Saturday, April 4, 2009

Deal or No deal!

Palm Sunday of the Lord's Passion


Sabi ng mga eksperto sa Bibliya, yung mga taong nagwelcome kay Hesus sa pagpasok sa Jerusalem, sila din yung nagpapako sa kanya sa Kalbaryo. Yung mga taong sumigaw ng Hossanna, sila din yung mga taong sumigaw ng “Ipako siya sa krus!” Ang mga tao ay natuwa sa mga kababalaghang ginawa ni Jesus, sa mga maysakit na kanyang pinagaling, sa mga patay na kanyang binuhay, sa mga talinghaga at pangaral na kanyang ipinahayag. Subalit, nagpadala din sila sa udyok ng mga Skriba at mga Pariseo na ipaligpit si Jesus. Wala silang isang salita. Wala silang matibay na pagpapasya.


Mga kapatid, pagkatapos nating maglakbay ng halos 40 araw ng kuwaresma, pagkatapos magpalagay ng abo sa noo, pagkatapos mag-ayuno, mag-asbstensya, manalangin, magkawanggawa, mag-daan ng krus, pagkatapos ng ilang mga sermon, pangaral, recollection at retreat ngayong kuwaresma, sa bandang huli kailangan nating magdesisyon. Kailangan nating magkaroon ng matibay na pagpapasya. Tatanggapin mo ba ang paanyaya ni Jesus na pagbabago o magbibingi-bingihan ka na lang? Susunod ka ba sa paanyaya ni Jesus o magbubulag-bulagan ka na lang? Tatanggapin mo ba ang bagong simula na bigay ni Jesus o babalik na lang sa dati?


We are bystanders in the suffering and death of the Lord. We cannot remain mere hearers of the words of Jesus, nor mere watchers to his actions. We are called to become believers, to become followers. Now is the time to decide – accept or reject Jesus; deal or no deal!