"Therefore, do and observe all things whatsoever they tell you, but do not follow their example."
Para sa isang pinuno, o magulang, o sinumang nakatatanda, ito na marahil ang mga salitang talagan masakit sa kalooban. Ang pagsabihang hindi natin ginagawa ang ating sinasabi. Pinapaalala sa atin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng salita at ng gawa. This process of putting into congruence what we say and what we do is what we call INTEGRATION.
Sana po ang dami ng "Aba ginoong Maria" kapagnagdarasal ng rosario ay kasing-dami din ng mga mabubuting bagay na ginagawa natin sa kapwa. Sana ang lakas ng pagsagot at pagkanta natin sa loob ng misa ay maging lakas natin sa araw-araw upang huwag malayo kay Kristo. Sana ang galing natin sa pagtupad ng ating mga tungkulin ay maging galing natin sa pagpapatawad at paglilingkod.
We are all reminded that faith in Jesus cannot be satisfied by words alone. Every vision-mission statement, every exegisis about the scriptures, is dependent on the way that that they are implemented. Let us pray for the gift of INTEGRITY.