Noong nakaraang buwan, siguro, napanood niyo sa TV ang Transfi; ang pagkahaba-habang pila ng mga bumibili ng NFA rice. Nabalita kami sa lahat ng channel, kapuso man o kapamilya. Pero bago pa man kami ma-TV halos isang taun nang nagtitinda ng NFA rice ang parokya, pero kakaunti ang bumibili. Mukhang dumami lang yata ang bumibili nung mabalitaan na may media.
May mga nagsasabi na wala naman tayong crisis sa supply ng bigas. Hindi namand daw supply ng bigas ang problema. Ang problema daw ay ang distribution ng supply ng bigas. Sapat ang bigas para sa lahat, pero hindi maayos ang distribution kaya nagkukulang. Marami ang nagtatago ng bigays, marahil dahil gustong mas malaki ang kita, o dahil natatakot maubusan. Hindi maayos ang pagbabahagi ng bigas.
Ngayon ay kapitahan ng Corpus Christi o ang kapistahan ng katawan at dugo ng ating Panginoon; ang katawan at dugo na ibinabahagi sa atin sa tuwing magdiriwang tayo ng misa. Kung merong mahalaga aral ang pagdiriwang ngayon na kailangan na kailangan nating matutunan ay ang aral ng pagbibigay at pagbabahagi. Sa bawat Eukarsitiya na pinagdiriwang natin, patuloy na ibinibigay ni Jesus ang kanyang sarili para sa ating kaligtasan, patuloy niyang ibinabahagi ang kanyang katawan para maging tinapay ng buhay.
Hindi ako naniniwala na may krisis tayo sa supply ng bigas. Pero ang krisis na kinahaharap natin ay ang krisis ng pagiging makasarili, maramot at sakim. Marami ang ayaw magbigay. Marami ang ayaw magbahagi.
Pagdating ng komunyon tatanggapin na naman natin si Jesus, ibibigay na naman ni Jesus ang kanyang sarili, ibabahagi na naman ni Jesus ang kanyang katawan. At tayo ay tatanggap. Tayo handa ba tayong magbigay? Pagkatapos nating magsimba, handa ba tayong mgabigay? Paglabas natin ng simbahan, handa ba tayong magbahagi sa mga nangangailangan?
HIndi puedeng tanggap lang tayo ng tanggap. Hindi puedeng hingi lang tayo ng hingi. Kung paano ibinibigay at ibinabahagi ni Jesus ang kanyang sarili para maging pagkain ng buhay sa tuwing tayo'y magsisimba, bawat isa sa atin ay tinatawag ng magbigay sa nangangailangan at magbahagi kahit ng ating mga sarili.