasa – “Nagagalak tayo’t nagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo sapagkat dahil sa kanya ay tinaggap tayo ng Diyos na mga kaibigan niya.” Ang magpasalamat sa Diyos ay ang pag-amin ng lubos na pangangailangan natin sa Diyos. At kahit hindi tayo karapat-dapat walang kapantay ang kanyang pagmamahal sa atin.

Mag-ipon ng mabubuting gawa.

Sabi sa ating ebanghelyo – “Yamang tumanggap kayo ng walang bayad magbigay kayo nang walang bayad.” Sa pagmamalasakit at paglilingkod sa kapwa natatanto ang mabubuting bunga ng biyaya ng Diyos.

Sa lahat ng mga tatay, dalangin ko na matupad ninyo ang inyong mga pangarap para sa inyong mga mahal sa buhay. Ngunit higit sa lahat, dalangin ko na sa inyong pamilya ay matupad ang paghahari ng Diyos – isang pangarap na matutupad sa pag-iipon ng katapan, ng pasasalamat at mabubuting gawa.

Thursday, June 12, 2008

PILIPINAS KONG MAHAL

Ngayon ay Araw ng Kalayaan.

Sa paligid-ligid makikita ang sangdamukal na tarpaulin na nagsasabing PILIPINAS KONG MAHAL. Sabi ko sa sarili ko tama nga, kasi dito sa Pilipinas MAHAL ang kuryente, mahal ang tubig, mahal ang gasolina, mahal ang bigas, mahal ang magpagawa ng daan [dahil kinukurakot], mahal magtayo ng poste ng ilaw [dahil binubulsa, remember Cebu?], mahal magpagawa ng school building [kasi ninanakaw]. Dapat siguro ang nakalagay sa tarpaulin PILIPINAS KO, MAHAL!. hehehe...

Sa hirap ng buhay sa Pilipinas me nagmamahal pa ba sa Pilipinas? Sa mahal ng bilihin dito sa Pilipinas may nagmamahal pa ba sa bayan? Siguro puro MURA ang inaabot ng Pilipinas!

Kapag tiningnan mo ang ating bayan, totoong maraming kang makikitang dahilan para panghinaan ng loob, para mawalan ng pag-asa: krisis dito, krisis doon, skandalo dito, skandalo doon, kupit dito, kupit doon, tongpats dito, tongpats doon, at mahabang listahan ng mga bad news. Kaya siguro maraming ayaw na dito sa Pilipinas, nangingibang bansa.

Sa paghahanap ko ng dahilan para patuloy na mahalin ang Pilipinas, hindi ko na kailangan lumayo. Tiningnan ko na lang ang parokya ko [Transfi], ang barangay ko [San Roque], ang mga kapitbahay ko [sa 18th ave., sa Bayanin, sa East Road]. At dito napakaraming butil ng mabubuting gawa at usbong ng pag-asa.

Sa totoo lang, sa mga problema ng bayan, marami sa atin wala namang diretsahang magagawa. Pero sa mga taung nakapaligid sa atin, sa ating pamilya, sa ating kapitbahayan, sa ating barangay, sa ating parokya, sa pamayanan kung saan tayo gumigising araw-araw at humihimlay gabi-gabi, meron tayong magagawa, meron tayong maibibigay, meron tayong responsibilidad.

Para sa akin ang ibig sabihin ng PILIPINAS KONG MAHAL ay pamilya kong mahal, kapitbahay kong mahal, pamayanan kong mahal, barangay kong mahal, parokya kong mahal. At sa awa ng Diyos, ang pagmamahal na ito ay uusbong at lalago para yakapin ang buong bayang Pilipinas.

To love the country we do not have to dream big as big as the sum of the 7,100 islands in the archipelago. What we need is to dream big for small communities - the family, the neighborhood, the barangay, the community and the parish. What we need today are not big dream, but small initiatives done with a big heart.

Saturday, June 7, 2008

HANDA KA NA BA?

10th Sunday in Ordinary Time, Year A

Nang sinabi ni Jesus kay Mateo, “Sumunod ka sa akin.” Agad-agad, iniwan ni Mateo ang lahat at sumunod kay Jesus. Samantalang ang mga Pariseo ilang beses nang sinabihan ni Jesus, ilang beses nang pinangaralan ni Jesus, ilang beses nang sinagot ni Jesus ang kanilang mga tanong, hanggang sa kahulihan hindi pa rin naniwala kay Jesus; hindi pa rin sumunod sa kanya. Bakit? Anung meron si Mateo na wala ang mga Eskriba at Pariseo.

Isang bagay lang – kahandaang magbago. Si Mateo sumunod kaagad kay Jesus dahil handa siyang magbago; handa siyang iwan ang makasalanang trabaho ng isang publikano; handa siyang makinig; handa siyang maghandap ng bagong landas, ng bagong buhay. Samantalang ang mga Parieseo, marahil dahil sila ay nasa pusisyon ng kapangyarihan, dahil sila ay tinitingala at hinagangaan, dahil kumportable ang kanilang kalagayan, hindi sila handang magbago. Hindi sila handang tumaggap ng bagong pananaw, ng bagong pagtingin, ng bagong pamumuhay.

Saying “yes” to follow Jesus means conversion, means giving up something for the Lord. The Pharisees were not ready to give up their position and power and so they were not able to say “yes.” Matthew was ready and he gave up everything, but gained everything by following Jesus. We cannot say “yes” to follow Jesus if we are not ready to get out of our comfort zones.

Handa ka na bang magbago?

Handa ka na bang magsakripisyo?

Handa ka na bang sumunod kay Kristo?

Sunday, June 1, 2008

Sa Buhangin o

Bahay na nakatayo sa buhangin o bahay na nakatayo sa bato? Alin ang mas matibay? Yan ang paksa ng ebanghelyo sa araw na ito. Hindi magigiba ng anumang unos o sakuna ang bahay na matibay na nakatayo sa bato! At sa buhay ng tao, ang batong ito ay ang pakikinig sa salita ng Diyos at pagsasabuhay nito. Ito ang matibay na pundasyon ng isang Kristiyano.

Nitong nakaraang linggo tatlong patay ay aking minisahan. Pagkatapos ng misa, laging may kainan kasama ang mga naulila. Laging may kasamang kuwentuhan tungkol sa namatay. Pinagkukuwentuhan ba kung gaano karami ang pera ng namatay? Kung gaano karami ang kotse? Kung gaano kalawak ang kapangyarihan? Kung gaano kasikat? HINDI! Ang pinagkukuwentuhan ay kung gaano kabait ang namatay? Kung gaano karami ang natulungan, ang napaglingkuran. Kung gaano niya kamahal ang kanyang pamilya. Bakit? Kasi ang mga ito ang matibay na pundasyon ng ating buhay - ang mga kabutihang nagmumula sa kalooban ng Diyos. Ang pakikinig sa Kanyang salita at pagsasabuhay nito, Ito ang batong tayuan ng matibay na bahay. Ito ang pundasyon ng pananampalatayang buhay.

Magandang suriin natin ang ating sarili: saan ba nakatayo ang buhay natin? sa buhangin o sa bato?