Monday, August 23, 2010

Hindi lahat ng madali ay mabuti.

21st Sunday, Ordinary Time

Kung papipiliin ko kayo: mahirap na daan o madaling daan? Sigurado ako pipiliin ninyo ang madaling daan. Kung papipiliin ko kayo: maluwag na daan o makipot na daan? Sigurado ako pipiliin ninyo ang maluwag na daan. Natural sa atin na piliin kung ano ang madali. Maging sa gawain man o sa pagpapasya sa buhay. Natural sa atin na maghanap ng short cut para mapabilis. Para hindi na mahirapan. Pero may paalala si Jesus sa ating ebanghelyo ngayon. Sabi niya, “Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na daan. Sinasabi ko sa inyo marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makpapasok.” Hindi lahat ng madali ay mabuti. Easy is not always good.

Noong August 10 namatay ang isang paring malalim ang naging papel sa aking pagkapari - si Fr. Albert Meerschaert. Si Fr. Albert ay isang Belgian CICM missionary. Una siyang naging misyonero sa China. Nung naging malakas ang communist revolution pinatalsik mula sa China ang lahat ng mga misyonero. Kaya noong 1947 napunta siya ng Pilipinas. Naglingkod una sa Bayombong, Nueva Viscaya. Tapos pinadala sa Lipa, Batangas. Noong 1953 inilagay sa San Carlos Seminary sa Makati. Sa seminaryo, si Fr. Albert ay naging rector, prefect of discipline, professor, pero higit sa lahat spiritual director at confessor sa mga seminarista at sa mga pari’t obispong patuloy na bumabalik sa kanya. Hanggang magretiro siya noong 2004. Hindi na umuwi sa Belgium. Piniling manatili dito sa Pilipinas. Hanggang magkasakit at mamatay nitong August 10. Si Fr. Albert ay 95 years old; 51 years sa seminary; 71 years sa pagkapari. Fr. Albert was God’s grace to us.

Para sa akin si Fr. Albert ang halimbawa ng pagtahak sa makipot na daan. Kung pinili lang niya ang madali at maluwag na daan, hindi sana niya iniwan ang mayamang Europa para maging misyonero dito sa Pilipinas. Kung pinili lang ni Fr. Albert ang madali at maluwag na daan hindi sana siya nagtiyaga ng 51 taong paglilingkod sa iisang lugar lamang. Bagkus pinili ni Fr. Albert ang malayo sa kanyang sinilangang bayan; pinili ang maglingkod sa isang maliit na bansang Pilipinas; pinili ang magturo sa mga seminarista, magpayo at magpakumpisal.

Noong August 16 nagalay ng misa sa San Carlos Seminary para kay Fr. Albert. Napakarami naming paring dumating. Napakaraming monsignor. Merong mga obispo. Meron ding arsobispo. At lahat kami iisa lang ang laman ng puso - pasasalamat. Salamat dahil may isang taong hindi pinili ang madali at maluwag na daan. Salamat dahil may isang taong pinili ang makipot na daan ng pagsasakripisyo, paglilingkod at pagtiyatiyaga hanggang wakas. Fr. Albert chose the “narrow gate” of sacrifice, service and perseverance.

Mga kapatid, wala pong masama kung maghanap tayo ng mga paraan para maging madali at maginhawa ang ating buhay. Pero tandaan po natin na hindi lahat ng madali ay mabuti, dahil hindi lahat ng hirap ay masama. Ang hirap na dulot ng pagsasakripisyo dahil sa pagmamahal, ang hirap na dala ng wagas na paglilingkod at ang hirap na kasama ng pagityatiyaga upang maging tapat hanggang wakas ay mga hirap na magdudulot ng katuparan ng kabutihang loob ng Diyos sa atin at sa ating mga mahal sa buhay.

San Roque, Patron of the Barangay

When he was 20 years old San Roque undertook a pilgrimage to Rome. And while in Italy he faced the harsh reality of a plague. There he took care of the infected and cured many of them until he himself caught the disease.

Then as today, pilgrimages were done as a sign of penitence, or asking for a particular favor from God. In other words with pilgrimages come blessings and graces. But in the case of San Roque, his pilgrimage to Rome brought him disease. In seeking for grace, San Roque found illness. What a disheartening journey it could have been for San Roque.

Yet in the mysterious ways of God, it was precisely in San Roque’s care for the sick that made him unwell, that he found his mission. It was in giving himself totally to the sick unmoved by the possibility of getting inflicted himself that Roque became San Roque. There he found holiness; he found sainthood.

It is an unfortunate fact that many people lost their faith because of illness. Being afflicted by disease, especially when sudden and/or terminal, has caused many people to get angry with God, to turn away from the church and to give up prayer altogether. San Roque is a witness to the contrary. We may not fully understand the mystery of sickness in our won lives and in the lives of our loved ones but its power can never be greater than the unconditional love of God. Mysterious too are the ways of the Lord.

We ask the intercession of San Roque, that as we face the finitude of our bodies brought about by illness and disease, we may continue to hold on to the infinite love of the Father; that as we struggle with the limitations of human life we may find consolation and strength in the limitless bounds of eternal life. Amen.