Evening Mass of the Lord's Supper
Sa Huling Hapunan, nangyari ang isang mahalagang himala ni ginawa ni Jesus, na hanggang ngayon ay pinakikinabangan natin - ang himala ng katawan at dugo ni Kristo sa anyo ng tinapay at alak. Sa pagmamahal ni Jesus, tuwing tayo’y magkakatipon upang magdiwang ng Eukaristiya, binabago ni Jesus sa kapangyarihan ng
Pero hindi lamang tinapay at alak ang binago ni Jesus noong Huling Hapunan. Isa pang mahalagang pagbabago ang ginawa ni Jesus na narinig natin sa ebanghelyo ngayon tungkol sa paghuhugas ni Jesus ng paa ng kanyang mga alagad – ang Panginoon naging tagapaglingkod; the master becomes the servant; the Son of God becomes the servant of all. We are all masters of our own lives, but Jesus transforms us into servants of one another. We become more like Jesus if we are servants more than masters. Our willingness to stoop down, be humble and serve witness to who the real master is. No one is greater than Jesus. So, if Jesus stooped down and washed the feet of his disciples who are we to refuse stooping down and wash each other’s feet.
Inanyayahan natin ngayon ang ilan sa mga tatay ng iskolar ng ating parokya. Labing dalawa po silang nandito ngayon. Sila po ang huhugasan ko ng paa mamaya. Sa pakikipag-usap ko sa kanila, lahat po sila ay nagpapasalamat dahil natutulungan natin sila sa pag-aaral ng kanilang anak. Pero ngayong gabi, ako po ang magpapasalamat sa kanila, dahil sa pamamagitan nila natutupad natin ang hangarin ni Jesus na tayo ay makapaglingkod.
Salamat sa inyo dahil tinanggap ninyo ang tulong na galing sa ating parokya. Palagay ko hindi ninyo alam, pero dahil pumayag kayong magpatulong, kayo ay naging biyaya sa pamayanang ito upang kahit paano ay matupad ang paanyaya ni Jesus na maging lingkod ang lahat.
Mga kapatid, kung paano patuloy na binabago ni Jesus ang tinapay at alak upang maging kanyang katawan at dugo, idalangin natin sa Diyos na patuloy nya ring baguhin ang ating buhay upang tayo’y maging tunay na tagapaglingkod sa bawat isa. Amen.