Saturday, March 28, 2009

mamatay para mamung ng marami

5th Sunday of Lent, Cycle B


Ngayon ay panahon ng Graduation. Sino sa inyo ang may kamag-anak na nag-graduate sa highschool? Sino sa inyo ang may kamag-anak na nag-graduate sa college? Masaya ba kayo?

Siyempre! Ang panahon ng graduation ay panahon ng pagiging masaya. Pero huwag po nating kalilimutan na ang tunay na saya ng graduation ay dahil ito ay nagdaan sa hirap. Masaya ang graduation dahil sa ‘di mabilang na gabi ng pagpupuyat at pag-aaral, o tinatawag nating, pagsusunog ng kilay. Masaya ang graduation dahil sa pagkayod ng mga magulang para may ipangtustos sa pag-aaral ng anak. Masaya ang graduation dahil pinaghirapan, dahil nagsikap, dahil pinagpaguran.

Ganyan din ang paala-ala ng ating ebanghelyo ngayon: “malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, ito’y mamumunga nang marami.” Ang buto para tumubo at mamunga kailangang mahulog sa lupa at mamatay. Ang tao para magtagumpay at makatagpo ng makahulugang buhay kailangang mamatay sa sarili, matutong magtiis, matutong magsakripisyo.

Linggo na ng palaspas sa susunod na linggo. Gugunitain na naman natin ang paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Tamang-tamang paala-ala sa atin na meron lang Linggo ng Pagkabuhay dahil may Biyernes Santo at makahulugan lang ang Biyernes Santo dahil may Linggo ng Pagkabuhay. Hindi puedeng paghiwalayin. Walang Hesus na walang krus. At walang krus na walang Kristo.

Mga kapatid, kung nais nating makikiisa sa bagong buhay na dulot ni Kristo kailangang handa tayong mamatay – mamatay sa pagkamakasalanan, mamatay sa kasakiman, sa kasinungalingan, sa pagmamataas, sa galit, sa inggit, sa kawalan ng pakialam.

Kailangang mamatay sa pagkamakasarili, upang ang buhay ay mamunga ng nang marami.

Friday, March 27, 2009

Be ready to be challenged!

Kanina nag-daan ng Krus ang parokya sa kalye. At habang kumkanta kami ng "Buksan ang aming puso" siyang lakas naman ng videoke "Tama na yan. Inuman na" ng Parokya ni Edgar. Habang kumakanta kami ng "Patawad, patawad ang aming hiling" siyang harurot naman ng mga tricycle at jeep. Talagang sinusubok.

Tulad ng mga pagbasa ngayon. Sa aklat ng Karunungan, may masamang balak ang di-matuwid sa matuwid. Sa ebanghelyo naman ni San Juan, nais dakpin si Jesus. Ang matuwid at gumagawa ng mabuti ay sinusubok. Pero si Jesus hindi nagpatalo sa mga sumubok sa kanya.

Kaya huwag kang magtaka kung habang naglilingkod ka siya namang pagdating ng mga pagsubok. Habang lumalapit ka sa Diyos siya namang pagbigat ng mga problema. Dahil ang pagtatalaga sa mabuti at matuwid ay laging susubukin. Pero hindi dapat matakot sa pagsubok dahil sa bawat pagsubok na malalampasan sigurdong ikatitibay at ikalalalim ng pagtatalaga ng sarili.

Be ready to be challenged. Be ready to be tried, to be tested. For every victory over a challenge is a step towards a deeper, stronger and more genuine commitment.

Tamang tama tuloy sa mga pagbasa ngayon. Kung paano ang matuwid ay inuusig ng di-matuwid sa unang pagbasa, at ang



- pang-limang Biyernes na naming nagdadaan ng Krus sa kalye

Thursday, March 19, 2009

Joseph, the silent servant

We do not have statements attributed to St. Joseph. We do not have preachings or treatises about the mystery of faith. Not even one liners. We have no quotations from Joseph.

This is not to say that Joseph has not said any advise or reminders to the child Jesus. He must have like any other father to their sons. But what we have today is as eloquent if not more, as any powerful statement. We have are his choices and the consequences of those choices.

Joseph decided to take Mary as his wife. He chose to take care of the child even if it was not his. He chose to believe the angel. He chose to do the will of God. He chose to face what others will say in doing so. He chose to stand up to the judgments of his fellow Jews. He chose to protect Mary and Jesus from the evil plan of Herod and his men. He chose to be a faithful father to his family in Nazareth. And so the scriptures call him, the righteous.

Joseph is the silent servant of God. No words. Only actions - actions that continue to ring out at present. Challenging each one of us to live out what we profess, to be faithful to our words, and to let our works speak for themselves.

Human experience tell us that oftentimes those who have a lot to say, those who speak too much, those who have a lot of complain, they are the least to offer help and act. Maingay pero walang laman. Mareklamo pero wala namang gagawin.

More often than not, choices and decisions are made in silence, in the solitude of the heart. We may choose to consult or to seek advice, but in the end choices are made as an individual; convictions are built in quiet. Choices that are carried out sincerely and faithfully until the end are not made in the marketplace. They are made in retreat houses, in adoration chapels, on mountaintops, in deserted places, in the isolation of each one's heart.

I believe that as God loves a cheerful giver, so does he delight in a silent worker than in a noisy pretender. Amen.

Saturday, March 14, 2009

Marunong ka bang magalit?

3rd Sunday of Lent, Cycle B


Lahat tayo nagagalit pero sa iba’t ibang dahilan. Me nagagalit dahil hindi nasusunod ang gusto. Me nagagalit dahil high blood. Me nagagalit dahil naapi ang bida sa paborito nilang teleserye. Me nagagalit dahil sa kawalan ng katarungan, dahil sa mga kurakot sa gobyerno, dahil sa dayaan, dahil sa kawalan ng hustisya. Lahat tayo nagagalit pero sa iba’t ibang dahilan.


Lahat tayo marunong magalit pero sa iba’t ibang paraan. Merong tahimik lang, kinikimkim ang galit. Meron namang bungangera, alam ng buong bayan na galit siya. Merong walang pinapatawad, kahit sino ang kaharap. Merong malumanay lang, galit na pala hindi mo pa alam. Merong nagmumura. Merong nanglalait. Merong nangungutya. Meron mahinahon. Merong marunong magalit ng hindi nakakasakit ng damdamin. Lahat tayo marunong magalit pero sa iba’t ibang paraan.


Bakit nga ba nagalit si Jesus? Ano ang dahilan ng galit ni Jesus ? At paano siya nagalit ? Una, nagalit si Jesus hindi dahil sa sarili niya kundi dahil sa kawalan ng respeto sa tahanan ng Diyos. Nagalit si Jesus hindi dahil sinaktan siya, o naagrabyado siya, o dahil tinraydor siya, o dahil binalewala siya. Hindi. Nagalit si Jesus dahil hindi ibinigay sa Diyos ang tamang paggalang. Pangalawa, nung pinalayas niya ang mga nagtitinda sa templo, sabi ng ebanghelyo, “Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit at pinagtataob ang kanilang mga hapag.” Ang galit ni Jesus nakatuon sa mga bagay – sa mga salapi, sa mga paninda, sa mga hayop – hindi sa tao. Kung sarili lang ang dahilan ng galit, hindi iyan ang galit ni Jesus. Kung nakakapinsala naman ng tao ang galit, hindi rin iyan ang galit ni Jesus. Dahil ang galit ni Jesus ay pagkagalit sa masama, sa kasalanan at sa paraang makakabuti hindi makakapinasala sa tao.


Ngayong panahon ng kuwaresma, magandang suriin natin kung bakit at kung paano tayo magalit. Hindi po masama magalit, basta’t hindi lang sarili ang dahilan ng galit at hangga’t maari wala sanang masasaktan. Magalit tayo sa kasalanan. Magalit tayo sa masama. Magalit tayo sa kasinungalin, sa pagnanakaw, sa karahasan, sa kawalan ng disiplina, sa pagkakanya-kanya, sa panlalamang. Magalit tayo sa paraang may malasakit sa kabutihan ng ating kapwa, hindi para makasakit, o makapaghinganti. Magalit tayo sa masama para mapabuti tayo at ang lahat.


Ang galit ay puedeng maging tanda ng pagmamahal kung ang galit ay magiging daan para kumilos laban sa masama at ipaglaban ang mabuti para sa atin at para sa kapwa. Magalit tayo kapag hindi ginagalang ang Diyos. Magalit tayo kapag hindi ginagalang ang tao. Magalit tayo ng may pagmamahal sa Diyos at pagmamalasakit sa kapwa. Amen.