Saturday, July 12, 2008

Ang Salita ng Diyos

The liturgy this Sunday presents a beautiful image of the sower, sowing seeds on his field. The gospel tells us that the seed is the word of God, and how much fruti it bears depends on the kind of hearer that receives the word. Ang dami ng bunga ng salita ng Diyos ay depende sa kabukasan ng pusong nakikinig dito.

Anu-ano ba ang biyaya ng salita ng Diyos?

Tatlong bagay. Tatlong "N."

Una, ang salita ng Diyos ay NAGPAPAALALA. The word of God makes us remember. Nagpapaalala ng kabutihang ginawa ng Diyos. Kapag nagbasa o nakinig tayo ng salita ng
Diyos, ipapaalala nito kung paano sinagip sa baha ang byong angkan ni Noah; kung paano hinati ng Diyos ang dagat para makaligtas ang bayang Isreal sa pangunguna ni Moised; kung paano pumili ang Diyos ng mga hari para magpastol sa Israel, kung paano nagsugo ng mga propeta para manguna sa pagbabalik loob sa kanya; kung paano sa takdang panahon isinugo ang bugtong na anak upang iligtas tayo sa kamay ng kamatayan at kasalanan. Pinapapaalala ng salita ng Diyos kung gaano katapat ang Diyos sa kanyang pangakong kaligtasan. Sa salita ng Diyos, hindi tayo makakalimut.

Pangalawa, ang salita ng Diyos NAGBIBIGAY PAG-ASA. The word of God gives hope. Sa muling pagkabuhay ni Kristo, pinalaya tayo laban sa kamatayan at kasalanan. Binibigyan tayo ng pag-asa na gaano man kahirap ang buhay dito sa lupa, para sa mabuti at matuwid ang katapusan ay hindi kasalanan o kamatayan, ang katapusan ay ang pakikiisa sa muling pagkabuhay ni Kristo. Isang pag-asang nagmumula sa pangako ng Panginoon na siya ay babalik upang akayin tayo sa kanyang paroroonan; isang pangakong maraming silid sa tahanan ng Ama, at ito ay inihanda para sa lahat ng nanalig sa kanya; isang pag-asang dulot ng isang bagong langit at bagong lupa. Sa salita ng Diyos, hindi tayo mawawalan ng pag-asa.

Pangatlo, ang salita ng Diyos NAGBIBIGAY LIWANAG. Sa Matandang Tipan matatagpuan natin ang sampung utos ng Diyos. Dito maliwanag kung ano ang kalooban ng Diyos. Sa Bagong Tipan matatagpuan ang atas ni Kristong magmahal. Dito maliwanag kung paano sumunod kay Kristo. Ang salita ng Diyos ang ating tanglaw upang tahakin ang matuwid na landas, ang landas ng pagpapatawad, ng pagmamalasakit, ng pananalig, ng pagtitiwala, ng pagbibigay ng tinapay sa nagugutom, ng tubig sa nauuhaw, ng kalinga sa maysakit. Maliwanag na ito ang kalooban ng Diyos. Sa salita ng Diyos, hindi tayo mangangapa sa dilim.

Buhay ay salita ng Diyos -- nagpapaalala ng mabubuting gawa ng Diyos, nagbibigay ng pag-asa, at nagbibigay ng liwanag. Sa salita ng Diyos, hindi tayo makakalimut, hindi tayo mawawalan ng pag-asa, hindi tayo maglalakbay sa dilim. Ibinigay sa atin ng Diyos ang kanyang salita dahil mahal niya tayo, Sana mahalin din natin ang kanyang salita.