Saturday, January 26, 2008

HILING KAY ST. THERESE

When the relic of St. Therese stopped for some minutes in front of the parish, a simple liturgy of the word was held. This is a short exhortation, connecting the visit of the pilgrim relic of St. Therese of the Child Jesus and the newly launched vision-mission statement of the parish. May the intercession of St. Therese bring inspiration to TOLP.

Noong nakaraang January 13, inilunsad natin ang bagong Vision Mission Statement ng ating parokya na nag-aanyaya sa ating lahat na magmahal sa pamamagitan ng paglilingkod. Ngayon ay binista tayo ng mga buto ni St. Therese, ang Santong nakatagpo ng lubos na pagpapala at kabanalan sa pamamagitan ng mga karaniwang paglilingkod na may ‘di-karaniwang pagmamahal. Idalangin natin na sa panalangin at tulong ni St. Therese ay lalung maging matibay ang hangarin natin mamung ng paglilingkod ang ating pagmamahal. Mas maging matibay nawa ang pagmamahalan ng bawat pamilya sa ating parokya. Mas maging dalisay nawa ang pagmamahalan natin bilang isang pamayanan. Mas maging buhay nawa ang aming pananampalataya. Mas maging masigasig nawa tayo sa pagbabahagi ng pag-asa sa kapwa at mas maging masipag sa pagmamalasakit sa mga nangangailangan.

Mahal naming St. Therese, pagmamahal na naglilingkod ang pangarap ng aming parokya , ito nawa ang maging bunga ng pagbisita mo sa amin. Amen.