Sunday, November 30, 2008

Makasalubong nawa kaming may mabubuting gawa...

First Sunday of Advent, B

Ngayon ang unang araw ng bagong taon ng simbahan, bagong taon ng liturhiya. Ngayon ay unang linggo ng Adbiyento. Ang Adbiyento ay galing sa salitang ingles na Advent, na galing naman sa salitang Latin na Adventus, na ang ibig sabihin ay pagdating, arrival, or coming.

Sa panahaon ng Adbiyento hindi lamang tayo naghihintay sa pagdating ng Pasko, kundi naghihintay din tayo sa pagbabalik ng Panginoon. Paano ba tayo dapat maghintay?

Napakaganda ng sinasabi ng Pambunga na Panalangin sa misang ito: “Ama naming makapangyarihan, bigyan mo kaming paninindigang tumahak sa landas ng kabutihan. Sa pagdating ni Kristo makasalubong nawa kaming may mabubuting gawa upang kapiling niya sag awing kanan kami ay makapisan sa iyong pinaghaharian […]”

May naghihintay ng walang ginagawa. Ang paghinhintay sa panahon ng Adbiyento ay gumagawa ng kabutihan habang naghihintay. Ang pagsalubong sa pagdating ni Jesus ay ang pagsalubong sa pamamagitan ng mabubuting gawa at pagtahak sa landas ng kabutihan. Ang tawag ni Fr. Nouwen dito ay active waiting.

Si Cardinal Joseph Bernardin, ang dating arsobispo ng Chicago sa America. Bago siya namatay, siya ay tinaningan ng kanyang doctor dahil siya ay may cancer. Alam nyo kung ano ang ginawa sa kanyang mga huling araw bago dumating ang kanyang taning? Hindi siya nagmukmok sa isang tabi at umiwas sa kanyang mga tungkulin bilang arsobispo. Hindi siya nag-resign at nagbitiw sa kanyang mga gawain. Sa kanyang mga huling araw, habang naghihintay sa kanyang kamatayna, si Cardinal Bernardin ay dumalaw sa mga maysakit na kanser. At pinalakas ang kanilang loob sa pamamagitan ng panalangin at pagmamalasakit ng isang taong tulad nila ay lumalaban din sa sakit. The Cardinal did not stayed at home and relinquished his duties while waiting for his death. No. The Cardinal visited the sick, the cancer patients, and comforted them. Naghintay sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at pagtahak sa landas ng kabutihan.

Isang paalala mula sa ebanghelyo ngayon: Magbantay! Magbantay sa mga pagkakataong makagawa ng mabuti. Magbantay sa mga pangangailangan ng kapwa upang makatulong sa kanila. Magbantay sa mga pagkakataong tupdin ang kalooban at atas ng Diyos.

Darating ang Panginoon. Makasalubong nawa tayo ng may mabubuting gawa. Makasalubong nawa tayo habang tumatahak sa landas ng kabutihan. Amen

Saturday, November 29, 2008

First day... first time...

Today is my first day as professor of San Beda Graduate School of Liturgy.

Kahit isang unit lang yun, at apat na Sabado lang na three hours per class, at anim lang ang estudyante, me ID pa rin yun na professor ang nakalagay hahaha... Kinakabahan. Excited. Natatakot. Masaya. Maraming doubts. Frightening. Proud. Nahihiya. Hindi Mapakali. Nagbabasa pero wala ng pumapasok sa utak. Baka pumalpak. Privileged. Will give my best.

Prayers please (not only for me, but especially for my students sana matiis nila ako hehehe...). Thanks.

Thursday, November 20, 2008

Ang Tagumpay ng Paghahari ni Kristo

Ngayon ay dakilang kapistahan ng Kristong Hari. Sa huling linggo ng kalendaryo ng simbahan, at sa pagsisimula ng bagong kalendaryo sa pagpasok ng panahon ng Adbiyento, nararapat lamang na ipagdiwang ang paghahari ni Hesus sa ating buhay. Sa lingo-linggong pagdiriwang natin ng misa, pagpupuri at pasasalamat sa kanya, sa araw-araw na pagsisikap sumunod sa kanyang mga halimbawa nararapat lamang na ipagdiwang natin ang kanyang tagumpay, kapangyarihan at kaluwalhatian.

Ano nga ba ang palatandaan ng tagumpay ng paghahari ni Kristo sa buhay na ito? Ano ang platandaan na si Kristo ay ating Hari?

Batay sa ating ebanghelyo ngayon, si Kristo ay tunay na naghahari sa atin kung ang mga nagugutom ay may pagkain; kung ang nauuhaw ay may tubig; kung ang dayuhan ay tinatanggap; kung ang walang maisuot ay may damit; kung ang maysakit ay kinakalinga; at kung sa napipiit ay may nagmamalasakit. Samakatuwid, ang tagumpay ng paghahari ni Kristo ay nasusukat sa pagmamalasakit ng tao sa kapwa tao; sa pag-aalala hindi lamang para sa sarili kundi para sa mga nangangailangan; sa pagtalikod sa kasalanan at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ito ang tanda na tunay ngang naghahari sa atin si Kristo – kapag ang puso natin ay naging tulad ng puso ni Kristo, sumusunod sa kalooban ng Ama at may malasakit sa nangangailangan.

Noong nakaraang linggo, isang binatilyo ang lumapit sa akin pagkatapos ng misa. Sabi niya, “Father, puede po bang magkumpisal?” Ikinuwento niya sa akin ang lahat ng kanyang kasalanan. Sabi niya, “Kahit bata pa po ako. Ginawa ko na yata lahat ng kasalanang kayang gawin ng kabataan.” Siya na rin ang nagsabi na dati-rati hindi siya makikita sa loob ng simbahan. Kung magsisimba man, nakatayo lang sa labas ng simbahan. Siguro nakita nyo siyang nakatambay sa kalsada. Pero ngayon, nakikita ko siyang nagsisimba, tumutulong sa gawain ng simbahan, naglalaan ng kanyang talento at kakayahan, nanghihikayat ng ibang kabataan upang mapalapit kay Kristo. Hindi ko po sinasabi na banal na ang batang ito. Ang sinasabi ko lang po, sa kanyang pagkukumpisal pagkatapos ng ilang taon, sa kanyang hangaring magbago, sa kanyang pagsisikap maglingkod at manghikayat ng kapwa kabataan na mapalapit kay Kristo, makikita natin na gaano man kasama ang mundo, gaano man kadilim ang buhay, nagtatagumpay pa rin ang paghahari ni Kristo.

Madaling isipin na ang tagumpay ng paghahari ni Kristo ay ang pagbagsak ng mga makasalanan. Subalit ang totoo, ang tagumpay ng paghahari ni Kristo ay makikita hindi sa pagbagsak ng mga kasalanan, kundi sa pagbabago ng mga makasalanan upang magbalik-loob sa Diyos at magsikap magmalasakit sa kapwa.

The victory of Christ the King is not the downfall of sinners. The victory of Christ the King is the transformation of sinners to become servants of the Lord. Pagtalikod natin sa kasalanan at pagmamalasakit natin sa nangangailangan – ito ang sukatan kung si Kristo nga ay Hari natin. Amen.

Saturday, November 15, 2008

Ayon sa ating kakayahan...

On an ordinary day, what do you usually do around 7 in the evening? Riding a bus perhaps, or a jeep, or an FX, waiting impatiently to arrive home; preparing dinner for the whole family; relaxing on chair and watching the evening news (“24 Oras” if your are Kapuso and “TV Patrol World” if you are Ka-pamilya), doing your homework; getting ready for work the next day, or extending the hours in order to finish the work for that day.

I just came from a community of monks in Malaybalay, Bukidnon, the Benedictine Monastery of Transfiguration. And you know what they usually do around 7 in the evening? They gather to pray and then, retire for the day. In other words, they get ready to sleep. YES! At 7 in the evening, after prayers the monks go to their rooms and call it a day.

You understand why, when you come to know that the first prayer the monks have everyday is at 3:00 am (called “Matins”), followed by silent prayer until 5:00 am for the Lauds, then, the Holy Mass at 5:30. In fact, the monks gather together for prayer 5 times a day: Matins at 3:00 am, Lauds or Morning Prayer at 5:00 am, Midday Prayer at 11:30 am, Vespers or Evening Prayer at 5:00 pm and Compline at 7:00 pm. Not to mention the several hours spent for personal silent prayer. [Read the whole blog.]

Habang nasa monasteryo kami sabi ko sa kasama kong pari, “Tol, kaya kaya natin mabuhay dito? Gumising ng alas tres ng umaga at matulog ng alas siyete ng gabi – kaya kaya natin?” Walang sagot. Tahimik lang. Ngumiti. At sabay kaming tumawa ng malakas. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Hindi! Pero bago kami matulog nung gabing iyon, sabi nung paring tinanong ko, “Siguro kung dito tayo tinawag ng Panginoon, bibigyan niya tayo ng lakas para makaya natin ang buhay na ito.” Napakagandang sagot. Kapag tinawag tayo ng Diyos sa isang bagay, ibibigay niya ang kailangan upang kayanin ito.

Tamang tama ang mensahe ng ebanghelyo natin ngayon: “Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kanyang kakayahan.” Lagi nating naririnig na sinasabi, hindi naman tayo bibigyan ng problema ng Diyos kung hindi natin kaya. Tama po iyon. Pero yung kakayahan kailangan din nating tanggapin mula sa Diyos. Kailangan din nating hingin sa panalangin. Kailangan din natin pagtibayin sa ating pamumuhay sa araw-araw.

Sa araw po ng paghuhukom, tayo ay huhusgahan ng Panginoon kung tayo ay naging tapat sa kanyang kalooban ayon sa ating kakayahan. Ang mahirap ay kung hindi natin sinubukan; kung hindi natin inalam ang kalooban ng Diyos; kung hindi natin inalam ang ating kakayahan.

May mag tinawag na maging monks. May tinawag na maging mga madre. May tinawag na maging mga pari. May tinawag na mag-asawa at magbuo ng isang Kristiyanong pamilya. Pinagkatiwalaan tayo ng Diyos ayon sa ating kakayahan. Ibigay sana natin ang lahat ng ating makakaya. Amen.

living life

On an ordinary day, what do you usually do around 7 in the evening? Riding a bus perhaps, or a jeep, or an FX, waiting impatiently to arrive home; preparing dinner for the whole family; relaxing on chair and watching the evening news (“24 Oras” if your are Kapuso and “TV Patrol World” if you are Ka-pamilya), doing your homework; getting ready for work the next day, or extending the hours in order to finish the work for that day.

I just came from a community of monks in Malaybalay, Bukidnon, the Benedictine Monastery of Transfiguration. And you know what they usually do around 7 in the evening? They gather to pray and then, retire for the day. In other words, they get ready to sleep. YES! At 7 in the evening, after prayers the monks go to their rooms and call it a day.

The Monastery of Transfiguration, the bell tower and the tent-like chapel,

taken around 5:30 am, sunrise...

I share your surprise and questions. Can anyone really go to bed at 7 in the evening? Can anyone really finish his day at 7 pm? I can’t imagine how one can go to bed that early. There are still 5 hours before midnight; still a lot can be done. How can one call it a day at 7 pm?

You understand why, when you come to know that the first prayer the monks have everyday is at 3:00 am (called “Matins”), followed by silent prayer until 5:00 am for the Lauds, then, the Holy Mass at 5:30. In fact, the monks gather together for prayer 5 times a day: Matins at 3:00 am, Lauds or Morning Prayer at 5:00 am, Midday Prayer at 11:30 am, Vespers or Evening Prayer at 5:00 pm and Compline at 7:00 pm. Not to mention the several hours spent for personal silent prayer.

Hymnal from the chaple of the Monastery

This kind of life, what we call monastic life, questions the way we live our lives. For many of us, we have accepted our kind of life as the norm, as the only way to live life, as the only way to manage the limited hours of the day. We have accepted that being busy with work, being concern with so many things, filling all our time with appointments, with things to do, with people to meet, with places to see, with concerns to dwell on, as the only way to get by each day.

We have taken for granted that there are people who have dedicated their whole life not in busyness and hurried appointments but in prayer and work; not in things to buy, to do, or to be concerned about but in simplicity and single-heartedness; not in the noises and indiscernible sounds of the world but in silence and contemplation.

The life of the monks makes us aware that what we consider the norm in living our life at present is not without alternative. The monks witness this to us, and the Monastery of the Transfiguration had been around for 25 years now (they celebrated their Silver Jubilee last August 6, 2008). To fill every waking time we have with work and concern is not the only way to journey through a day. Dedication to prayer, silence and work is a possible alternative to what most consider as the only way to pass through a day.

I do not think that we all should form monasteries and live as monks. No. But the awareness that such a monastic life fruitfully exists at present makes us aware that we have a choice in the way we live our life. We are not in a “no choice” situation. We have a choice not to make our lives only about being busy, earning a living, accumulating possessions, blindly accepting the noise, and praying only on a need basis (nagdarasal lang kapag may kailangan). There are other ways to live our life. And we have a choice.

Friday, November 7, 2008

Bakit ka pumupunta sa palengke?

Juan 2: 16 “Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!”

Ngayon ay ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Pagtatalaga ng Basilica ni San Juan Bautista na itinayo sa lupang pag-aari ng pamilya Laterani [kaya Lateran] noong taong 324. Ang basilikang ito ang katedral ng Santo Papa bilang obispo ng Roma. Ito ang Ina ng lahat ng simbahan.

Kaya’t sa ebanghelyo natin ngayon, ipinapahayag ang nararapat na pagbibigay ng halaga sa “bahay” ng Diyos, sa simbahan. Hindi dapat ito gawing palengke, sabi ni Jesus sa ebanghelyo. Madaling maintindihan na ang pagtitinda at pamimili na ginagawa sa palengke ay hindi dapat ginagawa sa simbahan. Subalit mas magandang pagtuunan ng pansin ang disposisyon ng mga nagpupunta sa palengke at pumapasok ng simbahan.

Bakit ka ba pumupunta sa palengke? Para mamili. Ng ano? Para mamili ng kailangan mo at ng gusto mo. Yan ang dahilan kung bakit ka pumupunta ng palengke – para mamili ng gusto mo at ng kailangan mo. Pagkaminsan, ito rin ang dahilan kung bakit ka pumupunta ng simbahan – para ipagdasal ang gusto mo at hingin ang kailangan mo. Kapag, ito lang ang dahilan ng pagpunta natin sa simbahan, hindi ba ginagawa na rin nating tila palengke ang simbahan?

Hindi ko sinasabing masama ang ipagdasal ang gusto mo at hingin ang kailangan mo sa loob ng simbahan. Ang sinasabi ko ay ito: sa loob ng simbahan, mas mahalaga sa kung ano ang gusto mo at kung ano ang kailangan ay kung ano ang gusto ng Ama at kung ano ang kailangan ng kapwa! Ang pagdarasal sa loob ng simbahan ay hindi natatapos sa kung ano ang gusto ko, bagkus sa kung ano ang gusto ng Ama. Ang pagtitipon sa loob ng simbahan para sa pagdiriwang ng banal na Misa ay hindi natatapos sa kung ano ang kailangan ko, bagkus sa kung ano ang kailangan ng aking kapwa. Sa loob ng simbahan, pagkatapos nating lumuhod at magdasal, maupo at makinig sa pagbasa at pangaral, kumanta at sumagot, pumila at tumanggap ng komunyon, pagkatapos nating sabihin sa Diyos ang gusto natin at ang mga kailangan natin, inaasahang maging malinaw sa atin kung ano ang gusto ng Ama at kung ano ang mga kailangan ng ating kapwa.

Ang simbahan ay parang palengke kapag gusto ko lang at kailangan ko lang ang dala natin. Ang simbahan ay tunay na simbahan kung pagkatapos ng gusto ko at kailangan ko, mas nangingibabaw ang gusto ng Ama at ang kailangan ng kapwa.

Pagkatapos ninyong sabihin sa Diyos kung ano ang gusto ninyo at kung ano ang kailangan ninyo, huwag po sana kayong lalabas ng simbahan ito ng hindi nauunawaan kung ano ang gusto ng Ama at kung ano ang kailangan ng ating kapwa. Amen.

A great privilege...

For the first time after earning my MA in Liturgy last May, I will be teaching Liturgy. I will be in Paul VI Insitute of Liturgy [PIL] in Bukidnon from the 10th to the 15th of November. I was assigned to facilitate the workshop on Planning and Celebrating the Rite of Marriage.

Pressure. Pressure. Pressure. Hay!