Saturday, June 26, 2010

Oo na.

13th Sunday, Ordinary Time


If we do not know how to say NO, half-done is our YES to God. Kung hindi tayo marunong humindi, hindi kumpleto ang oo natin sa Diyos.

Lahat po tayo ay inaanyayahang sumunod sa Diyos. Makinig sa kanyang salita at isabuhay ang kanyang mga utos. At kapag sumang-ayon tayo sa paanyayang ito kailangan nating humindi sa mga bagay-bagay, kahit sa mga taong pipigil sa atin sa landas na ito.

Nung sumagot ako ng oo sa Diyos na magpari, kasabay nun ay ang paghindi sa pag-aasawa at sa pagkakaroon ng sariling pamilya. Hindi dahil mahirap ang may asawa. Hindi dahil ayaw kong magkaroon ng sariling pamilya. Hindi dahil napag-iwanan na ako ng panahon. Bagkus, magiging ganap lamang oo sa pagkapari kung hihindi sa pag-aasawa at sa sariling pamilya.

Nung sumagot ako ng oo sa paanyaya ni Cardinal Sin na maging parish priest ako sa kauna-unahang pagkakataon halos sampung taon na ang nakalilipas, kailangan kong humindi sa pag-aaral sa Roma. Hindi dahil ayaw kong mag-aral sa ibang bansa. Gusto ko nga eh. Kaya lang, kailangan kong humindi upang matupad ang nais ng Diyos para sa akin.

We need to learn to say no firmly if we want our yes to God to be full. Sometimes we are saying no to something good, but we still say no because saying yes to God is better, actually it’s the best.

Mga kapatid, sabi ni Hesus sa ebanghelyo ngayon, “Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.” Ang sinumang mag-oo sa Diyos at hindi marunong humindi sa mga hindi maka-Diyos ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos. Huwag ng magpaikot-ikot. Huwag ng pagpaligoyligoy. Huwag ng lumingon-lingon. Huwag ng magdalawang isip. Huwag matakot. Dinggin ang paanyaya ni Hesus. Oo na. Sumunod na sa kanya.

Saturday, June 12, 2010

Pasasalamat at Paglilingkod

11th Sunday, Ordinary Time

There are numerous ways to express gratitude. Maraming paraan ng pagpapasalamat. Ang pinakamadalas nating ginagawa ay ang magsabi na tayo ay nagpapasalamat. Sa mga hindi makapagsabi, isinusulat; nagpapadala ng thank you card o ng thank you letter. Yung iba naman nagbibigay ng tribute o parangal bilang pasasalamat o nagbibigay ng regalo. Nung kami ay nasa Fatima, nagpunta kami sa isang museum kung saan naka display ang lahat ng mga iba’t ibang regaling pinadala sa Fatima bilang tanda ng pasasalamat. Merong korona, singsing, kwintas, rosaryo, kalis, monstrance at marami pang iba. At sabi sa amin marami pa raw ang nakatago sa bodega.

Sa ebanghelyo natin ngayon, nakita natin ang isang mahalagang paraan ng pagpapasalamat. Habang nasa isang salu-salo si Hesus, isang babae ang lumapit sa kanyang paa. Hinugasan ito ng kanyang luha. Pinunasan ng kanang buhok. Hinalikan at binuhusan ng pabango. Ito ay tanda ng malaking pasasalamat dahil sa pagpapatawad para sa isang malaking pagkakasala – pasasalamat sa pamamagitan ng paghuhugas ng paa. Alam natin na hinugasan din ni Hesus ang paa ng kanyang mga alagad. At sa pagkakataong iyon nalaman natin na ang paghuhugas ng paa ay isang paanyaya na maglingkod tulad ng paglilingkod ni Hesus. Kaya ang paghuhugas ng paa ni Hesus sa ebanghelyo ngayon ay isang pasasalamat ng babae sa pamamagitan ng paglilingkod.

Mga kapatid, ilang beses man nating sabihin sa Diyos ang pasasalamat natin, osna tanda ng pasasalamat natin sa Diyos ay ang buong pusong paglilingkod sa Diyos, buong pusong paglalaan ng oras, ng kakayahan, kahit ari-arian para sa Diyos.

Idalangin natin sa Diyos na ang ating pasasalamat ay umusbong sa paglilingkod at ang ating paglilingkod ay pagtibayin ng ating pasasalamat. Amen.

Sunday, March 14, 2010

A robe, a ring and a pair of sandals

A fine robe, a ring and a pair of sandals. These were the things the father gave his repentant son upon returning from wasting his life and what he had. These also represents what God offers us when we open our hearts to his boundless mercy and take seriously the path of conversion.

The robe clothes us with the power of God. Sin weakens us. Sin weakens our will to turn away from it, to choose what is right, what is true, what is good. Sin make us content of living in sin, on the mediocrity of accepting that we can never be out of the clutches of sin. God’s mercy empowers us. His mantle of grace is our strength to burst out from the chains of sin and bad habit in order to choose what is good and right according to the will of God.

The ring celebrates our identity. Sin blinds us. Sin makes our vision selective and limited. We only see ourselves, what we want, what gives us pleasure, comfort, convenience, gratification. We forget who we really are in the eyes of God. The ring reminds us who we really are before God – that we are sons and daughters of God. We are not slaves of sin, nor legions of evil. We do not walk in darkness. Rather, we are children of the light. We are God’s beloved children.

The sandals bring back direction. Sin makes us loose our way. It leads us astray. By putting on sandals, God returns us to the right direction and guide us on the way the leads to him.

These are what awaits us in the bosom of the Father - to be robed with God’s power, ringed with our divine childhood and sandaled with direction on the right path.

The Father waits… ready to run with a forgiving embrace and an accepting kiss. Come!

Sunday, February 14, 2010

Mapalad

6th Sunday, Ord. Time, Cycle C

Mapalad ang mga dukha! Mapalad ang mga nagugutom! Mapalad ang mga tumatangis! Mapalad ang mga ipinagtatabuhayn, kinapopootan at inaalimura! Mga kataka-takang salita mula kay Jesus sa ebanghelyo ngayon. Hindi madaling maintindihan.

Paano naging mapalad ang mga dukha? ang tumatangis o nalulungkod? Paano naging mapalad ang gutom? ang itinataboy, o kipopootan, o inaalimura? Ang mga ito ang ang ayaw natin, ang iniiwasan natin, hangga’t maari. Sino ba ang may gusto maging mahirap? Ang magutom? Sino ba ang may gustong malungkot? Ang ipagtabuyan, o kapootan, o alimurain? Wala naman. Ayaw natin dyan sa mga iyan.

Pero ang paala-ala sa atin ni Jesus, kahit sa gitna ng mga pagsubok na ito, kahit sa pinakamabigat na suliranin o pinakamalaking problema, may pagpapala pa rin kung may pananalig sa Diyos. Sa gitna ng kahirapan, ng gutom, ng kalungkutan, ng poot, may biyaya pa rin kung umaasa pa rin sa Diyos. Dahil ang kaligayahan at biyayang nagmumula sa Diyos hindi kayang nakawin ng kahit na anung hirap at pagsubok.

Of course, one can be happy by being rich, satisfied, fulfilled, having no enemies and enjoying a good reputation. But without God, this happiness is skin deep, fleeting, temporary. Only with God can there be lasting happiness that no poverty, no grief, no hunger, no hatred, no slander or bad name can upset.

The Cost of Awesome

New Zealand is, as they say it down there, awesome! Here's why in my opinion. The quarantine is strict. All food, camping gears and wood items have to be declared (mahirap na nga naman baka mapasukan sila ng peste at maapektuhan ang kanilang mga baka at tupa). They check baggages thoroughly (mukhang totohanan, hindi kunwakunwari lang). Light traffic always (as in always, ang heavy traffic sa kanila, maluwag sa atin hehe). It’s quiet. It’s clean. Less population (4 M sa buong NZ; eh dito sa Metro Manila pa lang 12 M tayo). Less cars on the streets. Strict traffic rules. No blowing of horns. Implemented speed limits.

Summer is sunny there but with cool breeze; comfortable. Dense forests. Rolling hills. Clean streams. Running rivers. Liveable cities. Amazing lakes. Numerous, huge parks. Never ending horizon. Amazing long white cloud. Photogenic view, 360 degrees. Managed logging. Mouth watering lamb chops. Heavenly steaks. Cadbury ice cream. Fresh strawberry ice cream. Juicy cherries and berries.

Low-profile politicians (mangayari kaya yan sa Pinas, hay). Vibrant community of Filipinos. Supportive “super” friends. Subsidized education. Effective public health care. Well maintained public utilities. Family friendly picnic and rest stops. Less high rise buildings (kasi daw matatabingan ang view, wow). Reward for hard work. Great future for the family, for the children.

At what cost? Leaving one’s motherland; the land of one’s birth and childhood, of family and friends; the comfort of memories, of familiar voices and faces.

Setting aside the land of lechon, kare-kare and bistek; the land of talangka, alupihang dagat and suwahe; the land of chicharong bulaklak, kwek-kwek, balut and one day old chick; the land of turo-turo, buy one take one burger and Jollibee; the land of ukay-ukay, Greenhills, Quiapo and SM.

Leaving behind the land of "kamusta na," "saan punta," and "mauna na ko" (or the English equivalent “I’ll go ahead”, tayo lang ata nagsasabi nun); the land of “mano po,” of “po” and “opo.”

Saying goodbye to the land of Senor Nazareno, Sto. Nino, Simbang Gabi, of holding hands while singing the Ama Namin.

Sacrifice is the cost. For the fulfillment of a personal dream. For prosperity. For advancement. For development. For the money. For a change in environment. For a new perspective. For escape. For comfort. For peace and quiet. For the family. For a brother. For a sister. For Inang. For Amang. For the children. For something that every Filipino should have but Pinas cannot offer. For a better life. For a new lease in life.

Sa Macapagal family, sa “super friends,” sa lahat ng Pilipinong nakilala ko sa New Zealand, “the land of the long white cloud,” saludo po ako sa inyo. Maganda nga ang buhay dyan, pero hindi madali! God be with you always!

Saturday, January 2, 2010

Ang Bituin sa Paglalakbay

Solemnity of the Epiphany of Our Lord
January 3, 2010



Kung babalikan natin ang kuwento ng Pasko may mahahalagang paglalakbay ang nangyari.

Noong Simbang Gabi, narinig natin ang tungkol sa paglalakbay ni Maria at ni Jose. Naglakbay sila patungong Bethlehem. Gabay nila ang pagpapakita ng anghel at ang tinig na nagsabi ng plano ng Diyos para sa kanila.

Noong bisperas naman ng Pasko, narining natin ang tungkol sa paglalakbay ng mga pastol. Naglakbay sila mula sa kanilang pastulan patungong sabsaban kung saan naroon ang Kristo, kasama ni Maria at Jose. Tulad ni Maria at Jose, gabay ng mga pastol ang pagpapakita ng anghel at ang tinig na nagsabi tungkol sa pagdating ng hinihintay nilang tagapagligtas.

Ngayon naman, narinig natin ang tungkol sa paglalakbay ng mga pantas, o ng mga mago, o tinatawag nating Tatlong Hari. Naglakbay sila mula malayong lupain, patungong Bethlehem kung saan natagpuan nila ang isang sanggol sa sabsaban. Gabay nila ang isang maningning na bituin. Walang nagpakitang anghel. Wala ring tinig na nagsabi kung ano ang plano ng Diyos. Ang tanging hawak ng Tatlong Hari ang pananampalataya sa kahulugan ng pagsikat ng isang natatanging bituin.

Sinasabi na ang buhay ng tao ay maituturing na paglalakbay. Kung gayon isang bagong paglalakbay ang ating nasimulan sa pagpasok ng isang bagong taon. At sa paglalakbay natin sa buhay na ito, mas katulad ng sa atin ang paglalakbay ng Tatlong Hari kaysa sa paglalakbay ng mga pastol, ni Maria at Jose. Sa paglalakbay natin wala namang nagpapakita sa ating anghel at wala rin namang tinig na nagsasabi kung ano ang plano ng Diyos sa atin. Pero merong liwanag, merong bituin – ang liwanag na nagmumula sa salita ng Diyos, sa turo ng simbahan at sa biyaya ng mga sakramento. Ito ang nagnining nating bituin.

Huwag po tayo maghanap ng mga anghel na magpapakita sa atin, o maghintay ng tinig na galing sa langit na magsasabi sa atin kung anong gagawin natin. Nasa atin na ang mga bituing magliliwanag sa daan ng ating paglalakbay – ang liwanag ng salita ng Diyos, ang liwanang ng turo ng simbahan, at ang liwanag ng biyaya ng mga sakramento.

This 2010 let us all resolve to love more the word of God. Let us resolve to learn more about the teaching of the Church. Let us resolve to understand and celebrate more meaningfully the sacraments. These are the stars that will illuminate our journey of faith.

Thursday, December 31, 2009

Remember and Learn: Lessons for 2010

December 31, 2009

Today is the last day of 2009. A year has passed. A new one is about to begin. This is a good time to look back, to remember and pocket lessons before embarking full speed into a new beginning.

Three people, I remember this year. I remember them because they passed away. And through their passing, I have learned important lessons that I want to share with you tonight; lessons that can help us have a great new start for the coming year.

This year we saw the passing of Micheal Jackson. I am not really a fan, but his music has become a kind of soundtrack for my youth and childhood. I cannot go back to my elementary days without remembering how I wore tattered clothes and used ketchup for fake blood, in order to dance to the iconic “Thriller.” His passing kind of took away the soundtrack of my childhood and youth. In his death, I learned that no amount of fame and wealth can prepare us for death. Not popularity. Not money. Nothing of this material world can prepare us for what lies beyond this life. So what prepares us for death? What prepares us for the life the goes beyond this material world?

This year too, I witnessed the passing of Tatay Sisong. Tatay Sisong is the father of Fr. Gilbert Dumlao. During the funeral, Fr. Gilbert in his homily talked about the unconditional love that Tatay Sisong showered upon his family. When the “Our Father” was sung, the family of Fr. Gilbert held each others hand and the mother went out of the pew, walked in front of the coffin and touched the coffin as if holding Tatay Sisong in her heart. All of us who saw what happened had tears in our eyes. At that moment, I said to myself, this family will overcome this trial in their life, for Tatay Sisong has left a deep and strong foundation of love for his family.

Lastly, only early this week, Nanay Dada passed away. Only yesterday, Nanay Dada was cremated and interned in Manila Memorial Park. I celebrated mass at her wake last Tuesday. Nanay Dada is the yaya of a friend. She has been with her family for 50 years. Nanay Dada chose not to get married. She chose to stick out with the family until she became family. Nanay Dada was truly an example of faithfulness.

Fame and fortune cannot prepare us for death, love and fidelity do. These are values that are also found in Mama Mary, whose solemnity we celebrate today. Love and faithfulness offer us life beyond what this world can give. Love and faithfulness are gifts that thieves cannot take from us, that moths cannot destroy. These are values that last. Love and faithfulness are lessons that we bring into 2010, because these are that will truly make our new year happy.

Friday, December 18, 2009

Sakripisyo ang Tanda

December 18, 2009

Si Jose, pangarap bumuo ng isang simpleng pamilya kasama si Maria. Pero buntis is Maria, nagdadalantao. Hindi siya ang tatay. Puede niyang ipagkanulo si Maria dahil sa nangyari, pero minabuti niyang hiwalayan ng tahimik upang hindi mapahiya at hindi maparusahan. Subalit pagkatapos maunawaan kung ano ang plano ng Diyos para sa kanya at kay Maria, tinanggap niya si Maria upang maging kanyang asawa. Isinakripisyo ni Jose ang kanyang plano upang tuparin ang plano ng Diyos. Hindi dahil sa sariling kakayahan ni Jose, kundi dahil kumilos ang Diyos sa kanya. Sakripisyo ang tanda na sumasaatin ang Diyos.

Nitong nakaraang buwan nakilala natin ang isang Efren Penaflorida, siya ang CNN Hero of the Year. Pinili siya mula sa sampung finalists. Tiningnan ko yung sampung finalists ng CNN Hero of the Year. Yung isa ay driver ng bus; araw-araw 9:30 ng gabi pupunta siya sa isang lugar para magpamigay ng pagkain. Yung isa naman ay bartender; nangangalap siya ng pondo sa bar para ipampagawa ng balon o ng poso para sa mga hirap sa malinis na tubig. At ito nga isang ay si Efren Penaflorida na taga-Cavite, meron siyang regular na trabaho bilang teacher, pero kapag Sabado’t Linggo nag-iikot sa mga street children para magturo magbasat at magsulat. Marami pang iba. Puro sila simpleng mamayan, na may simpleng hangarin tumulong, kaya naghanap ng paraan. At hindi nila magagawa ito kung hindi sila marunong magsakripisyo. Imbes na ipagpahinga na yung oras sa gabi, magluluto pa at lalabasa para magpamigay ng pagkain. Imbes na palaguin na lang ang trabaho sa bar para mas lumaki ang kita, iipunin pa para ipampagawa ng poso o balon. Imbes na ipahinga na lang ang Sabado’t Linggo, mag-iikot pa para magturo.

When we hear stories of sacrifices, we feel a kind of lightness in our hearts. Because the ability to sacrifice, the ability to say no to the self in order to say yes to others, is an ability that comes from the grace of God. Sacrifice is a sign that God is with us.

Kung paano ang mga CNN Heroes ay mga simpleng taong piniling magsakripisyo, tayo rin, bawat isa sa atin, gaano man ka ordinaryo, gaano man ka simple may kakayahang magsakripisyo dahil sumasaatin ang Diyos.

Without any effort we can always choose what we want, but when we choose to sacrifice what we want in order to fulfill what God wants, then that is because God is with us. Kaya nating magsakripisyo hindi dahil magaling tayo. Kaya nating magsakripisyo dahil sumasaatin ang Diyos.

May sariling plano si Jose, pero nagsakripisyo para tuparin ang plano ng Diyos dahil sumasakanya ang Diyos. Kaya naman siya ay pinagpala. Tayo rin, kung sumasaatin ang Diyos, sumasaatin din ang kakayahang magsakripisyo, dahil sakripisyo ang tanda na kapiling natin ang Diyos. At tulad ni Jose, tayo rin ay pagpapalain.

Thursday, December 17, 2009

Pamilya ang Tanda


December 17, 2009


Ang Salita, si Hesus, ay naging tao. Pinaglihi ni Maria. Pinanganak sa sabsaban. Pinanganak sa isang pamilya. Dahil dito ginawang banal ng Diyos ang lahat ng pamilya. Kaya ang pagmamahal ng pamilya ay naging tanda ng pagmamahal ng Diyos. Kaya ang pagmamahal ng pamilya ay tanda ng presensya ng Diyos, tanda na sumasaatin ang Diyos, tanda na kasama natin ang Diyos.

Sa ebanghelyo ngayon, narinig natin ang napakaraming pangalan. Ito ang mga ninuno ni Jose, na asawa ni Maria, tataytatayan ni Hesus. Kaya ito rin ang mga ninuno ni Jesus. At kung susuriin may mga pangalan dito na may hindi magandang kuwento. Ibig sabihin hindi dinoktor ang mga pangalan para pagtakpan ang kanilang mga kahinaan. Sa kapanganakan ni Hesus, niyakap ng Diyos ang mga ninuno ni Jose, niyakap ng Diyos ang kahinaan ng kanyang mga ninuno, niyakap ng Diyos ang kahinaan ng pamilya.

In the family, we tend to reward the good and punish the weak. But the gospel today exhorts us to make the love within the family embrace not only the strong, the successful or the good, but also to embrace the weak and the failure. The family becomes a sign of God’s presence among us if the family learns to embrace the failures and weakness of family members.

Meron po akong kinasal, pagkatapos lang ng isang buwan na pagsasama, yung lalaki nagkaroon ng problema sa kanyang mga magulang dahil sa kanyang asawa. Nagkasagutan. Nagalit. Nakapag-salita ng hindi maganda. Hindi nagkasundo. Sabi ng tatay, “Kalimutan mo nang may magulang ka. Kakalimutan ko nang may anak ako.” Mga salitang galit. Mga salitang masakit. Mga salitang hindi madaling makalimutan. Pero sa totoo hindi puedeng kalimutan ang pamilya. Bali-baliktarin man natin ang mundo, ang magulang ay mananatiling magulang, at ang anak ay mananatiling anak. Kahit na anung kalimut ang gawin natin hind nakakalimut ang sinapupunan, hindi nakakalimut ang dugo.

Lagi nating naririnig na ang pasko daw ay pagkakataon para magsama-sama ang buong pamilya. Tama po iyun. Pero idagdag natin na ang pamilya ay dapat magsama-sama hindi lamang kung pasko. Bagkus, ang pamilya ay dapat magsama-sama sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, sa tagumpay at pagkabigo, mahusay man o mahina. Ang pamilya ay dapat patuloy na nagmamahal.

Mag kapatid, hindi kailangang pagtakpan ang kahinaan ng ating pamilya. Alam ng Diyos yan. Naiintindihan ng Diyos yan. Ang kailangan ay yakapin ang kahinaan at patuloy na magmahal dahil sa pagmamahal ng pamilya mararanasan ang pagmamahal ng Diyos, sa pagmamahal ng pamilya matatanto na kasama natin ang Diyos. Amen.

Pagbabago ang Tanda


December 16, 2009


Ang Misteryo ng Pasko: Ang Diyos ay nagkatawang tao; ang Diyos ay naging katulad natin, nagins kasama natin. At dahil kasama natin ang Diyos, ang pag-ibig ng Diyos ay sumasaatin.

Anu-ano ang mga palatandaan na ang pag-ibig ng Diyos ay sumasaatin?

Bilang paghahanda sa pagdating ng Mesias, si Juan Bautista ay nagbinyag sa diwa ng pagbabalik-loob sa Diyos. Ito ang tanda ng pag-ibig ng Diyos sa atin, ang pagkakataon para magbalik-loob, ang pagkakataon para magbago.

Kung tunay na kasama natin ang Diyos, nararapat lamang na ang pakikipagtagpo natin sa Diyos ay magkaroon ng epekto sa buhay natin. Ang makapiling ang Diyos ay magbabago sa buhay natin.

Meron akong mga parishioners na nagpunta ng Davao. Sinasama nila ako pero hindi ako puede. Pagbalik nila kinamusta ko ang pamamasyal nila sa Davao. Ang bungad kagad sa akin, “Father, nakita namin si Mommy Dionesia!” Nag-isip ako kung sino si Mommy Dionesia. Sabay pakita ng picture sa akin. Ah siya nga pala ang nanay ni Manny Pacquiao. Sa dami ng ginawa nila sa Davao, sa dami ng pinuntahan nilang mga lugar doon, ang bungad na kuwento ay si Mommy Dionesia.

Ganun naman tayo talaga. Ang makakita ng artista, ang makaharap ang sikat, ang makapagpiktur sa hinahangaan, hindi natin yan makakalimutan. May tatak sa atin. May epekto sa atin. Paano pa kaya kung makasama natin ang Diyos. Hindi puedeng makapiling natin ang Diyos at hindi tayo maapektuhan. Hindi puedeng makasama natin ang Diyos ang hindi tayo mabago.

If our Christmas is true then Christmas should change us. If our Christmas is genuine then Christmas should make us faithful like Mary. If our Christmas is authentic then Christmas should make us just like Joseph. If our Christmas is real then Christmas should make us generous like Jesus.

Pagbabago ang tanda na kasama natin ang Diyos. Dahil kung tunay nating kapiling ang Diyos ngayong Pasko, babaguhin tayo ng Pasko. Amen.