Ito ang tema ng ika-26 na taong Kapistahan ng ating parokya. Ating pagninilayan ang isang mahalagang aspeto ng Eukaristiya. Alam na nating lahat ito. Narinig na natin, pero kailangan ulit-ulitin para magkatotoo. Para sa isang Kristiyanong seryosong nagsisikap mabuhay bilang Kristiyano, ang gabay ay matatagpuan sa Eukaristiya. Ang ginagawa natin sa Eukaristiya ay dapat ginagawa din natin sa buhay. Ang hiwaga ng misa ay hiwaga ng ating buhay.
Marami tayong puedeng matutunan sa Eukaristiya. Heto ang tatlong halimbawa:
Marami tayong puedeng matutunan sa Eukaristiya. Heto ang tatlong halimbawa:
1. Pagsasama-sama at Pagkakaisa
Ang Eukaristiya ay isang pagdiriwang: pagdiriwang ng kaligtasang dulot ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. Hindi natural ang magdiwang mag-isa, laging may kapwang kasama. Kaya’t sa tuwing magsisimba dapat maging handang makisama at makiisa. Sa Eukaristiya, nagsasama-sama ang mga taong iba’t iba ang pinanggalingan, katayuan sa buhay, pagsubok na hinaharap, kahilingang ipinagdarasal sa Diyos, pero nagkakaisa ang puso’t damdamin sa pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ganyan din sa buhay. Sa loob ng isang pamilya, iba-ibang gusto pero iisa sa pagmamahalan at pagtutulungan. Sa loob ng parokya, iba-ibang uri ng paglilingkod subalit iisa sa pagtatalaga ng sarili sa Diyos. Ang pagsasama-sama at pagkakaisa sa Eukaristiya ay hamon sa pagsasama-sama at pagkakaisa sa buhay ng pamilya, parokya, barangay, o kapit-bahayan.
2. Pakikinig
2. Pakikinig
Ang pagdiriwang ng Eukaristiya ay pagdiriwang sa salita; maraming sinasabi (tulad ng pagbasa, sermon, mga dasat, etc.). Ang mga salitang ito ay mamumunga lamang kung pakikinggan. Para silang ibong patay na lumagpak sa lupa kung hindi pakikinggan. Ganyan din sa buhay. Kung walang makikinig sa hinaing ng mga mahihirap, walang tutulong sa kanila. Kung walang makikinig sa nangnangailangan ng pagkalinga, walang magmamahal sa kanila. Kung walang makikinig, walang makakaintindi, walang susunod, at walang kikilos. Ang pakikinig nsa misa ay dapat magpatalas ng tenga sa buhay ng Kristiyano.
3. Pagbibigay
3. Pagbibigay
Sa Eukaristiya ibinibigay ng Diyos ang kanyang salita, ang mabuting balita, at higit sa lahat, ibinibigay ni Hesus ang kanyang sarili, ang kanyang katawan at dugo. At inaasahan ang ating pagbibigay sa Diyos sa pamamagitan ng ating pakikinig, pagsagot, pagintindi, pagkanta, at iba pa. Sa Misa binibigyan tayo ng Diyos, at nagbibigay tayo sa Diyos. Ganyan din sa buhay – minsan tayo ang binibigyan; minsan tayo ang nagbibigay. Hindi maaring tayo na lang ang laging binibigyan. Kailangan matuto tayong magbigay.
Tatlo lang po ito sa maraming puedeng matutunan sa Eukaristiya na gagabay sa ating buhay Kristiyano. Sikapin po nating makadalo sa bawat araw ng ating nobena, at pagnilayan ang bawat tema. Sa Eukaristiya matatagpuan ang mga halimbawang dapat sundan.
Isang mapagpalang piyesta po sa ating lahat!
Tatlo lang po ito sa maraming puedeng matutunan sa Eukaristiya na gagabay sa ating buhay Kristiyano. Sikapin po nating makadalo sa bawat araw ng ating nobena, at pagnilayan ang bawat tema. Sa Eukaristiya matatagpuan ang mga halimbawang dapat sundan.
Isang mapagpalang piyesta po sa ating lahat!