Tuesday, April 22, 2008

May Lungkot Pero Panatag ang ating Loob

Homily delivered during the Funeral Mass of Dra. Lilia Calzado, April 22, 2008, at Christ the King Parish, Greenmeadows, Quezon City.

Nakilala ko so Dra. Calzado noong April 2006. Noong bagong dating ako sa 18th avenue, kinausap niya kaagad ako at sinabi sa akin ang mga pinagawa ng parokya para maging maayos ang pagtira ko sa Transfi. At simula noon lagi na nyang kinakamusta ang lagay ko. Kasama na dun ang blood pressure ko, ang cholesterol ko, pati ang sukat ng waistline ko.

We have our own experiences with Dra. Calzado. We have our own stories to tell. And in the course of the wake we have heard some of these stories. For her family, we mourn today, the loss of a mother, a grandmother, or a tita. For many of you here, we mourn the loss of a colleague, a doctor who whose concern goes beyond ones duty. For me, I mourn the loss of a friend.

Yet, we are gathered here today to thank the Lord for giving her to us: to her family, to her friends, to her colleagues, to our parish. We thank the Lord for a servant who has taught us how to offer one’s time and talent in service of God. We thank the Lord for a servant who gave herself more than what is expected of her, a giving that goes beyond duty and obligation, a giving that is deeply rooted in charity.

Ilang beses ding lumapit sa akin si Dra. Nagrereklamo. Hindi daw pala madali magserve sa simbahan. Lagi kong sinasabi sa kanya na talagang ganun, habang lumalapit ka sa Diyos saka naman dumadating ang pagsubok. Pero hindi tumigil sa paglilingkod si Dra. Hindi siya nawalan ng loob. Hindi siya huminto. She persevered until the end.

Dra. Calzado’s tragic death may be a test of faith for many of us. We have our questions. But if there is one truth that Dra. Calzado passes on to us, is this: Persevere! Do not let her death dampen your faith in the Lord. Just as she persevered in serving the Lord even in the face of difficulties and oppositions, so we too should persevere in believing in the unconditional love of God in the face of questions brought about by her death.

In the gospel today, Jesus said to his disciples, “If you loved me you will rejoice that I am going to the Father.” I would like to believe that the same words can be applied to us now. If we love Dra., we will rejoice that she is going to the Father, for the Father will complete the love we have for her. Kung mahal natin si Dra., hindi tayo mangangamba na siya ay bumalik na sa Ama, dahil malinaw sa atin na mahal ni Dra. ang Ama, at ang pagmamahal ng Ama ay higit sa kahit anung pagmamahal na kaya nating ibigay. Kaya, kahit may lungkot sa ating mga puso dahil nauna na sa atin ang isang mahal sa buhay, meron din namang kapanatagan sa ating kalooban dahil kapiling niya ang Amang kanyang minahal at pinaglingkuran.

Si Dra. Calzado ay usherette sa aming parokya, o yung tinatawag na Greeters and Collectors. Linggu-linggo sila ay nakatayo sa may pintuan ng simbahan at sumasalubong sa mga nagsisimba. Tumutulong sa paghahanap ng upuan. Tumutulong sa pagsaway ng maiingay na bata.

Dra., alam naming kung paano mo sinalubong ang mga nagsisimba linggu-linggo sa pintuan ng Transfi, kapag dumating na ang oras namin, sasalubungin mo rin kami sa pintuan ng langit. Malungkot kami sapagkat nauna ka sa amin. Subalit hindi kami pinanghihinaan ng loob, sapagkat ang iyong alaala ay magsisilbing gabay sa amin. Amen.

Friday, April 18, 2008

AKO ANG DAAN

May libro si Ricky Lee, isang batikang manunulat sa sine at sa TV. Ang title “A Trip to Quiapo.” Sabi niya sa introduction, kung pupunta sa Quiapo, maraming paraan para pumunta sa Quiapo. Puedng mag-jeep, mag-FX, mag-taxi, o kaya mag-LRT. Iisang pupuntahan pero maring paraan ng pagpunta. Ganyan din daw ang pagsusulat: isang karanasan, pero maraming paraan ng pagkuwento.

Ganyan din ang katotohanan ng buhay ng tao. Iisang buhay, iisang mundo, iisang hininga, pero maraming paraan ng pamumuhay, maraming paraan ng paglalakbay. Iisa ang hangarin sa buhay – ang maging maginhawa, matiwasay at masaya – pero maraming paraan kung paano mararating. Maraming formula.

Kung titingnan natin ang ating mundo ang pinaka-sikat na sigurong formula para lumigaya ay ang formula ng pera. Mas maraming pera mas masaya. Mas mayaman mas okey. Kapag may pera mabibili mo ang gusto mo. Kapag may pera mapupuntahan mo ang gusto mo. Pero sinungaling ang formula ng pera dahil alam nating lahat na ang tunay na kasiyahan hindi nabibili ng pera.

Isa pang formula na makikita natin sa ating paligid na sinasabing nagpapaligaya ay ang formula ng kapangyarihan. Kapag may kapangyarihan ka malakas ka. Hindi ka puedeng apihin, lamangan, i-etsapuwera. Kapay nasa kapangyarihan ka magagawa mo ang gusto mo ng walang aangal. Pero sinungaling ang formula ng kapangyarihan dahil alam natin kapag may kapangyarihan walang kapayapaan. Walang kapanatagan.

Isa pang formula na sinasabing magpapaligaya sa ating buhay ay ang formula ang kagandahan. Makinis na balat. Madulas na buhok. Balingkinitan. Maputi. Iyan ang mga nakikita natin sa commercial – pampaputi, pampapayat, pampakinis. Pero alam nating me hangganan ang formula ng kagandahan, dahil darating ang araw na hindi mapipigilan ang paggaspang, ang pagkulubot, at ang paglagas na ating buhok.

Isang buhay na kuntento at maligaya – iyan ang gusto nating lahat! May nagsasabing ang daan ay kayamanan. Pero dadalhin lang tayo sa kasakiman. Sarili lang ang iniisip. May nagsasabing ang daan ay kapangyarihan. Pero dadalhin lang tayo sa kayabangan. Nagmamataas sa kapwa. May nagsasabing ay daan ay kagandahan. Pero dadalhin lang tayo sa kababawan. Hanggang labas lamang.

Para sa Kristiyano iisa lang ang daan, iisa lang ang formula – si Jesus: Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay! Jesus chose to be poor. Jesus chose to be with the powerless and the hopeless. Jesus proclaimed the beauty that comes from being one with the Father. Para sa isang Kristiyano walang ibang paraan tungo sa buhay na ganap at kasiya-siya kundi ang pagsunod sa yapak ni Jesus.

Saturday, April 12, 2008

SINO ANG GUSTONG MAGING PARI?

Ang isang pari ay nagiging pari hindi dahil sa kanyang sarili, kundi dahil sa isang pamayanan.

Ngayon ay Linggo ng Pandaigdigan Panalangin para sa Bokasyon. Ang isa daw pong palatandaan na malusog ang pananampalataya ng isang parokya ay kung may mga kabataang nais maging pari. Sa amin sa Hagonoy, Bulacan ipinagmamalaki ng buong bayan na maraming taga-Hagonoy ang naging pari. Noong 1999, kung kailan ako na-ordenahan pari, ako po ay pang-72 na paring buhay na taga-Hagonoy. Pero meron akong alam na diocese na sa loob ng sampung taon ay wala silang oordenahan pari dahil wala silang seminarista, wala silang bokasyon sa pagkapari.

Saan ba nagsisimula ng bokasyon ng pagpapari o pagmamadre? Totoo na sinapupunan pa lamang ay tinatawag na tayo ng Diyos sa ating mga pangalan. Sa binyag ay ipnunla na ng Diyos ang buhay na nagmumula sa kanyang wagas na pagmamahal. Subalit ang punlang ito ay kailangang maalagaan sa loob ng tahanan, kailangang alagaan ng pamilya. At sa labas ng pamilya ang punlang ito ay kailangang maalagaan din ng parokya. Kaya responsibilidad po nating lahat, hindi lamang ang magbigay ng tulong sa mga nagpapari at nagmamadre, kundi ang magbigay ng mabuting halimbawa upang patuloy na magkaroon ng mga kabataang nais magpari o magmadre.

Masuwerte ang ating parokya dahil meron tayong seminarista. Apat na taun na lang, sa awa ng Diyos, ay puede na siyang ordenahang pari. Pero bakit iisa? Sino kaya ang susunod sa kanya?

Ngayong araw na ito, pinapaalalahanan tayong ipagdasal ang mas marami pang kabataan na magbukas ng kanilang puso upang ialay ang sarili sa paglilingkod sa Diyos at sa simbahan bilang pari o madre. Tungkulin ng bawat pamilya at bawat parokya na maging mabuting tagapag-alaga ng bokasyon sa pagpapari at pagmamadre.

Anu-ano bang mga halimbawa ang inaasahan sa atin na makapagpapatibay ng bokasyon sa pagpapari at pagmamadre?

Una, ang halimbawa ng pagsasakripisyo. Ang bokasyon sa pagpapari at pagmamadre ay uusbong lamang sa isang pamayanang hindi lamang sarili ang iniisip. Matutunan lamang ng mga kabataang magsakripisyo ng buhay para sa paglilingkod sa Diyos at sa simbahan, kung sa loob ng tahanan at sa loob ng parokya ay kanilang makikita ang tunay na diwa ng pagmamahal sa pagsasakripisyo bilang pagtupad sa kalooban ng Diyos. Without the sense genuine sacrifice, the life of a priest or nun will remain unattractive to young people.

Pangalawa, ang halimbawa ng kagalakan sa paglilingkod. Ang bokasyon sa pagpapari at pagmamadre ay uusbong lamang sa isang pamayanang nakatagpo ng tunay na kaligayahan sa paglilingkod. Matutunan lamang ng mga kabataan na masaya pala ang maglingkod sa mga nangangailangan kung sa loob ng tahanan at sa loob ng simbahan ay kanilang makikita ang galak sa ating mga puso sa bawat pagbibigay ng ating sarili para makatulong, makapagmalasakit at maglingkod. Without understanding the fulfillment that comes from serving one another the life of the priest or nun will remain to be less fulfilling and boring.

Mga kapatid sa misang ito ipagdasal natin na mas marami pang kabataan ang tumugon sa tawag ng Diyos sa pagiging pari o madre. Subalit huwag din nating kalilimutan ang mabigat na hamon sa bawat pamilya at sa ating parokya - ang kahalagahan ng pagsasakripisyo at ang kagalakan sa paglilingkod.

Tandaan po natin na ang isang pari ay nagiging pari hindi lamang dahil sa kanyang sarili, kundi dahil sa ating pamayanan, dahil sa mga halimbawa ng pagsasakripisyo at paglilingkod na inaasahn sa bawat pamilya, at inaasahan sa ating lahat.

A priest does not become a priest by himself. A priest becomes a priest because of a community.

Thursday, April 10, 2008

EYEBALL

It is the duty of the Church to use “the discoveries of different cultures so that in her preaching she might spread and explain the message of Christ to all nations, that she might examine it and more deeply understand it, that she might give it better expression in liturgical celebration and in the varied life of the community of the faithful.” [Gaudium et Spes, 58]

I just had my first eyeball for counselling this morning coursed through my multiply site. Ang galing! Kailangan talagang gamitin ang lahat ng puedeng gamitin para maipangalat ang mabuting balita ng Diyos. Blog on!

IBA TALAGA ANG NAGAGAWA NG TV!

Iba talaga ang nagagawa ng TV! Simula ng mabalita sa TV Patrol at sa 24 Oras ang bigasang bayan dito sa Transfi, hindi na kami nahirapang magkaroon ng supply ng NFA rice dito sa parokya. Dati rati yung parishioner ko ang pumupunta sa NFA para pumila at kumuha ng NFA rice. Minsa babalik dito ng walang nakuhang bigas. Ngayon NFA pa ang nagtatanong kung meron pa kaming supply ng bigas. Dati rati mga boys dito sa kumbento ang nagbubuhat ng mga bigas at namumura at nauutusan pa sa bodega nila. Ngayon dinedeliver pa sa parokya ang bigas at meron pang mga taga-buhat. Dati rati naiinip ang mga nagbabantay ng bigasan dahil madalang ang mga bumibili. Ngayon, kailangang putulin ang pila ng mga gustong bumili dahil wala ng bigas o dahil kailangang mgapahinga ng mga nagtitinda. Iba talaga ang nagagawa ng TV!

Wednesday, April 9, 2008

SERYOSO NA 'TO!

Today, I begin to face seriously my MA thesis. Gusto ng Dean mai-defend ngayong April. Susubukan. Please include me in your prayers. Thanks.

Saturday, April 5, 2008

A DIFFERENT MCDO

An ordinary Thai greeting is to make you make your hands do the praye position, i.e. putting hands together palm to palm and placing them at the level of the chest with fingers pointer upwards, and then making a slight bow. In Thailand you see people do this. Pati si Ronald McDonald hahaha!

[Si Michelin, yung mascot na mukhang snowman, mascot ng mga gulong, ganito rin ang pose pero hindi ko nakunan. Si Col. Sanders ng KFC ganito din daw ang pose, pero hindi ko nakita, sabi lang. ]