Ngayong kapistahan ng Sto. Nino itinutuon ang ating atensyon sa mga bata. Malinaw sa ebanghelyo na ang mga bata ay modelo sa pamumuhay natin bilang Kristiyano. Sabi ni Jesus, “Tandaan ninyo ito, kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kay mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang magpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos." [Mateo 18:3-4]
Dalawang tanong ang gusto kong sagutin natin. Una, ano ang puede nating matutunan sa mga bata? Ikalawa, ano ang puede nating matutunan sa mga bata ng ating parokya? sa mga bata ng Transfi?
Unang tanong: ano ang puede nating matutunan sa mga bata?
Sa mga bata matutunan natin na kailangan nila ng gabay, ng tutularan, ng gagayahin, at responsibilidad natin ang magbigay sa kanila ng magandang halimbawa.
Naalala ko yung patalastas dati. Sabi, “Sa mata ng bata, ang mali pagginagawa ng matanda, nagiging tama.” Responsibilidad nating gabayan ang mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng magandang halimbawa sa kanila.
Ikalawang tanong: anu ang puede nating matutunan sa mga bata ng ating parokya?
Ang isang gustong-gusto ko dito sa ating parokya ay ang children’s mass, tuwing alas kwatro ng hapon kapag araw ng Linggo. Kung makakapagsimba kayo sa children’s mass mapapansin ninyo na lahat ng naglilingkod sa misa ya puro bata: lector, commentator, altar server, collector, at choir. Excited silang lahat maglingkod.
May isang magulang na nagkuwento sa akin; kasama sa children’s choir ang kanyang anak. Kuwento niya na kapag Linggo na ng hapon hindi na mapakali ang kanyang anak. Hindi na makapaghintay magpunta sa simbahan. At hindi siya papayag na hindi sila magsimba, dahil paghindi sila nagsimba hindi siya makakakanta. Excited mag-serve.
Kelan tayo huling na-excite magserve? Kelan ka huling na-excite magsimba? Kelan ka huling na-excite dahil tatanggapin mo si Jesus sa banal na komunyon? Sa mga bata ng ating parokya matututunan natin na magkaroon ng gana at sigla sa paglilingkod natin bilang mga Kristiyano.
Oftentimes children bring us joy, but in this feast of the Sto. Nino, the child Jesus, the celebration reminds us that children do not only bring joy to us, but children challenge all of us. Children demand from us that we give them good examples, that we give them heroes, that we give them virtues and values to emulate. The children of our parish challenge us to share in their excitement to serve, so that in this excitement we find life in our faith.
Ang bata ay parang batuta na papalo para matauhan ang matanda at magsimulang magbigay ng mabuting halimbawa, at maging masigla sa pananampalataya.