Mark 7:31-37
A homily delivered on Feb. 9, 2007.
Ephphatha! Be opened! Mabuksan!
The readings in the mass today, present two stories of Ephphatha, i.e. stories of openness. One is from the first reading. It talks about Adam and Eve. Their consciousness were opened after eating the fruit of the tree of life, which God forbade to them. They eyes were opened and they saw that they were naked and they hid themselves. Another story of openness is proclaimed in the gospel. Jesus healed a deaf-mute man, touching him Jesus said, “Ephphata!” He heard the inspiring voice of Jesus and he begun to speak out the goodness of God.
Two stories of Ephphata with two different endings. The former ended with Adam and Eve hiding themselves because they felt ashamed of what they saw. The latter on the other hand, ended with the cured man exposing himself to the public because of his great joy in what he saw.
The grace of Ephphata opens our eyes and hearts to the reality of life. Oftentimes we see our weaknesses and limitations and we become depressed, discouraged and withdrawn. But this is just one side of reality, for as real as our limitations is the boundless mercy and goodness of the Lord. The grace of Ephphata opens our hearts to recognize that in the midst of weaknesses and limitations, the Spirit of God continues to work. Yes, we are weak and sinful, and we must not forget that, but we also affirm that God is merciful; his strength conquers our weaknesses and his boundless love transcends our limitations.
Tanggapin po sana natin ang biyaya ng Ephphata. Buksan po natin ang ating mga mata at tanggapin ang ating mga kahinaan at kakulangan subalit hindi po dito natatapos ang biyaya ng Ephphatha. Bagkus binubuksan nito ang ating mga puso upang makitang ang ating mga kahinaan ay pinalalakas ng walang kapantay na kapangyarihan ng Diyos at ang ating mga kakulangan ay pinupunan ng kanyang naguumapaw na pag-ibig.
Samahan nyo po sana ako sa pagdarasal na sana ay huwag matapos ang biyaya ng Ephphatha sa buhay ko. Lagi ko po sanang makita ang aking mga kahinaan; tanggapin ang mga ito at gumawa ng paraan. Lagi ko po sanang aminin ang mga bagay na hindi ko kaya; gaano man po kabuti ang hangarin ko para sa lahat, may mga bagay na hindi ko talaga kaya.
Malaki po ang pasasalamat ko sa Transfi dahil sa loob ng maikling panahon, magsasampung buwan pa lang po, tinanggap po ninyo kung sino ako; kung ano ang hindi ko kaya, at kung ano ang kaya ko. Maraming salamat po. Buong puso ko pong sasabihin sa inyo, masaya po ako dito sa Transfi! Mahal na mahal ko kayong lahat.
Siguro pagtinitingnan natin ang parokya natin marami tayong nakikitang kahinaan at pagkukulang: meron hindi nagkakasundo, merong pagkakanya-kanya, merong nagpapataasan, nagpapagalingan, nagtatampuhan, nag-iiwasan, nagpupunahan, at kung anu-ano pa. Pero hindi po tayo dito hihinto ng pagtingin sa ating mga sarili sapagkat kahit sa gitna ng mga kahinaang ito may mahalagang misyon ang Diyos para sa atin, at siya ang magbibigay sa atin ng lakas at direksyon upang mapagtagumpayan ang anumang kahinaan.
Dasal ko po sana huwag maubos ang biyaya ng Ephphatha sa ating lahat. Patuloy po sana nating buksan ang ating mga mata sa kahinaan ng ating uganayan sa isa’t isa, tanggapin ito at sama-samang gumawa ng paraan. Patuloy din po sana nating makita na sa gitna ng ating kahinaan ang Espiritu ng Diyos ay patuloy na kumikilos: nag-aanyayang magtaguyod ng isang pamayanang gumagalang sa isa’t isa at nagtutulungan; nag-aanyayang hanapin sa mga area at sa iba’t ibang sektor ng ating parokya ang mga kasamahan nating hindi pa nakakakilala ng lubusan sa Panginoon; nag-aanyayang magmalasakit sa mga nagugutom, walang tahanan, walang trabaho, at kulang na kulang sa buhay.
Kagabi po hanggang kaninang tanghali nag-solitude po ako at silencing. At sa aking panalangin sabi sa akin ng Diyos, ang regalo daw po niya sa akin ay Ephphata – kabukasan ng puso at damdamin. Magsalu-salo pa sana tayo sa biyaya ng Ephphata, at sama-sama tayong manatiling bukas sa Diyos at sa isa’t isa. Amen.