13th Sunday, Ordinary Time
If we do not know how to say NO, half-done is our YES to God. Kung hindi tayo marunong humindi, hindi kumpleto ang oo natin sa Diyos.
Lahat po tayo ay inaanyayahang sumunod sa Diyos. Makinig sa kanyang salita at isabuhay ang kanyang mga utos. At kapag sumang-ayon tayo sa paanyayang ito kailangan nating humindi sa mga bagay-bagay, kahit sa mga taong pipigil sa atin sa landas na ito.
Nung sumagot ako ng oo sa Diyos na magpari, kasabay nun ay ang paghindi sa pag-aasawa at sa pagkakaroon ng sariling pamilya. Hindi dahil mahirap ang may asawa. Hindi dahil ayaw kong magkaroon ng sariling pamilya. Hindi dahil napag-iwanan na ako ng panahon. Bagkus, magiging ganap lamang oo sa pagkapari kung hihindi sa pag-aasawa at sa sariling pamilya.
Nung sumagot ako ng oo sa paanyaya ni Cardinal Sin na maging parish priest ako sa kauna-unahang pagkakataon halos sampung taon na ang nakalilipas, kailangan kong humindi sa pag-aaral sa Roma. Hindi dahil ayaw kong mag-aral sa ibang bansa. Gusto ko nga eh. Kaya lang, kailangan kong humindi upang matupad ang nais ng Diyos para sa akin.
We need to learn to say no firmly if we want our yes to God to be full. Sometimes we are saying no to something good, but we still say no because saying yes to God is better, actually it’s the best.
Mga kapatid, sabi ni Hesus sa ebanghelyo ngayon, “Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.” Ang sinumang mag-oo sa Diyos at hindi marunong humindi sa mga hindi maka-Diyos ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos. Huwag ng magpaikot-ikot. Huwag ng pagpaligoyligoy. Huwag ng lumingon-lingon. Huwag ng magdalawang isip. Huwag matakot. Dinggin ang paanyaya ni Hesus. Oo na. Sumunod na sa kanya.