Sunday, October 10, 2010

More than a prayer of thanksgiving...


28th Sunday in Ordinary Time

Ten lepers approached the Lord. All ten were healed from their leprosy but only one came back to offer gratitude and praise. Jesus made him an example for all.

Gratitude is a very important attitude for all of us. Gratitude is the only appropriate disposition we can have before the Lord. What does it mean to be truly grateful to God?

As a sign of our gratitude to God we can choose to offer a prayer of thanks, or a mass of thanksgiving or even a part of our treasure but ultimately what God wants is an offering of ourselves.

In the first reading, Naaman was healed from his leprosy by taking a bath in the river Jordan. Gratefully Naaman offered gifts to Elisha but Elisha rejected them. So Naaman promised, “I will no longer offer holocaust or sacrifice to any other god except the Lord.” Naaman understood that it was not gifts that Elisha wanted but his profession of faith, his very life.

And so, during the offertory of the mass when we offer money for the collections we do not only offer money but our offering invites us ultimately to offer ourselves. Kitang-kita ang paanyayang ito kapag nagmimisa sa barrio, lalu na sa liblib na lugar. Pagdating ng pag-aalay, yung magbababoy ang alay, baboy. Yung magmamanok ang alay, manok. Yung magugulay ang alay, gulay. Malinaw na malinaw na ang kanilang alay ay simbulo ng kanilang sarili.

Being grateful to God entails more than our prayers of thanksgiving, more than the offering of what we have. Genuine gratitude to God demands an offering of ourselves, a surrendering of our time, talent and treasure for selfless service, a profession of faith to a generous God.

Tuesday, September 28, 2010

Pilipino, kaya mong maging santo!

Memorial of San Lorenzo Ruiz and Companion Martyrs

Ang Pilipinas ang kaisa-isang Katolikong bansa sa Asya. Yan ang sinabi ni Pope John Paul II nung dumalaw siya sa Piipinas noon 1995.  Yan din ang ating ipinagmamalaki. Kaya lang may bahid ang pananampalatatayang ito dahil sa buong mundo isa ang Pilipinas sa itinuturing na pinaka-corrupt na bansa. How ironic that the only Catholic nation is Asia is also one of the most corrupt country in the world.

Hanggang kelan tayo mananatiling ganito? Patakaran na nga ba talaga ang pandurugas at paglalagay para umusad ang mga proseso ng gobyerno? Hindi na nga ba mawawala ang kahirapan? Maiiwan at maiiwan na lang ba tayo ng mga kapitbahay nating bansa? Wala na ba talagang pag-asang magbago?

Sa kapistahan ng isang Santong Pilipino, si San Lorenzo ng Maynila, pinapaalala sa ating lahat na walang imposible sa biyaya ng Diyos. Sa pagdiriwang natin ngayon tila baga sinasabi sa atin ni San Lorenzo, “Kung nakaya ko kaya nyo rin. Pilipino, kaya mong maging santo.” Pilipino, kaya mong magbago. Tulad ni San Lorenzo, kaya mong ialay ang iyong buhay para sa Diyos. Kaya mong maging tapat at matuwid. Kaya mong ibigay ang lahat para sa mabuti. Kaya mong magsakripisyo para sa tama. Kaya mong panindigan kung ano ang totoo. Pilipino, kaya mong magbago. Pilipino, kaya mong maging santo.

San Lorenzo, ipanalangin mo kami. Ipanalangin mo ang lahat ng Pilipino. Ipanalangin mo ang Pilipinas. Ipanalangin mong pangatawanan namin ang aming pananampalataya upang tulad mo maranasan namin ang tagumpay ng pagpapala ng Diyos.

Let us not be indifferent.

26th Sunday, Ordinary Time

What was wrong with the rich man in the gospel today? Why was he sent to the netherworld where he was in torment? What was his sin? Is it a sin to be rich? Is it a sin to be wealthy?

We all know that wealth per se is not bad. It is not a sin to be rich. But to be blind to the poverty of others because one is rich, to be blind to the misery of a neighbor because one is comfortable, to be blind to the deprivation of others because one is abundant that is a sin. Riches, comfort and abundance can make one self-centered and unconcerned. Dahil masagana, mayaman at komportable, wala nang pakialam sa kapos, sa mahirap at sa nangangailangan. Pero hindi lang mayaman ang puedeng maging bulag. Lahat tayo, mayaman o mahirap, kailangan nating magbantay baka manhid na tayo sa pangangailangan ng ating kapwa, baka wala na tayong pakialam.

Today is the anniversary of the sad tragedy that the typhoon “Ondoy” brought to us. Many lives have been devastated by this tragedy that until today, one year after the disaster, many are still striving to build their lives.  If there is one lesson that we should learn from “Ondoy” that is indifference to nature means destruction to all of us. It is our tragedy not to be concerned and considerate of our environment. We have to be convinced that to take care of the environment is to take care of ourselves. If this is true in terms of the environment, so much more when talk about out relationship with our neighbor: to take care of the weak, to take care of the miserable, to take care of the needy around us is to take care of ourselves. This is the message of the gospel today. Kailangan nating matutunan na ang kawalan ng pakialam sa mga kapos, sa mahirap at nangangailangan ay trahedya para sa ating pananampalataya, isang trahedya para sa ating pagiging tunay na Kristiyano.

Let us not be indifferent. Let us not be unconcerned. Let us not be apathetic to the needs that exist around us because to do so is to invite our ruinous denouement. 

Tuesday, September 7, 2010

Will you?


Will you be my hand
to share, to serve, to give
caress the wounded, the sick
comfort the weak

Will you be my eyes
to see, to search, to recognize
seething pain and poverty
bringer of justice and peace

Will you be my feet
to go, to journey, to reach out
seek the lost, the strayed
light along the way

Will you be my tongue
to speak, to teach, to inspire
enflame the mind, the heart
commitment and service, begot

Will you be my arms
to support, to protect, to embrace
uplift the lowly, the down-trodden
ease the burden

Will you be my heart
to forgive, to accept, to save
throbbing for love, for union
hungry for reconciliation

Will you be me
my life, my will, my fidelity
my presence, my servant, my priest

11 years in the priesthood... Happy Birthday, Mama Mary! Thank you, Lord!

Saturday, September 4, 2010

The Dangers of Possessions

23rd Sunday in Ordinary Time

Jesus said, “Everyone of you who does not renounce all his possessions cannot be my disciple.”

Possessions when shared and used according to the will of God are good. But when we allow our possessions to possess us, then possessions become dangerous. The words of Jesus in the gospel today remind us of the dangers that possessions can bring.

1. Possessions can give us false security.

When one has everything one needs, one feels safe, secured. One is not in want. One is not in need. One is self-sufficient. One is independent. But like every material thing, this security is fleeting. This security does not last. This security can be gone with a flick of a finger; an unfortunate accident, or theft, or unexpected loss. Possessions will not always be with us. They cannot be with us beyond the grave. Happiness does not necessarily come with wealth. Contentment does not automatically come with abundance. No amount of material riches can secure for us eternal life.

2. Selfishly holding on to material possessions can isolate a person from God and from the community.

An abundance of possessions would need an amount of defending. And so comes gated homes, high rise walls, security guards, cctv’s, sniffing dogs, guns and more defensive barriers that block off possibilities for relationship, community life and interaction. Material wealth makes one believe that one needs nobody, not even the Lord. Material possessions make one distrust other people who seemed out to get what one has. Possessions can make one alone, isolated and lonesome.

My dear friends, there is bad news and good news here. The bad news is no one is exempted in facing these dangers. These dangers are all around us. But the good news is we can overcome them. We can fight them. We can win over them by looking at our possessions as gifts and graces from the Lord and using them according to his will.

Sa madaling sabi, huwag hayaang maghari-harian ang inyong ari-arian. Tayo ang may-ari. Kaya’t gamitin natin sa paraang makakabuti sa atin, sa paraang ayon sa kalooban ng Diyos.

Monday, August 23, 2010

Hindi lahat ng madali ay mabuti.

21st Sunday, Ordinary Time

Kung papipiliin ko kayo: mahirap na daan o madaling daan? Sigurado ako pipiliin ninyo ang madaling daan. Kung papipiliin ko kayo: maluwag na daan o makipot na daan? Sigurado ako pipiliin ninyo ang maluwag na daan. Natural sa atin na piliin kung ano ang madali. Maging sa gawain man o sa pagpapasya sa buhay. Natural sa atin na maghanap ng short cut para mapabilis. Para hindi na mahirapan. Pero may paalala si Jesus sa ating ebanghelyo ngayon. Sabi niya, “Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na daan. Sinasabi ko sa inyo marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makpapasok.” Hindi lahat ng madali ay mabuti. Easy is not always good.

Noong August 10 namatay ang isang paring malalim ang naging papel sa aking pagkapari - si Fr. Albert Meerschaert. Si Fr. Albert ay isang Belgian CICM missionary. Una siyang naging misyonero sa China. Nung naging malakas ang communist revolution pinatalsik mula sa China ang lahat ng mga misyonero. Kaya noong 1947 napunta siya ng Pilipinas. Naglingkod una sa Bayombong, Nueva Viscaya. Tapos pinadala sa Lipa, Batangas. Noong 1953 inilagay sa San Carlos Seminary sa Makati. Sa seminaryo, si Fr. Albert ay naging rector, prefect of discipline, professor, pero higit sa lahat spiritual director at confessor sa mga seminarista at sa mga pari’t obispong patuloy na bumabalik sa kanya. Hanggang magretiro siya noong 2004. Hindi na umuwi sa Belgium. Piniling manatili dito sa Pilipinas. Hanggang magkasakit at mamatay nitong August 10. Si Fr. Albert ay 95 years old; 51 years sa seminary; 71 years sa pagkapari. Fr. Albert was God’s grace to us.

Para sa akin si Fr. Albert ang halimbawa ng pagtahak sa makipot na daan. Kung pinili lang niya ang madali at maluwag na daan, hindi sana niya iniwan ang mayamang Europa para maging misyonero dito sa Pilipinas. Kung pinili lang ni Fr. Albert ang madali at maluwag na daan hindi sana siya nagtiyaga ng 51 taong paglilingkod sa iisang lugar lamang. Bagkus pinili ni Fr. Albert ang malayo sa kanyang sinilangang bayan; pinili ang maglingkod sa isang maliit na bansang Pilipinas; pinili ang magturo sa mga seminarista, magpayo at magpakumpisal.

Noong August 16 nagalay ng misa sa San Carlos Seminary para kay Fr. Albert. Napakarami naming paring dumating. Napakaraming monsignor. Merong mga obispo. Meron ding arsobispo. At lahat kami iisa lang ang laman ng puso - pasasalamat. Salamat dahil may isang taong hindi pinili ang madali at maluwag na daan. Salamat dahil may isang taong pinili ang makipot na daan ng pagsasakripisyo, paglilingkod at pagtiyatiyaga hanggang wakas. Fr. Albert chose the “narrow gate” of sacrifice, service and perseverance.

Mga kapatid, wala pong masama kung maghanap tayo ng mga paraan para maging madali at maginhawa ang ating buhay. Pero tandaan po natin na hindi lahat ng madali ay mabuti, dahil hindi lahat ng hirap ay masama. Ang hirap na dulot ng pagsasakripisyo dahil sa pagmamahal, ang hirap na dala ng wagas na paglilingkod at ang hirap na kasama ng pagityatiyaga upang maging tapat hanggang wakas ay mga hirap na magdudulot ng katuparan ng kabutihang loob ng Diyos sa atin at sa ating mga mahal sa buhay.

San Roque, Patron of the Barangay

When he was 20 years old San Roque undertook a pilgrimage to Rome. And while in Italy he faced the harsh reality of a plague. There he took care of the infected and cured many of them until he himself caught the disease.

Then as today, pilgrimages were done as a sign of penitence, or asking for a particular favor from God. In other words with pilgrimages come blessings and graces. But in the case of San Roque, his pilgrimage to Rome brought him disease. In seeking for grace, San Roque found illness. What a disheartening journey it could have been for San Roque.

Yet in the mysterious ways of God, it was precisely in San Roque’s care for the sick that made him unwell, that he found his mission. It was in giving himself totally to the sick unmoved by the possibility of getting inflicted himself that Roque became San Roque. There he found holiness; he found sainthood.

It is an unfortunate fact that many people lost their faith because of illness. Being afflicted by disease, especially when sudden and/or terminal, has caused many people to get angry with God, to turn away from the church and to give up prayer altogether. San Roque is a witness to the contrary. We may not fully understand the mystery of sickness in our won lives and in the lives of our loved ones but its power can never be greater than the unconditional love of God. Mysterious too are the ways of the Lord.

We ask the intercession of San Roque, that as we face the finitude of our bodies brought about by illness and disease, we may continue to hold on to the infinite love of the Father; that as we struggle with the limitations of human life we may find consolation and strength in the limitless bounds of eternal life. Amen.

Saturday, June 26, 2010

Oo na.

13th Sunday, Ordinary Time


If we do not know how to say NO, half-done is our YES to God. Kung hindi tayo marunong humindi, hindi kumpleto ang oo natin sa Diyos.

Lahat po tayo ay inaanyayahang sumunod sa Diyos. Makinig sa kanyang salita at isabuhay ang kanyang mga utos. At kapag sumang-ayon tayo sa paanyayang ito kailangan nating humindi sa mga bagay-bagay, kahit sa mga taong pipigil sa atin sa landas na ito.

Nung sumagot ako ng oo sa Diyos na magpari, kasabay nun ay ang paghindi sa pag-aasawa at sa pagkakaroon ng sariling pamilya. Hindi dahil mahirap ang may asawa. Hindi dahil ayaw kong magkaroon ng sariling pamilya. Hindi dahil napag-iwanan na ako ng panahon. Bagkus, magiging ganap lamang oo sa pagkapari kung hihindi sa pag-aasawa at sa sariling pamilya.

Nung sumagot ako ng oo sa paanyaya ni Cardinal Sin na maging parish priest ako sa kauna-unahang pagkakataon halos sampung taon na ang nakalilipas, kailangan kong humindi sa pag-aaral sa Roma. Hindi dahil ayaw kong mag-aral sa ibang bansa. Gusto ko nga eh. Kaya lang, kailangan kong humindi upang matupad ang nais ng Diyos para sa akin.

We need to learn to say no firmly if we want our yes to God to be full. Sometimes we are saying no to something good, but we still say no because saying yes to God is better, actually it’s the best.

Mga kapatid, sabi ni Hesus sa ebanghelyo ngayon, “Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.” Ang sinumang mag-oo sa Diyos at hindi marunong humindi sa mga hindi maka-Diyos ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos. Huwag ng magpaikot-ikot. Huwag ng pagpaligoyligoy. Huwag ng lumingon-lingon. Huwag ng magdalawang isip. Huwag matakot. Dinggin ang paanyaya ni Hesus. Oo na. Sumunod na sa kanya.

Saturday, June 12, 2010

Pasasalamat at Paglilingkod

11th Sunday, Ordinary Time

There are numerous ways to express gratitude. Maraming paraan ng pagpapasalamat. Ang pinakamadalas nating ginagawa ay ang magsabi na tayo ay nagpapasalamat. Sa mga hindi makapagsabi, isinusulat; nagpapadala ng thank you card o ng thank you letter. Yung iba naman nagbibigay ng tribute o parangal bilang pasasalamat o nagbibigay ng regalo. Nung kami ay nasa Fatima, nagpunta kami sa isang museum kung saan naka display ang lahat ng mga iba’t ibang regaling pinadala sa Fatima bilang tanda ng pasasalamat. Merong korona, singsing, kwintas, rosaryo, kalis, monstrance at marami pang iba. At sabi sa amin marami pa raw ang nakatago sa bodega.

Sa ebanghelyo natin ngayon, nakita natin ang isang mahalagang paraan ng pagpapasalamat. Habang nasa isang salu-salo si Hesus, isang babae ang lumapit sa kanyang paa. Hinugasan ito ng kanyang luha. Pinunasan ng kanang buhok. Hinalikan at binuhusan ng pabango. Ito ay tanda ng malaking pasasalamat dahil sa pagpapatawad para sa isang malaking pagkakasala – pasasalamat sa pamamagitan ng paghuhugas ng paa. Alam natin na hinugasan din ni Hesus ang paa ng kanyang mga alagad. At sa pagkakataong iyon nalaman natin na ang paghuhugas ng paa ay isang paanyaya na maglingkod tulad ng paglilingkod ni Hesus. Kaya ang paghuhugas ng paa ni Hesus sa ebanghelyo ngayon ay isang pasasalamat ng babae sa pamamagitan ng paglilingkod.

Mga kapatid, ilang beses man nating sabihin sa Diyos ang pasasalamat natin, osna tanda ng pasasalamat natin sa Diyos ay ang buong pusong paglilingkod sa Diyos, buong pusong paglalaan ng oras, ng kakayahan, kahit ari-arian para sa Diyos.

Idalangin natin sa Diyos na ang ating pasasalamat ay umusbong sa paglilingkod at ang ating paglilingkod ay pagtibayin ng ating pasasalamat. Amen.

Sunday, March 14, 2010

A robe, a ring and a pair of sandals

A fine robe, a ring and a pair of sandals. These were the things the father gave his repentant son upon returning from wasting his life and what he had. These also represents what God offers us when we open our hearts to his boundless mercy and take seriously the path of conversion.

The robe clothes us with the power of God. Sin weakens us. Sin weakens our will to turn away from it, to choose what is right, what is true, what is good. Sin make us content of living in sin, on the mediocrity of accepting that we can never be out of the clutches of sin. God’s mercy empowers us. His mantle of grace is our strength to burst out from the chains of sin and bad habit in order to choose what is good and right according to the will of God.

The ring celebrates our identity. Sin blinds us. Sin makes our vision selective and limited. We only see ourselves, what we want, what gives us pleasure, comfort, convenience, gratification. We forget who we really are in the eyes of God. The ring reminds us who we really are before God – that we are sons and daughters of God. We are not slaves of sin, nor legions of evil. We do not walk in darkness. Rather, we are children of the light. We are God’s beloved children.

The sandals bring back direction. Sin makes us loose our way. It leads us astray. By putting on sandals, God returns us to the right direction and guide us on the way the leads to him.

These are what awaits us in the bosom of the Father - to be robed with God’s power, ringed with our divine childhood and sandaled with direction on the right path.

The Father waits… ready to run with a forgiving embrace and an accepting kiss. Come!

Sunday, February 14, 2010

Mapalad

6th Sunday, Ord. Time, Cycle C

Mapalad ang mga dukha! Mapalad ang mga nagugutom! Mapalad ang mga tumatangis! Mapalad ang mga ipinagtatabuhayn, kinapopootan at inaalimura! Mga kataka-takang salita mula kay Jesus sa ebanghelyo ngayon. Hindi madaling maintindihan.

Paano naging mapalad ang mga dukha? ang tumatangis o nalulungkod? Paano naging mapalad ang gutom? ang itinataboy, o kipopootan, o inaalimura? Ang mga ito ang ang ayaw natin, ang iniiwasan natin, hangga’t maari. Sino ba ang may gusto maging mahirap? Ang magutom? Sino ba ang may gustong malungkot? Ang ipagtabuyan, o kapootan, o alimurain? Wala naman. Ayaw natin dyan sa mga iyan.

Pero ang paala-ala sa atin ni Jesus, kahit sa gitna ng mga pagsubok na ito, kahit sa pinakamabigat na suliranin o pinakamalaking problema, may pagpapala pa rin kung may pananalig sa Diyos. Sa gitna ng kahirapan, ng gutom, ng kalungkutan, ng poot, may biyaya pa rin kung umaasa pa rin sa Diyos. Dahil ang kaligayahan at biyayang nagmumula sa Diyos hindi kayang nakawin ng kahit na anung hirap at pagsubok.

Of course, one can be happy by being rich, satisfied, fulfilled, having no enemies and enjoying a good reputation. But without God, this happiness is skin deep, fleeting, temporary. Only with God can there be lasting happiness that no poverty, no grief, no hunger, no hatred, no slander or bad name can upset.

The Cost of Awesome

New Zealand is, as they say it down there, awesome! Here's why in my opinion. The quarantine is strict. All food, camping gears and wood items have to be declared (mahirap na nga naman baka mapasukan sila ng peste at maapektuhan ang kanilang mga baka at tupa). They check baggages thoroughly (mukhang totohanan, hindi kunwakunwari lang). Light traffic always (as in always, ang heavy traffic sa kanila, maluwag sa atin hehe). It’s quiet. It’s clean. Less population (4 M sa buong NZ; eh dito sa Metro Manila pa lang 12 M tayo). Less cars on the streets. Strict traffic rules. No blowing of horns. Implemented speed limits.

Summer is sunny there but with cool breeze; comfortable. Dense forests. Rolling hills. Clean streams. Running rivers. Liveable cities. Amazing lakes. Numerous, huge parks. Never ending horizon. Amazing long white cloud. Photogenic view, 360 degrees. Managed logging. Mouth watering lamb chops. Heavenly steaks. Cadbury ice cream. Fresh strawberry ice cream. Juicy cherries and berries.

Low-profile politicians (mangayari kaya yan sa Pinas, hay). Vibrant community of Filipinos. Supportive “super” friends. Subsidized education. Effective public health care. Well maintained public utilities. Family friendly picnic and rest stops. Less high rise buildings (kasi daw matatabingan ang view, wow). Reward for hard work. Great future for the family, for the children.

At what cost? Leaving one’s motherland; the land of one’s birth and childhood, of family and friends; the comfort of memories, of familiar voices and faces.

Setting aside the land of lechon, kare-kare and bistek; the land of talangka, alupihang dagat and suwahe; the land of chicharong bulaklak, kwek-kwek, balut and one day old chick; the land of turo-turo, buy one take one burger and Jollibee; the land of ukay-ukay, Greenhills, Quiapo and SM.

Leaving behind the land of "kamusta na," "saan punta," and "mauna na ko" (or the English equivalent “I’ll go ahead”, tayo lang ata nagsasabi nun); the land of “mano po,” of “po” and “opo.”

Saying goodbye to the land of Senor Nazareno, Sto. Nino, Simbang Gabi, of holding hands while singing the Ama Namin.

Sacrifice is the cost. For the fulfillment of a personal dream. For prosperity. For advancement. For development. For the money. For a change in environment. For a new perspective. For escape. For comfort. For peace and quiet. For the family. For a brother. For a sister. For Inang. For Amang. For the children. For something that every Filipino should have but Pinas cannot offer. For a better life. For a new lease in life.

Sa Macapagal family, sa “super friends,” sa lahat ng Pilipinong nakilala ko sa New Zealand, “the land of the long white cloud,” saludo po ako sa inyo. Maganda nga ang buhay dyan, pero hindi madali! God be with you always!

Saturday, January 2, 2010

Ang Bituin sa Paglalakbay

Solemnity of the Epiphany of Our Lord
January 3, 2010



Kung babalikan natin ang kuwento ng Pasko may mahahalagang paglalakbay ang nangyari.

Noong Simbang Gabi, narinig natin ang tungkol sa paglalakbay ni Maria at ni Jose. Naglakbay sila patungong Bethlehem. Gabay nila ang pagpapakita ng anghel at ang tinig na nagsabi ng plano ng Diyos para sa kanila.

Noong bisperas naman ng Pasko, narining natin ang tungkol sa paglalakbay ng mga pastol. Naglakbay sila mula sa kanilang pastulan patungong sabsaban kung saan naroon ang Kristo, kasama ni Maria at Jose. Tulad ni Maria at Jose, gabay ng mga pastol ang pagpapakita ng anghel at ang tinig na nagsabi tungkol sa pagdating ng hinihintay nilang tagapagligtas.

Ngayon naman, narinig natin ang tungkol sa paglalakbay ng mga pantas, o ng mga mago, o tinatawag nating Tatlong Hari. Naglakbay sila mula malayong lupain, patungong Bethlehem kung saan natagpuan nila ang isang sanggol sa sabsaban. Gabay nila ang isang maningning na bituin. Walang nagpakitang anghel. Wala ring tinig na nagsabi kung ano ang plano ng Diyos. Ang tanging hawak ng Tatlong Hari ang pananampalataya sa kahulugan ng pagsikat ng isang natatanging bituin.

Sinasabi na ang buhay ng tao ay maituturing na paglalakbay. Kung gayon isang bagong paglalakbay ang ating nasimulan sa pagpasok ng isang bagong taon. At sa paglalakbay natin sa buhay na ito, mas katulad ng sa atin ang paglalakbay ng Tatlong Hari kaysa sa paglalakbay ng mga pastol, ni Maria at Jose. Sa paglalakbay natin wala namang nagpapakita sa ating anghel at wala rin namang tinig na nagsasabi kung ano ang plano ng Diyos sa atin. Pero merong liwanag, merong bituin – ang liwanag na nagmumula sa salita ng Diyos, sa turo ng simbahan at sa biyaya ng mga sakramento. Ito ang nagnining nating bituin.

Huwag po tayo maghanap ng mga anghel na magpapakita sa atin, o maghintay ng tinig na galing sa langit na magsasabi sa atin kung anong gagawin natin. Nasa atin na ang mga bituing magliliwanag sa daan ng ating paglalakbay – ang liwanag ng salita ng Diyos, ang liwanang ng turo ng simbahan, at ang liwanag ng biyaya ng mga sakramento.

This 2010 let us all resolve to love more the word of God. Let us resolve to learn more about the teaching of the Church. Let us resolve to understand and celebrate more meaningfully the sacraments. These are the stars that will illuminate our journey of faith.