Dumalaw ako sa ospital kanina. Maysakit si Doc Romy Ignacio, ang coordinating council president ng parokya. Doctor siya sa kidney. Ang sakit niya? Kidney. Mataas ang kanyang createnin. Inoobserbahan kung bababa. Kapag hindi bumaba hanggang bukas, dialysis na.
Habang nagkukuwntuhan kami kanina sabi niya, "Father, masakit pala yung mga pinapagawa ko sa mga pasyente ko." Ilang beses daw siyang kinuhanan ng dugo, at talaga daw masakit. Nagrereklamo na siya. Kapag nakalabas daw siya ng ospital, mas magiging maunawain na siya sa kanyang mga pasyente. Mas magiging sensitive. Sabi ko na naman, compassionate ang tawag dun.
Palagay ko ito ang ibig sabihin ng pagdiriwang ng pagdiriwang ng kapistahan ng Sacred Heart of Jesus. Hindi masusukat ang awa sa atin ng Panginoon, nag-uumapawa ng pangunawa sa atin ng Diyos, walang hanggan ang pagpapatawad sa atin ng Panginoon, kasi, alam niya ang hirap natin. Alam niya ang bigat ng kasalanan. Alam niya ang sugat ng pagiging mahina.
The image of our celebration today is a heart that is wounded, bleeding and has a crown of thorns. But this image brings us compassion. We are forgiven. We are loved. We are given mercy, because our God is a compassionate God. He knows our pains, and he embraces us.
Naiintindihan ng Panginoon ang ating kalagayan, kaya nga siya sumasaatin, hindi para parusahan o bantayan, kundi para tulungan at gabayan. Sabi nga ng ebanghelyo ngayon, "Come to me those who labor and are heavy burndened, and I will give you rest."
Kung sa nanliligaw ang tanda ng pagsinta ay tsokolate at rosas, sa Diyos ang tanda ng pagmamahal ay isang pusong tulad ng sa atin, nagdusa, nagdurugo at sugatan.