Friday, March 2, 2007

Climbing Our Mt. Tabor

2nd Sun Lent C.
Naranasan nyo na bang lumakad ng hindi malinaw kung saan kayo pupunta? Naranasan nyo na bang habang bumabyahe may magtatanong kung saan pupunta at ang sagot “Kahit saan” o kaya “Bahala kayo” o kaya “Kung saan tayo abutin”. Nakakainis!

When the archbishop of Manila was installed in the Manila Cathedral, in his message Gaudencio Cardinal Rosales reiterated several times that it is treason for a shepherd not to have a vision. Vision empowers us to move. It directs our decisions. It motivates and inspires. It sustains in times of difficulties and challenges. It gives focus and common ground.

The Transfiguration of Jesus Christ is every believer’s vision. The glory of the Transfiguration prefigures the glory of the Resurrection. What happened to Jesus in Mt. Tabor and in the tomb at the outskirts of Jerusalem is the end that awaits every Christian. It is the vision that empowers us, motivates and inspires every heart, sustains hope and strength, gives focus and common ground for all those who follow the Lord.

Ang kaningningan ng kaluwalhatian ng Pagbabagong Anyo ng Panginoon ang tagumpay na naghihintay sa bawat isa sa ating nagsisikap tumulad kay Kristo at tumupad sa kalooban ng Ama.

Di ba mas madaling tiisin ang tagal ng biyahe kung alam mo kung saan ka pupunta? Mas katanggap-tangap ang inip kung alam mo kung saan ka patungo? Mas humahaba ang pasensya sa pangit na daan dahil alam mo kung gaano kaganda ang pupuntahan?

Yakapin natin ang kaluwalhatian ng Pagbabagong Anyo ni Jesus. Isaisip. Isapuso. Itanim sa kalooban. Kung malinaw sa atin na ang kaluwalhatiang ito ang naghihintay sa atin, walang dahilan upang bumigay sa kahinaan, sa tukso, at sa kasalanan
; walang dahilan para iwasan ang pagbabalik-loob, pagbabago at pagpapakabanal.

If we keep close in our hearts the vision of the glory of the Transfiguration we have in our hands the eternal wellspring of strength and hope. We await our own Transfiguration. Let us not be frightened to climb our own Mt. Tabor. Amen.