11th Sunday, Ordinary Time
There are numerous ways to express gratitude. Maraming paraan ng pagpapasalamat. Ang pinakamadalas nating ginagawa ay ang magsabi na tayo ay nagpapasalamat. Sa mga hindi makapagsabi, isinusulat; nagpapadala ng thank you card o ng thank you letter. Yung iba naman nagbibigay ng tribute o parangal bilang pasasalamat o nagbibigay ng regalo. Nung kami ay nasa Fatima, nagpunta kami sa isang museum kung saan naka display ang lahat ng mga iba’t ibang regaling pinadala sa Fatima bilang tanda ng pasasalamat. Merong korona, singsing, kwintas, rosaryo, kalis, monstrance at marami pang iba. At sabi sa amin marami pa raw ang nakatago sa bodega.
Sa ebanghelyo natin ngayon, nakita natin ang isang mahalagang paraan ng pagpapasalamat. Habang nasa isang salu-salo si Hesus, isang babae ang lumapit sa kanyang paa. Hinugasan ito ng kanyang luha. Pinunasan ng kanang buhok. Hinalikan at binuhusan ng pabango. Ito ay tanda ng malaking pasasalamat dahil sa pagpapatawad para sa isang malaking pagkakasala – pasasalamat sa pamamagitan ng paghuhugas ng paa. Alam natin na hinugasan din ni Hesus ang paa ng kanyang mga alagad. At sa pagkakataong iyon nalaman natin na ang paghuhugas ng paa ay isang paanyaya na maglingkod tulad ng paglilingkod ni Hesus. Kaya ang paghuhugas ng paa ni Hesus sa ebanghelyo ngayon ay isang pasasalamat ng babae sa pamamagitan ng paglilingkod.
Mga kapatid, ilang beses man nating sabihin sa Diyos ang pasasalamat natin, osna tanda ng pasasalamat natin sa Diyos ay ang buong pusong paglilingkod sa Diyos, buong pusong paglalaan ng oras, ng kakayahan, kahit ari-arian para sa Diyos.
Idalangin natin sa Diyos na ang ating pasasalamat ay umusbong sa paglilingkod at ang ating paglilingkod ay pagtibayin ng ating pasasalamat. Amen.