Sunday, February 14, 2010

Mapalad

6th Sunday, Ord. Time, Cycle C

Mapalad ang mga dukha! Mapalad ang mga nagugutom! Mapalad ang mga tumatangis! Mapalad ang mga ipinagtatabuhayn, kinapopootan at inaalimura! Mga kataka-takang salita mula kay Jesus sa ebanghelyo ngayon. Hindi madaling maintindihan.

Paano naging mapalad ang mga dukha? ang tumatangis o nalulungkod? Paano naging mapalad ang gutom? ang itinataboy, o kipopootan, o inaalimura? Ang mga ito ang ang ayaw natin, ang iniiwasan natin, hangga’t maari. Sino ba ang may gusto maging mahirap? Ang magutom? Sino ba ang may gustong malungkot? Ang ipagtabuyan, o kapootan, o alimurain? Wala naman. Ayaw natin dyan sa mga iyan.

Pero ang paala-ala sa atin ni Jesus, kahit sa gitna ng mga pagsubok na ito, kahit sa pinakamabigat na suliranin o pinakamalaking problema, may pagpapala pa rin kung may pananalig sa Diyos. Sa gitna ng kahirapan, ng gutom, ng kalungkutan, ng poot, may biyaya pa rin kung umaasa pa rin sa Diyos. Dahil ang kaligayahan at biyayang nagmumula sa Diyos hindi kayang nakawin ng kahit na anung hirap at pagsubok.

Of course, one can be happy by being rich, satisfied, fulfilled, having no enemies and enjoying a good reputation. But without God, this happiness is skin deep, fleeting, temporary. Only with God can there be lasting happiness that no poverty, no grief, no hunger, no hatred, no slander or bad name can upset.