December 18, 2009
Si Jose, pangarap bumuo ng isang simpleng pamilya kasama si Maria. Pero buntis is Maria, nagdadalantao. Hindi siya ang tatay. Puede niyang ipagkanulo si Maria dahil sa nangyari, pero minabuti niyang hiwalayan ng tahimik upang hindi mapahiya at hindi maparusahan. Subalit pagkatapos maunawaan kung ano ang plano ng Diyos para sa kanya at kay Maria, tinanggap niya si Maria upang maging kanyang asawa. Isinakripisyo ni Jose ang kanyang plano upang tuparin ang plano ng Diyos. Hindi dahil sa sariling kakayahan ni Jose, kundi dahil kumilos ang Diyos sa kanya. Sakripisyo ang tanda na sumasaatin ang Diyos.
Nitong nakaraang buwan nakilala natin ang isang Efren Penaflorida, siya ang CNN Hero of the Year. Pinili siya mula sa sampung finalists. Tiningnan ko yung sampung finalists ng CNN Hero of the Year. Yung isa ay driver ng bus; araw-araw 9:30 ng gabi pupunta siya sa isang lugar para magpamigay ng pagkain. Yung isa naman ay bartender; nangangalap siya ng pondo sa bar para ipampagawa ng balon o ng poso para sa mga hirap sa malinis na tubig. At ito nga isang ay si Efren Penaflorida na taga-Cavite, meron siyang regular na trabaho bilang teacher, pero kapag Sabado’t Linggo nag-iikot sa mga street children para magturo magbasat at magsulat. Marami pang iba. Puro sila simpleng mamayan, na may simpleng hangarin tumulong, kaya naghanap ng paraan. At hindi nila magagawa ito kung hindi sila marunong magsakripisyo. Imbes na ipagpahinga na yung oras sa gabi, magluluto pa at lalabasa para magpamigay ng pagkain. Imbes na palaguin na lang ang trabaho sa bar para mas lumaki ang kita, iipunin pa para ipampagawa ng poso o balon. Imbes na ipahinga na lang ang Sabado’t Linggo, mag-iikot pa para magturo.
When we hear stories of sacrifices, we feel a kind of lightness in our hearts. Because the ability to sacrifice, the ability to say no to the self in order to say yes to others, is an ability that comes from the grace of God. Sacrifice is a sign that God is with us.
Kung paano ang mga CNN Heroes ay mga simpleng taong piniling magsakripisyo, tayo rin, bawat isa sa atin, gaano man ka ordinaryo, gaano man ka simple may kakayahang magsakripisyo dahil sumasaatin ang Diyos.
Without any effort we can always choose what we want, but when we choose to sacrifice what we want in order to fulfill what God wants, then that is because God is with us. Kaya nating magsakripisyo hindi dahil magaling tayo. Kaya nating magsakripisyo dahil sumasaatin ang Diyos.
May sariling plano si Jose, pero nagsakripisyo para tuparin ang plano ng Diyos dahil sumasakanya ang Diyos. Kaya naman siya ay pinagpala. Tayo rin, kung sumasaatin ang Diyos, sumasaatin din ang kakayahang magsakripisyo, dahil sakripisyo ang tanda na kapiling natin ang Diyos. At tulad ni Jose, tayo rin ay pagpapalain.