Thursday, April 26, 2007

Isang Taon

‘sang taon na
ng magpaalam sa haring kristo
at tumawid ng boni serrano

‘sang taon na
ng lumusong sa kalye labing walo
at si san roque’y makatagpo

‘sang taon na
ng makasama si Santiago, Juan at Pedro
at lumangoy sa agos ng pagbabagong anyo

‘sang taon na
ng pumikit sa tuktok ng mundo
at dumilat sa haplos ng simoy na totoo

‘sang taon na

ilang taon pa
Panginoon, bahala ka na

[I was installed as the new parish priest of Transfiguration in the month of June, but I spent my first night there on April 26, 2006.]